Matapos ang lahat

215 6 0
                                    

Part15

Julia*
POV

Ang bigat ng pakiramdam ko. Nalulungkot ako para kay Papa. Sana maging okay ang lahat pagkatapos ng katotohanan na to.

"Let's go?" Aya ni Tyler.

Hinayaan ko syang umakbay saken tapos naglakad na kame para makapaghintay dun sa gate. Sabi daw kase ni Papa on the way na sya para sunduin kame at maka-usap si Mama.

*

Habang nasa byahe, nakatulala akong nakatingin kay Papa na nandito sa kaliwang banda ko sa driver seat. Nasa backseat naman si Tyler na tahimik lang. Ako naman pinagmamasdan si Papa. Seryoso kase syang nagmamaneho. Nalulungkot ako para sa kanya. Paano nalang kapag nalaman nya yung katotohanan.

"Kayong dalawa, kamusta kayo sa school. Kanina nakita ko kayong maka-akbay. Tyler, hindi na pwede yun sa susunod ah? Ang awkward nun anak." Sabi ni Papa na sa rear mirror lang tumitingin.

"Uhm, y-yeah Dad. Okay, i'm sorry..." Sagot naman ni Tyler.

Tumingin tuloy si Papa saken. Saglit lang yung tingin nya kase nagmamaneho sya.

"Okay ka lang ba Nak? May dumi ba sa mukha si Papa." Sabi nito.

"W-Wala po Pa. Wala po." Sabi ko nalang at inalis na tong tingin ko sa kanya.

Narinig kong natatawa si Papa. Nagbiro pa ito na 50/50 ng mukha ko yung itsura nila ni Mama. Tumango-tango naman ako kase totoo yun. Sabi pa ni Papa e mas kamukha raw ni Tyler si Lyra kesa sa kanya. Pagka-lalaki lang raw umano ang nakuha ni Tyler sa kanya. Nalulungkot ako lalo't alam ko yung totoo. Alam din ni Tyler yun kaya nilingon ko pa sya. Nakita kong naluluha sya habang nakayuko at nakatingin ng pailalim kay Papa. Napakabigat nito para samen. Lalo na sa kanila lalo't matagal na silang nagkasama.

Makalipas ang ilang minuto ng byahe...

Pagdating namen dito sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Mama. Huminto lang tong kotse sa parking lot tapos tinignan ko si Papa na napapabuntong-hininga pa. Alam kong nagtataka sya sa importanteng sasabihin ni Mama sa kanya.

"Dito na muna kayo ah? Susunduin ko lang si Julie dun." Sabi ni Papa.

Um oo kame ni Tyler. Bumaba naman si Papa dito sa kotse. Dito na kame naiyak ni Tyler dahil ngayon na yung araw para masabi namen kay Papa yung totoo.

"Naaawa ako kay Daddy. Napakabait nya. Hindi nya deserve masaktan ng ganito Julia..." Iyak ni Tyler.

Ang sakit sakit nito para saming lahat. Sobrang bigat at para bang ang hirap huminga. Kung pwede lang na wag na naming sabihin ay sana nga pwede kaso, kailangan malaman ni Papa yung katotohanan.

"Kailangan nyang malaman Tyler. Kailangan na kailangan ni Papa. Masakit pero kailangan tanggapin."

Mayamaya lang nakita na naming lumalabas ng restaurant sila Mama at Papa. Nakaka-kaba naman tong nakikita ko. Umiiyak kase si Papa. Mukhang may natuklasan si Mama na sinabi nya agad agad.

"Jusko, ano kaya yung sinabi ni Mama kay Papa." Sabi ko.

Lumabas kagad si Tyler dito sa kotse. Sinalubong nya si Papa ng yakap. Dun na sila humagulgol ng iyak. Maging ang Mama ko umiiyak habang nakatingin sa dalawa. Ayaw ko namang lumabas lalo't baka magaya ako sa kanila. Naghintay nalang ako dito. Sakto namang inaalalayan na ni Tyler si Papa tapos nagsisakay na kameng apat dito sa kotse. Nasa backseat magkatabi sila Tyler at Mama na nag-iiyakan. Si Papa dito sa driver seat. Umiiyak sya't nakaduko sa manibela nitong sasakyan.

"M-Ma, ano bang nangyare?" Sabi ko.

Umiiyak na nagpaliwanag si Mama. Nahuli daw nya sa opisina ng boss nya si Lyra at yung Chef na gumagawa ng milagro. Naghihinala pa raw si Mama na baka yun ang totoong ama ni Tyler dahil may sinabi daw sa kanya yung mga katrabaho nya. May kinukwento din daw yung Chef na may anak sila ni Lyra.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon