Magulong magulo

168 6 0
                                    

Part9

*****

Nakangiti si Julie habang nakatingin sa anak nyang si Julia. Hindi na sya makapaghintay sa magandang balita na natanggap nya ngayun-ngayon lang kaya masaya nyang sinabi sa anak na...

"Anak, natanggap ako sa inaapplyan kong trabaho. Yung sa restaurant? Akalain mo yun ilang buwan din akong naghintay. Ngayon lang tumawag saken yung manager pero okay na din yun. Atlis, hindi na ko maglalaba."

Masayang masaya si Julia. Napa palakpak pa sya saka sila nagyakapan ng Mama nyang si Julie. Kitang-kita sa reaksyon ng mag-ina ang saya. Sa kabilang banda naman nagtataka si Tyler habang nakatingin sa Ama nyang si Ron o Tyrone na nagtataka namang nakatingin sa direksyon ng mag-inang Julie at Julia.

"Dad? K-Kilala mo po yung Mom ni Julia?" Tanong ni Tyler sa ama.

"Oh god, kaya pala nung unang kita ko sa girlfriend mo parang namumukhaan ko sya. Grabe, n-nanay pala nya yung dating kaibigan ko." Sabi ni Ron.

Nangiti naman si Tyler. Nag-iisip sya na baka kapag nalaman ni Julie na si Tyrone ang Ama ni Tyler e magiging okay at legal na sila ng girlfriend nyang si Julia. Naiisip nyang tatanggapin ni Julie ang relasyon nila dahil kakilala nito ang ama nya. Sa kabilang banda naiisip din ni Tyler na baka naman magkagulo pa at mabigla si Julie kapag nalamang isang taon mahigit na silang merong relasyon ni Julia.

"Damn ang hirap..." Bulong ni Tyler.

Masayang masaya si Julie habang sinasabi sa anak kung gaano nya kagustong magtrabaho sa restaurant na binanggit. Bukod sa malapit sa inuuwiang bahay ay sulit ang sahod kesa maglaba sa mga kapitbahay nilang tsismosa. Si Julia naman nakangiting nakikinig sa ina.

"Alam mo anak mabubuhay na tayo ng maayos kase malaki raw yung sahod nun. Isa pa, malay mo magkaron din ako ng sarili kong restaurant balang araw. Ipapakita ko sa restaurant na yun yung mga luto ko. Ipapatikim ko sa chef para masuportahan nya ko kung sakaling magnegosyo ako diba?" Masayang sabi ni Julie.

"Opo Ma. Tyak na papatok yung luto mo nyan. Bali pagdating mo po dun bukas anong gagawin mo?" Ani Julia.

"Sabi nung manager magluto ako kahit ano basta isang putahe na nakaharap yung Chef para makita yung skills ko tyaka para may pruwebang marunong akong magluto at umalalay kung sakaling mag de day off yung Chef."

Masayang nagkwekwentuhan ang mag-inang Julie at Julia. Si Tyler naman nakatingin lang sa mag-ina habang si Ron natutulala sa kakaisip kung bakit ang liit naman yata ng mundo para sa kanila ng dati nyang kaibigan na si Julie.

"Dad? Uhm, buti napadaan po kayo dito?" Sabi agad ni Tyler sabay lingon sa Daddy nyang nasa loob ng sasakyan. Tinignan kagad sya ni Ron at sinagot nang... "Gusto kitang daanan kase ilang araw na tayong hindi nagkikita tyaka nagkakasama. Yung Mommy mo kase laging umaalis ng bahay."

Nagtataka naman si Tyler kung bakit nagiging ganon ang Mommy nya. Hindi naman pala alis ang Mommy nya pero base sa kwento sa kanya ng ama at mga kasambahay nila nung huling uwi nya sa bahay ay madalas ng umalis si Lyra.

"Wow, si Mommy pala gala na?" Sabi ni Tyler.

"Yeah, bigla nalang syang umaalis e. Okay lang busy naman ako sa work." Sagot ni Ron.

Habang nagkwekwento si Julie ng mga tungkol sa gagawin nya sa restaurant na papasukan ay napansin nya bigla ang isang matangkad na lalaking blonde ang kulay ng buhok. Nakatalikod yun sa kanila at tila may kausap na tao sa loob ng magandang sasakyan. Nasa loob nun ang misteryosong lalaki na pakiramdam nya'y nakatingin sa direksyon nila ng anak nyang si Julia.

"Ma? Bali mamaya po sabay na kong uuwi sayo neto. Wala naman na kameng project nila Ella tyaka Thalia e." Sabi ni Julia.

Napansin nitong sa iba nakatingin ang ina kaya lumingon sya sa tinitignan ni Julie. Nanlaki ang mga mata ni Julia na baka nakahalata ang Mama nya kung bakit nasa paligid nila si Tyler na may kausap na palang tao na nasa loob ng magarang kotse. Alam ni Julia na si Ron ang nasa loob nun.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon