A Year Later

215 6 0
                                    

Part8
SPG

Julia*
POV

Ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. Oo nakikita at naririnig ko kung paano sya umiyak pero iba yata yung ngayon.  Humahagulgol kase ng iyak si Mama tapos para bang mabigat na mabigat yung nararamdaman nya. Dali-dali ko syang nilapitan. Naka-upo si Mama sa kakahuyan naming upuan. Nakayuko sya't humahagulgol ng iyak.

"M-Ma? Ano pong nangyari?"

Umiling-iling lang ito't humahawi na pumunta na ko sa kwarto ko. Nakakagalit na lalo't gustong-gusto kong malaman ang problema nya pero paano.

"Ma, kausapin moko please. Gusto kong malaman anong nangyari! Bakit ba bigla kang umiiyak?! May masakit ba sayo? Alam mo Ma. Nahihirapan yung loob ko pag nakikita kitang ganyan alam mo ba." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Pasensya kana anak. May bigla lang pumasok sa isip ni Mama. Wag kang mag-alala okay lang ako. Wala lang to." Yan pa ang sagot nya sabay tayo sa pagkaka-upo at nagpunta sya sa kusina.

"Ma, magpahinga kana po. Ako na bahala sa lahat please lang magpahinga kana muna."

Umiling-iling lang sya. Hindi ako papayag kaya nilapitan ko sya't inakay. Dinala ko sya sa kwarto nya. Pinahiga ko sya saka ko kinumutan. Pagkatapos binuksan ko yung electricfan.

"Magpahinga ka Ma. Ako na magluluto."

"Salamat Nak. Masama din siguro pakiramdam ko kaya umiiyak ako ng ganito."

"Okay lang Ma. Importante magpahinga ka po muna."

Naluluhang tumangu-tango si Mama. Hinayaan ko na muna syang magpahinga. Ako na ang kumilos sa kusina. Nagluto ako ng kanin at bumili ng ready made na ulam sa labas. Nang makahain ay hinandaan ko si Mama ng pagkain saka ko sya dinalhan sa kwarto nya. Pinagtimpla ko sya ng gatas at hinandaan ng tubig tapos inalalayan ko syang kumain.

**

Lumipas ang ilang araw na nagfocus ako sa pag-aalaga kay Mama. Salamat naman at naging okay na sya. Kahit papano ay nakukuha na nyang ngumiti. Kada may ibibigay na Rosas si Tyler e tinatago ko nalang sa bag at iniipon ang mga yun sa kwarto ko para hindi makita ni Mama. Hangga't maari ay mas mabuting wag makita ni Mama yung Rosas para hindi na sya malungkot.

"Kamusta Mama mo? Is she okay na ba?" Tanong ni Tyler.

Nandito kame ngayong dalawa sa likod ng school. Nasa kanan banda ko syang naka-akbay saken. Nakaupo kame sa ugat ng Punong Caimito.

"Ayun okay na si Mama. Hindi ko nalang pinapakita yung bulaklak na bigay mo kase baka malungkot nanaman sya. Alam ko yun yung paborito nyang bulaklak pero kapag may naaalala sya sa past nya nalulungkot sya e."

Hinalikan ako ni Tyler sa noo. Niyakap nya ko kaya ngumiti na ko't tumingala sa kanya. Umunan ako dito sa kaliwang balikat nya habang nag-uusap kame tungkol kay Mama.

***

After 1 Year...

Salamat naman kase okay na okay na talaga sila Mama at yung Ate nyang si Tita Dolores. Buti nalang nagkabati na talaga sila. Nung nakaraan kase nagpaplastikan nalang sila. Panay sila sumbatan at sigawan. Minsan pa'y nagsasabunutan sila pero walang panalo si Tita lalo't sanay sa sakitan ang Mama ko.

"Juliaaa! Baka ma late kana!" Sigaw ni Mama.

Isang taon na nga ang nakalilipas pero yung bunganga ni Mama hindi na nagbabago. Talagang maingay sya.

"Juliaaa!"

"Ma! Kakatapos ko lang magbihis jusko!"

Dali-dali na nga kong lumabas sa kwarto ko. Gaya ng palagi kong ginagawa umiinom ako ng energen bago pumasok sa school. Hindi ko na din nakakasabay si Ariel kase nag dorm na sya dun malapit sa school.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon