Part11
Julie*
POVHirap na hirap na tong kalooban ko. Matagal ko nang gustong ipakilala si Julia sa ama nya kahit naman kay Tyrone ay gusto kong ipakilala sa kanya ang anak nya saken kaso, natatakot akong makulong. Natatakot ako lalo't isa lang akong hamak na ambisyosa at desperadang babae sa sobrang pagmamahal ko kay Ron ay nagawa kong bumigay nung lasing na lasing kame. Bago pa man yun e matagal na kong may nararamdaman talaga sa kanya kahit nung high school kame. Gustong-gusto ko si Tyrone kaya lang e may iba syang gusto noon. Si Lyra yun.
~~~~~~
"Ron! Ilibre mo naman ako ng RC oh? Napagod ako kakatakbo tsk! Nakipag sapakan kase ko sa park. Hehe." Sabi ko sa bestfriend kong si Tyrone na busy namang naglilinis ng kanyang motor dito sa tapat ng bahay nila.
Hindi nya ko pinapansin kapag nakikipag-away ako. Palagi ko nalang syang niyayakap mula rito sa likuran nya para lang magkabati kameng dalawa.
"Okay na. Okay na tsk! Bakit kase ang hilig mong makipag-away? Kababaeng tao mo Julie. Pasaway ka talaga!" Hiyaw nya.
Natatawa lang ako kapag pinapagalitan nya ko. Sa totoo lang ay alam kong kilig na tong nararamdaman ko pero pinipigilan ko kase baka kapag nalaman ni Ron ay iwasan na nya ko lalo't alam kong crush nya yung kaklase kong si Lyra.
"Okay na bumitaw kana. Tsk! Amoy pawis ako e. Tara na sa tindahan ni Aling Bareng ililibre kita ng softdrinks. Nakakahiya naman sayo e." Sabi nya.
Nakangiti lang akong bumitaw ng pagkakayakap ko sa kanya. Naunang maglakad si Ron papunta sa tindahan nila Baron. Habang sinasabi nya kay Aling Bareng ang binibili e nakatitig ako sa maganda nyang mukha. Ang gwapo talaga ni Ron. Sobrang ganda ng mukha nya. Artistahin sya tyaka kahit pagpawisan e ang bango bango parin. Alam kong mali ang magnasa pero hindi ko mapigilang kiligin kapag kasama ko sya. Para bang may paru-parong naglalaro sa kalooban ko.
"Huy! Ano kako meryenda mo! Nakatitig ka nanaman saken. Aha! Siguro may gusto ka saken no Julie?"
Nagising ang diwa ko sa pagpapantasya. Natawa lang ako't nagpanggap na nakatingin sa mga nakasabit na paninda ni Aling Bareng para hindi mahalata ni Ron na sa kanya talaga nakapunto ang tingin ko. Natawa nalang din sya nung tignan nya kung saan ako ngayon nakatitig.
"Hmm. Monay pala gusto mo. Kala ko ako..." Sabi nya.
Gusto kong sumagot ng (Oo...) pero shit, hindi ko kaya. Napalunok lang ako saka sumagot nang "Monay ilibre moko hehehe."
Matapos nyang bumili at magbayad. Nakakapit ako dito sa kaliwang braso nya habang naglalakad kame pabalik dun sa kanila. Napapansin ko din ang mga tingin ni Ron saken pero alam kong kapatid lang naman ang turing nya saken.
*
Umabot ng ilang taon ang lihim kong pagtingin kay Ron. Masaya naman ako kase palagi kameng magkasama. Isang araw bigla nalang nanikip ang dibdib ko nang sabihin nyang...
"Nakausap ko kanina si Lyra. Alam mo bang hinalikan nya ko? Syempre lalaki ako tyaka ang ganda nya e kaya hinalikan ko din sya..."
Tila guguho yata ang mundo ko sa narinig. Napakasakit nito para saken pero pinilit ko naman ngumiti at ipakita sa kanyang masaya ako sa nangyari.
"Uhm, a-ayos yan? P-Pagkatapos anong ginawa nyo?" Nauutal ko pang tanong na napansin nyang hindi yata ako ayos ngayong araw.
"Okay ka lang ba? Bakit parang malungkot ka. Kanina ngumiti kapa. May masakit ba sayo?" Sabi nito.
Sobrang sarap sa pakiramdam kapag tinatanong nya kung may masakit ba saken. Umiling-iling lang ako't sinabi dito na nasi CR yata ako. Okay daw at maghihintay sya dito sa aming tambayan dito sa likod ng eskwelahan. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa damo saka nagtatatakbo habang papunta sa banyo. Pagpasok ko naiyak ako sa sakit. Basta sobrang sakit kase bakit ang tagal na naming magkasama pero si Lyra parin yata ang nanalo sa puso ni Tyrone.
![](https://img.wattpad.com/cover/236204725-288-k664412.jpg)
BINABASA MO ANG
High School Love Birds (COMPLETED)
RomanceR🔞 Isang sabong nga kaya ang mangyayari kung magtatama ang landas nila Julia at Tyler? O baka naman isang kuryente sa puso nila ang magpaparamdam sa nararamdaman nilang dalawa. Magkakasundo ang dalawa dahil sa pag-ibig ngunit sa pagkikita ng magula...