The Past

240 7 0
                                    

Part3

Julia*
POV

Seryoso na para bang nag-aalala yung reaksyon ni Rebecca. Napa irap ako sa kanya sabay tingin mula sa ulo nya hanggang paa. Kita kong kabado sya, ibig sabihin ay natatakot ito saken.

"Hmp! Bakit?! Anong kailangan mo ha!" Sigaw ko.

Napa-atras pa sya sa sigaw ko. Nakita kong naglapitan yung ibang alalay nya na pinalayo naman nya. Nagtataka ako sa kilos ni Rebecca. Ano kayang meron at para bang importante ang sasabihin nito saken.

"Ano ba Rebecca! Magsalita ka kung ayaw mong mabatukan." Sabi ko.

"W-Wag ka namang magalit. Uhm, may itatanong lang sana ko e. Wag kang sumigaw please." Sabi nitong kala mong aping-api.

"Oh e ano nga?" Sabi kong nagtaas pa ng kilay sa kanya.

Lumingon pa si Rebecca sa kaliwa at kanan na para bang nag-iingat na walang makakarinig sa pag-uusapan naming dalawa.

"Rebecca! Nanggigigil na ko sayo! Ano ba kase yun?!" Sabi ko.

Tumingin sya saken at pabulong na nagsabi nang... "T-Tanong ko lang kung anong sinabi sayo ni Tyler?"

Katakataka naman tong tanong nya saken. Napataas tuloy ang mga kilay ko sa sinabi nya.

"Tsk! Ano naman sayo kung anong sinabi ni Tyler saken aber?!"

"Please wag kang sumigaw Julia. Maayos akong nakikipag-usap. Alam kong hindi tayo okay kase mainit yung dugo mo saken pero tandaan mo wala akong ginagawang masama sayo. Maayos akong nakikipag-usap sana naman ganun ka din."

Aba at mataray na syang sumagot saken ngayon.

"Hoy Rebecca, fyi lang ha? Hindi mainit yung dugo ko sayo noon. Nag-init lang nung nagsimula ka nang maging bully kase alam mong mali yun at alam kong hindi tama yun! Hindi ka ganyan nung bata tayo. Anong nangyari sayo? Tsk! Tyaka gaya ng sabi ko, ano naman sayo kung anong sinabi ni Tyler saken. Yun lang yung simpleng tanong ko na hindi mo din muna sinagot bago ko sagutin yung tanong mo."

Bakas sa mukha nito ang lito, kaba at hindi yata nya alam kung paano pa sasagot sa sabat ko sa kanya.

"Ano? Magsalita ka. Mahinahon na ko ngayon magsalita Beca."

"Hays. Well, may gusto kase ko kay Tyler. I was just curious kung anong meron sa inyo. Ngayon ko lang nakitang ganon si Tyler. Yung parang pinangalawahan pa nya yung paglapit sayo. Hindi sya ganon."

"Ah ganun ba. May gusto ka sa kanya? Oh ayun sya sa locker. Puntahan mo tapos magsama kayong dalawa. Wala kong pakelam sa inyo. Tsk! Maka-uwi na nga." Sabi ko sabay lakad at binangga sya sa kaliwang balikat.

Naglakad ako dirediretso nang hindi nililingon yung grupo ni Rebecca. Nakita ko si Ariel na papalapit saken.

"Tara Julia Girl. Sabay na tayong umuwi. Sakto kakatapos lang ng last class ko." Sabi nito.

"Halika na. Uwing-uwi na din ako."

Dali-dali kaming naglakad ni Ariel papunta sa malaking gate ng school. Nung may humintong trycicle nakipag-unahan ako sabay sakay kasunod ko si Ariel tapos umuwi na kaming dalawa.

*

Pagdating dito sa tapat ng bahay.

Nakita ko si Mama at syempre yung Mama ni Ariel na mukhang busy sa nabuntis nanaman naming ka baryo. Palagi nalang may nabubuntis sa lugar na to.

"Hays."

Bumaba na kame ni Ariel sa trycicle tapos ako ang nagbayad para sa pamasahe naming dalawa.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon