Si Tyler

258 8 0
                                    

Part2

Julia*
POV

Nagtawanan tuloy yung mga tao dito sa canteen. Hiyang-hiya ako sa sinabi nya. Para bang ambastos kase nun sa pandinig.

"Sira ulo ka." Sabi ko.

Tawang-tawa si Tyler. Grabe, ang babaw ng kaligayahan nya. Nakakainis tuloy. Nawalan na ko ng gana kumain kaya tumayo na ko dito sa pagkaka-upo at dali-dali nang naglakad palayo sa grupo ng lalaking kinaiinisan ko.

"Oh?! Where the heck are you going Julia! Hahaha!" Natatawang sabi ni Tyler.

Nakasimangot akong naglakad ng hindi sila nililingon. Inis na inis talaga ko sa Tyler na yun. Nakakaasar sya.

"Bwisit na Tyler yun. Tsk!"

Pagdating ko sa next subject o next room nakita ko si Rebecca na nambubully sa sulok. Lumapit agad ako't binatukan sya para matigil yung pananakit nya sa babaeng morena na ka schoolmate namen.

"What the hell! Who the fu---" Naputol yung sasabihin ni Rebecca nang makita nya ko. Nangisi akong nakatingin sa kanya. Umatras agad sya kasama yung mga alalay nya.

"Oh? Minumura mo ba ko Rebecca?" Sarkastikong sabi ko.

"H-Hindi ah? Hindi. Uhm, t-tara na girls. May klase tayo sa math." Sabat agad ni Rebecca saka sila nagmamadaling maglakad palabas dito sa classroom.

Napatingin saken yung mga estudyante dito. Grabe, sa dami nila ni wala manlang umaawat sa pambubully nila Rebecca.

"Wala manlang umawat sa inyo? Anong klaseng tao kayo. Mga wala kayong kwenta Tsk! Siguro ganyan talaga kapag duwag noh? Takot na takot kayo kay Rebecca e wala namang pera yun! Matakot kayo dapat dun sa mga taong kaya talaga kayong ipatumba. Hay nako, mga ka schoolmates ko pala dito puro duwag. Nakakahiya." Mataray kong sabi tapos naupo na ko.

Aba at um-agree pa yung iba pero wala namang nagawa kanina. Kala mong mga matatapang talaga nung wala na si Rebecca e. Pero nung nandito yung impaktang yun lahat ng mga tao dito nakayuko.

"Hays."

Pagdating ng professor nagsimula na yung klase. Nakinig akong mabuti para naman walang masabi si Mama.

*

Lumipas ang ilang oras at makalawang lipat ng classroom. Salamat at uwian na. Paglabas ko dito sa huling classroom ay dumiretso agad ako sa canteen para bumili ng maiinom bago ako umuwi.

"Pabili po ng iced tea." Sabi ko sa ale.

Pagkaabot ko sa bayad inasikaso na nya yung binibili ko. Tumingin na muna ko sa paligid at nakita sila Thalia at Ella. Ang mga kaklase ko sa first and second subjects. Ganito pala sa school na to. Magkakahiwalay kayo magkaka kaklase after ng breaktime.

"Ako din po iced tea! Hihi." Sabi ni Thalia.

"Me din po Ate Flor." Sabat ni Ella.

"Hmm, bakit hinihingal yata kayo?" Tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa saken. Sabi ni Thalia hinahabol daw sila ng grupo nila Tyler. Pinagtitripan raw sila nung Jigs at Tony na mga barkada ni Tyler.

"Ampapangit nila! Ayaw namen sa kanila hays." Sabi ni Thalia.

"Yeah! Mga manyak yung mga yun! Lahat sila manyak! Mahilig sila sa batang babae gaya naten." Sabi ni Ella.

"Wow, pedo pala yung grupo nila Tyler? Gosh." Sabi ko.

Nagpaliwanag pa tong dalawa na halos karamihan yata ng babae dito sa school e dumaan na sa grupo ni Tyler. Nandidiri yata ako sa kinukwento ng mga to.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon