Ano ang narinig?

157 4 0
                                    

Part13

Julia*
POV

Malungkot akong bumangon sa pagkakahiga. 6:00am na kaya kailangan ko ng magready para sa pagpasok ko sa school.

"Hays."

'Juliaaa! Bumangon kana!' Hiyaw ni Mama.

"Oo Ma!" Sagot ko naman tapos tumayo na ko't nagpunta sa banyo para makaligo na't makapag-ayos para sa pagpasok ko sa school.

Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nagsuklay lang ako tyaka na binitbit tong backpack ko. Lumabas ako dito sa kwarto ko at nakita si Mama na nag-aayos na din para sa pagpasok nya sa trabaho. Dun sa Restaurant kase ay natanggap na sya kahapon lang. Ngayon na sya magsisimula.

"Oh inumin mo na muna yang energen mo. Maglilinis muna ko sa lababo para pag-uwi nating dalawa wala ng kalat dito." Sabi nya.

Hindi ako sumagot. Basta inumpisahan ko ng inumin tong agahan ko.

"Hmm."

"Nga pala Nak. Kamusta naman kayo ng Kuya mo? Okay na ba kayo ah."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Mama. Hininto ko na muna tong pag-inom sa energen at sumagot ako nang...

"A-Ayos naman kame Ma. B-Bali, hindi na nga lang kame nagkikibuan. Tahimik kase si Ty-- este K-Kuya. S-Siguro hindi parin nya matanggap yung nangyari samen na ganito."

Napahinto tuloy si Mama sa ginagawa nya. Marahan nya kong nilingon. Kita kong malungkot ang reaksyon nya pero nanatili lang akong seryoso at ayos na sa mga nangyayari kahit sa totoo lang ay nasasaktan parin ako.

"Anak, naiintindihan mo na siguro yung sitwasyon naten ngayon. Balang araw makikilala mo din yung lalaking para sayo. Si Tyler, alam kong maraming nagkakagusto dun. Alam kong parehas kayong magiging masaya. Sa ngayon kailangan nyo lang tanggapin na pamilya kayo, na magkadugo kayo."

*

Ewan ko ba... Habang naglalakad ako ngayon kasama sila Ella at Thalia papunta sa first class e iniisip ko tuloy yung sinabi ni Mama. Iniisip ko kung baka may nakaka-usap na si Tyler ngayon kaya hindi na nya ko kinikibo o baka naman naiilang nalang syang dumikit saken dahil magkapatid nga kame.

"Ang hirap."

"Girl? Anong mahirap?" Sabi ni Ella.

"Alam mo Julia. Matatapos din yang problema nyo ni Tyler." Sabi naman ni Thalia.

"Sana nga matapos na. Hirap na hirap ako kapag nasa paligid ko sya. Nasasaktan ako sa nangyayare. Alam nyo yung tipong iniisip ko pa yung mga nangyare samen tapos, m-magkapatid pala kame?"

Tumigil kagad kame sa pagsasalita nang dumaan si Tyler kasama nya yung mga kaibigan nya. Ni hindi nya ko tinignan kaya parang may kumirot sa kalooban ko ngayon. Nalulungkot akong ganito kame araw-araw. Dinadaanan lang namen ang isa't-isa.

"Uhm, Julia. Let's go?" Aya ni Ella.

Hinawakan ako ni Thalia sa kamay tapos nagpatuloy na kame sa paglalakad papunta sa dapat naming puntahan.

*

Habang nagsasalita yung professor. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Bumulong si Ella saken. Sabi nya'y lumuluha daw ako. Agad kong pinunasan tong magkabilang pisngi ko. Nakumpirma ko ngang lumuluha ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Girl, magfocus ka." Bulong ni Thalia.

Tumango-tango ako't tumingin na ulit sa teacher namen. Nakinig ako kahit mahirap lalo't hanggang ngayon problemado parin ako dahil kay Tyler at yung tungkol samen.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon