Part4
Julia*
POVNag-iiiyak na ko habang nakayakap ako sa bewang ng kung sino. Nararamdaman kong hinihipo at tinatapik nito ang likod ko para maka-kalma ako kaso, naaalala ko yung nangyari dati. Ayaw ko nang maulit yun. Natatakot akong baka may mamatay at ako nanaman ang mapagbintangan. Ayaw kong masira ulit ang pangalan ni Mama.
"Tamana. nakalabas kana..." Mahinahon na sabi nitong lalake.
"Please. Payakap ako. Saglit nalang please." Iyak ko.
Niyakap nya ko ng mahigpit saka para bang hinalikan pa sa ulo. Hindi na ko nag react lalo't ginusto kong yumakap sa taong to. Ang kailangan ko lang ngayon e maka-kalma ako.
"Good. Ganyan nga, kumalma ka..." Bulong nito.
Tumango-tango ako't pilit nang ikinakalma ang sarili. Ramdam kong nanginginig ako dahil sa nangyari. Thankful naman akong may nagbukas sa pintuan ng restroom o baka naman kasabwat ito ng nag lock saken dun sa loob. Bumitaw kagad ako sa pagkakayakap saka umatras at tiningala ang taong kayakap ko kanina lang. Nanlaki ang mga mata ko lalo't hindi ko inaasahang sya pala ang lalaking kayakap ko.
"T-Tyler."
Bakit para bang nag-aalala ang reaksyon nya. Humakbang sya ng isa papunta saken. Umatras naman ako hanggang sa humakbang ulit sya kasabay ng pag-atras ko. Sa pag atras kong to nabalik nanaman ako sa loob ganun din na nandito na din si Tyler. Binuksan nya yung ilaw na nasa labas ng restroom yung buton nun tapos sinara nya yung pinto.
"B-Bakit mo sinara! Mala lock tayong dalawa dito!" Sigaw ko.
"Kalma. Okay so, ano bang nangyari?! Bakit mo ko niyakap ah! Siguro minamanyak mo ko no?" Sabi nya.
Napatikom ako sa sinabi nya. Ngumisi sya't lumapit saken saka nya ko hinawakan sa kanan pisngi gamit ang kaliwa nitong kamay.
"Mmhmm. Sabi ko na nga ba e. May gusto ka saken Julia..."
"Ang kapal ng mukha mo!" Hiyaw ko sabay piglas para maalis ang pagkaka-hawak nito sa mukha ko.
"Oooh, ang tapang mo talaga ah? Pero kanina ngawa ka ng ngawa. Tsk! Sana pala hindi na kita pinagbuksan ng pintuan! Wala ka manlang pasasalamat saken..."
Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi nya. Pabulong tuloy akong nag... "T-Thank you." tapos yumuko sya't kinokoberan sa gilid ang kanan tenga nya na para bang hindi nya kano narinig yung sinabi ko.
"Ano ulit yun? Hindi ko narinig..."
"Hays. Sabi ko Thank you! Masaya kana?" Sabi ko.
Napatayo sya ng diretso na tila nabingi sa sigaw ko. Nagpipigil akong matawa kase ang cute pala ni Tyler kapag nagugulat.
"Aba, nahihiya ka pang tumawa ah?" Sabi nito.
"Ewan ko sayo. Siguro, ikaw yung nangmamanyak saken. Kasabwat mo yung nag lock sa pinto no?" Sabi ko.
"Ay wow, nakakahiya sayo Julia. Grabe, ako talaga pinagbibintangan mo? Hello, kakarating ko lang tapos nadatnan ko sila Rebecca na tumatawa tapos narinig ko kumakalampag yung pintuan kaya binuksan ko nung nag alisan na sila..."
Tama ba tong narinig ko? Si Rebecca. Hayop na babaeng yun. Patay sya saken mamaya.
"Oh ano? Tara na ba..." Aya ni Tyler.
Nauna na kong kumilos. Naglakad ako palabas dito sa restroom. Nakasunod si Tyler na nasa likuran ko na ngayon.
"Talagang nagmamadali ka maglakad ah?" Sabi nya.
"Syempre. Ano pa nga ba? Baka mamaya manyakin moko dun sa banyo."
"Wow talaga. Hiyang-hiya ako sayo Julia. Ako pa talaga mag mamanyak sayo? Talaga lang ah. Tsk! Maka-alis na nga..."
BINABASA MO ANG
High School Love Birds (COMPLETED)
RomanceR🔞 Isang sabong nga kaya ang mangyayari kung magtatama ang landas nila Julia at Tyler? O baka naman isang kuryente sa puso nila ang magpaparamdam sa nararamdaman nilang dalawa. Magkakasundo ang dalawa dahil sa pag-ibig ngunit sa pagkikita ng magula...