Pag-uusap

155 5 0
                                    

Part12

*****

Tila hindi maipaliwanag ni Julia ang nararamdaman sa sinabi ng kanyang ina. Isa pang nakapag tindig ng kanilang balahibo ay ang pagdating ng mag-amang Tyler at Tyrone. Lumuluha ang binata sa narinig habang si Ron naman nakatitig kay Julie at hindi maipinta ang reaksyon sa natuklasan.

"Julie, ano yung sinasabi mo? A-Anak ko si Julia?" Ani Ron na para bang maiiyak pero pinipigilan.

Kita naman nilang tumulo ang luha ni Ron at nagpipigil itong umiyak. Si Tyler naman nanginginig at hindi makapaniwalang kapatid nya ang babaeng minamahal.

"D-Daddy no way?! Please hindi totoo to Dad!" Iyak ni Tyler.

Niyakap kagad ni Ron ang binatang anak. Dito na bumuhos ang luha nila Julia at Julie na nasasaktang makitang ayaw maniwala ni Tyler sa nangyayare. Naalala ni Julie kung gaano nya kamahal si Tyler noong maliit pa. Gustong-gusto nyang lapitan at yakapin ang binata pero hindi nya magawa lalo't mas nasasaktan ngayon ang unica hija nyang si Julia.

"Anak, eto yung totoo kaya hindi pwedeng maging kayo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Julie.

Nakatitig si Ron sa ale na lumuluha pagkatapos nilingon nya si Julia na natutulala habang nakatingin kay Tyler na yakap-yakap nya. Hindi maintindihan ni Ron ang nararamdaman na may anak pala sila ni Julie. Nag-iisip-isip sya kung pano nangyari yun. Inalala nyang maigi kung bakit nabuntis nya ang dating kaibigan at saan iyon nangyare. Wala talagang maalala si Ron lalo't bangag na bangag sya ng panahong ginawa nila yun ni Julie. Lutang ang isip nya noon at tila panaginip nun ang lahat-lahat. Saka nya naisip na ang panaginip na pinapangarap pala nya noon ay nagkatotoo pala talaga.

"H-Hindi ako nananaginip nun? T-Totoong may nangyari saten Julie? B-Bakit hindi mo sinabi saken na buntis ka? P-Pwede mong sabihin sa Mama ko o Papa ko yun kase dito din sa street na to sila nakatira diba? Lumipat lang ako ng apartment na tinitirhan pero walang araw na hindi kita inisip kase alam ko hindi ako nananaginip nung ginawa naten yun.." Iyak ni Ron.

Umiiling-iling si Julie saka pinaliwanag kay Ron na gusto man nyang sabihin ay hindi iyon matatanggap ng magulang ni Ron dahil basagulera sya. Isa pa, ayaw umanong makasira ni Julie sa relasyon nila Ron at Lyra na hindi naman iba ang pinakisama sa kanya.

"Ayokong maging kabit Ron. Alam kong mali. K-Kasal na kayo ni Lyra nun e. Kaya hindi ko na sinabi. Sana maintindihan mo yung parte ko. Kahit tanungin mo si Ate kung anong dahilan bakit nilihim ko. Umalis ako dito nun nung namatay ang magulang namen. Sa probinsya ako tumira para maiwasan ang tsismis. Sinong babae ang papayag na makinig sa sasabihin ng iba na nagpabuntis ako sa lalaking pamilyado. Yun yung masakit at mahirap saken Ron. Hirap na hirap ako. Ayaw kong ipalaglag si Julia non kase gusto kong magka-anak alam mong gusto ko pero hindi ko inaakalang bibigay ako sayo. Hindi ko akalaing ikaw pa yung magiging ama." Matapos sabihin ni Julie yun ay naiyak na sya't lumapit sa anak nya.

Si Tyler naman mahigpit na nakayakap kay Ron habang umiiyak. Si Ron naman naiiyak sa nangyayari ngayong araw. Hindi sya makapaniwala na magkapatid yung sinusuportahan nyang pareha. Si Julia naman hindi malaman kung iiyak ba o magagalit. Mabigat na mabigat ang loob nya lalo't may nangyayari na sa kanila ni Tyler.

"Julia, anak. Jusko, hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Patawarin moko kung hindi ko sya napakilala sayo. Sana pala, naikwento ko para hindi na umabot sa puntong mahuhulog kayo ng husto ni Tyler sa isa't-isa." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Julie.

Hindi makapaniwala si Julia sa narinig. Talagang totoo ang nangyayari ngayong araw na to. Kita nyang humahagulgol ng iyak ang kanyang ina ganun din si Tyler na nakayakap kay Ron.

"K-Kuya mo si Tyler. Si Tyrone o Ron ang tatay mo. K-Kaya magkapatid kayo ni Tyler." Iyak ni Julie.

Umiling-iling si Julia na para bang hindi matanggap ang katotohanan. Kahit si Tyler mabigat ang loob sa nalaman na kapatid pala nya ang babaeng kinahulugan na nya ng loob.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon