Part1
Julia*
POV"Ma, seryoso papasok ako sa school na yun?" Sabi ko sa Mama kong si Mama Julie.
Napailing-iling nalang si Mama habang nag-aayos ng lamesa. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan at 7:48pm na. Sabi nya maaga daw akong matulog kase bukas papasok na ko sa eskwelahan na ayaw ko talagang pasukan lalo't madami daw gulo dun. Maraming mayayaman na bully sa school na yun.
"Hays."
"Julia, matulog kana." Sabi ni Mama.
Wala naman akong magawa kundi sumunod sa sinabi nya. Dali-dali akong naglakad at nagpunta sa kwarto ko. Nag linis ako ng katawan tyaka nag toothbrush. Pagkatapos nag dive ako pahiga sa kama. Nag-isip-isip ako kung bakit kailangan akong ilipat ni Mama sa school na yun. Wala naman kameng pera pero inilipat nya ko dun. Sabi ni Mama hangga't maari hangga't kaya nya ay gusto nyang ibigay saken yung mga bagay na hindi nya nakuha noon nung bata sya.
"Hmm."
*
Ako si Julia Gomez. 13 years old. Isang gangster dito sa lugar namen. Mabait ako sa mabait saken. Pero, bad ako sa gagawa ng hindi maganda saken.
"Julia!!!"
At ayan kame tuwing umaga ni Mama. Yan ang Nanay kong si Julie. Maingay, Bungangera. Laging nakasigaw. Kala mong palagi nalang may kaaway.
"Juliaaaa!"
"Ma! Eto na! Babangon na oh! Hays." Sagot ko sabay bangon at patakbong nagpunta sa banyo para makaligo.
Sa boses palang ni Mama magigising na talaga ko. Hindi ako aantukin ulit kapag naririnig ko sya.
"Juliaaa! Bilisan mo! Sumabay kana kay Ariel! Sayang yung pamasahe para sampung piso lang ibabayad mo sa trycicle!" Hiyaw ni Mama.
"Oo Ma! Teka maliligo na ko oh!"
"Bilis-bilisan mo lang!" Sigaw nya.
Napa-sapo nalang ako sa noo. Binilisan ko na nga ang kilos para matapos na. Oo nga't sayang ang pamasahe. Sakto dun nag-aaral si Ariel bakla na kapitbahay namen at anak ni Aling Marites na ka close ni Mama. Parehas silang TSISMOSA.
"Juliaaa! Hihintayin ka ni Ariel! Bilisan mo lang!"
Sumasakit tuloy ang ulo ko. Natataranta pa kong maghubad. Pagkahubad deretso buhos ako sa ulo e ke lamig lamig pa naman nitong tubig.
"Hays! Ang lamiiig! Jusko!"
Dali-dali akong nagsabon ng mukha hanggang buong katawan pagkatapos nagbanlaw kagad ako't nag shampoo.
"Juliaaa!"
"Si Mama talaga Oo! Teka lang please lang!" Sabi kong nagkukuskos na ng katawan sabay buhos uli ng tubig galing dito sa tabo.
Pagkatapos kong magbanlaw nagtapis na ko ng twalya saka na nagtoothbrush.
*knock knock!
"Jualiaaa! Ano ba?! Naghihintay si Ariel!"
Nagmumog agad ako sabay takbo palabas dito sa banyo. Nagpunas ako maigi at nagkalkal ng drawer sabay kuha ng panty at nagsuot.
"Hay nako! Talaga tong batang to Oo! Sinabi ko na kase kagabi na maaga kang matulog e!"
"Ma, teka kalma!" Sabi kong nagsusuot na ng uniporme.
Pagkatapos kong magbihis nagsuklay agad ako tapos binitbit ko na tong backpack ko at lumabas na ko dito sa kwarto.
"Halika na. Naghihintay si Ariel sa sala." Sabi ni Mama.
Kita kong masayang masaya si Mama base sa reaksyon nya ngayon. Kinakabahan ako kapag ganito si Mama. Sa malamang e naka utang nanaman to sa bumbay.
BINABASA MO ANG
High School Love Birds (COMPLETED)
Roman d'amourR🔞 Isang sabong nga kaya ang mangyayari kung magtatama ang landas nila Julia at Tyler? O baka naman isang kuryente sa puso nila ang magpaparamdam sa nararamdaman nilang dalawa. Magkakasundo ang dalawa dahil sa pag-ibig ngunit sa pagkikita ng magula...