Part10
Julia*
POVHindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito sila Mama at Tita Dolor. Parehas silang umiiyak habang nakatingin saken. Gusto kong magtanong na hindi ako makapagsalita dala ng pagod na pagod na ko at nanghihina.
"Jusko Julia. Anong ginagawa mo sa sarili mo. Bakit umabot sa puntong ibigay mo sa Tyler na yun yang katawan mo." Iyak ni Mama.
Umiiyak akong nakatingala kay Mama na alam kong nanggagalaiti nanaman. Mukhang pinipigilan na nya ang sarili lalo't nanghihina na ko ngayon.
"Pakinggan moko Julia. Simula ngayon iiwas kana sa Tyler na yun. Hindi kana pwedeng dumikit sa lalaking yun naiintindihan mo?! Ngayon din makikipaghiwalay ka! Itext mo sya!" Sabi ni Mama.
"M-Ma bakit naman po. M-Mahal ko si Tyler tyaka p-pano naman po yung nangyari samen diba dapat mas lalo kameng maging okay kase may nangyari po samen." Iyak ko.
Umiiling-iling si Mama na naniningkit ang mga matang nakatingin saken. Natameme naman si Tita Dolor na pasalit-salitan kameng tinitignan ni Mama.
"Grabe, hindi ako makapaniwalang nakikipagsex kana. Tangina Julia, binaboy mo yang katawan mo dun pa talaga sa anak ni Ron. Tangina talaga." Gigil na sabi ni Mama.
"M-Ma, wag naman po kayong ganyan please. Nagmamahalan po kame ni Tyler."
"Punyeta! Basta makikipaghiwalay ka! Kapag pinagpatuloy mo yang kalandian mo bubugbugin ulit kitang bata ka!" Sigaw nya sabay lakad at mukhang lalabas ng bahay.
Bago pa nya buksan ang pintuan ay agad na kong tumayo sa pagkaka-upo saka ko sya tinawag.
"Ma! Ano ba kasing problema mo kay Tyler?! Bakit kase hindi mo ipaliwanag saken! Ginagawa nyo kong tanga! Ginagawa nyo kong bobo! Mahal ko yung tao tapos pipigilan nyo kame! Mahal ako ni Tyler alam ko yun kesa sayo! Ngayon bakit hindi mo ipaliwanag saken ha! Nakita mo ba ko ngayon?! Tignan moko Ma! Binugbog moko! Halos patayin mo na ko tapos gagawin mo kong Tanga!!!"
Humarap sya agad na may nakasimangot na reaksyon. Hindi ako nagpatinag lalo't kailangan ko na yatang lumaban dahil hindi na tama tong pag o over react ni Mama pagdating sa kung anong meron samin ni Tyler na dapat nga suportahan nya kase may nangyari na at si Tyler ang naka-una saken.
"Hindi mo sasabihin Ma? Alam mo. Kayang-kaya kong umalis sa poder mo sabihin mo lang. Maglalayas ako okaya sasama ako kay Tyler. Isipin mong maigi Ma. Mas matanda ka saken kaya dapat alam mo yung magiging bunga ng pagiging OA mo pagdating sa buhay ko."
Dali-dali nya kong nilapitan at inakmaang sasampalin pero natigilan sya sa sinabi ko.
"Kapag dumampi yang palad mo sa mukha ko. Ibig sabihin hindi mo nga talaga ko mahal kase hindi mo kayang magpaliwanag."
Ibinaba din nya ang kanan kamay nyang itinaas ngayon lang sa ere. Agad na lumapit si Tita Dolor saka nito hinawakan si Mama sa magkabilang braso at inakay palayo saken.
"Sabihin mo na Julie. Wag mong hayaang lumayo yung loob ng anak mo sayo."
"Bakit ba ayaw mo paring magsalita Ma? Pano ko malalaman yung dahilan kung bakit ayaw mo kay Tyler kung hindi ka magsasalita. Sabihin mo saken anong problema mo kung Tatay nya si Tito Tyrone. Ikaw Tita, may alam ka diba? Bakit hindi mo sabihin ng matapos na tong pinagtatalunan naten."
Wala namang masabi si Tita. Maging sya naghihintay kung anong sasabihin ni Mama.
"Basta, sumunod ka nalang saken Julia. Kung may respeto ka pa saken bilang Nanay moko. Pwes, sumunod ka. Basta ayaw ko sa lalaking yun. Tandaan mo, pinoprotektahan lang kita sa mag-amang yun. Hindi ko gusto yung Tyler na yun. Alam kong kagaya lang sya ng Tatay nyang manloloko. Wag mong isipin na mahal ka nun dahil ginagawa ka lang nyang parausan." Seryosong sabi ni Mama.
BINABASA MO ANG
High School Love Birds (COMPLETED)
Roman d'amourR🔞 Isang sabong nga kaya ang mangyayari kung magtatama ang landas nila Julia at Tyler? O baka naman isang kuryente sa puso nila ang magpaparamdam sa nararamdaman nilang dalawa. Magkakasundo ang dalawa dahil sa pag-ibig ngunit sa pagkikita ng magula...