Part5
Julia*
POVTakot na takot ako. Sinubukan kong pumiglas kaso...
"Don't you dare to move..."
Ang higpit ng pagkaka-hawak nya sa bewang ko tapos sinara at ni-lock pa nya yung pinto kaya madilim na dito sa loob. Medyo may nakikita pa naman ako kaso kulob at walang ilaw kaya malakas ang tibok ng puso ko.
"Ano bang kailangan mo! Bitawan mo! Mmmm! Mm!" Bigla nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kaliwa nyang kamay habang etong kanan braso naman nya ang nakapulupot ng yakap saken.
"Sige, sumigaw ka. Pumiglas ka para hindi kita bitawan..."
Tama ba tong nabobosesan ko? Kaboses nito si Tyler. Para malaman e kailangan kong manahimik at kumalma. Hindi ako gumalaw at naghintay sa gagawin nya.
"Good girl. Haha. Yan nga, wag kang magulo para matapos tong gagawin naten..."
Binitawan na nya ko sabay harap ako sa kanya at tingala. Nanlaki ang mga mata ko. Si Tyler nga to na nakangisi pa habang nakatingin sa labi ko.
"Ano bang kailangan mong lintik ka." Sabi ko.
"Mm. Ilang araw din tayong hindi nagpapansinan e. Namiss kita. Ako ba namiss mo?" Bakit tila maakit yata ang pagkakasabi nya dun. Napalunok tuloy ako't hindi mapakali.
"Relax, hehe..." Bulong pa nya.
Naramdaman kong humawak ito sa tyan ko tapos marahan lang naman nya kong tinulak hanggang sa masandal ang likod ko dito sa pintuan.
"T-Tyler, nagring na yung bell. Malelate tayong parehas alam mong bawal malate sa school na to."
"Mmhmm. Yeah, i know. Dito muna tayo saglit..."
"B-Bakit? Para saan? Bakit dito muna tayo saglit e anong oras na."
Nakaka-kaba si Tyler. Nakatitig kase talaga sya sa labi ko tapos binabasa nya ng dila nya yung labi nya habang nakatitig saken. Napapalunok ako. Kabado at parang maiihi yata sa takot na baka kung anong gawin nito saken.
"Tyler, lalabas na ko."
"Oh Julia. Ang ganda mo talaga lalo pag tinititigan..."
Namumungay ang mga mata ni Tyler. Nakaka-akit sya pero hindi to pepwede. Hindi ako pwedeng magkagusto sa bully na to.
"Tyler, sasapakin kita loko ka. Tigilan mo yan."
"Napifeel mo ba yun Julia? Yung parang butterfly sa tummy mo. I feel it too. I fucking wanted to kiss you right now..."
Hindi ako makapagsalita. Nabigla naman ako sa sinabi nyang yun. Mayamaya pa yumuko na si Tyler at akmang hahalik sa labi ko pero lumingon agad ako sa kaliwa para hindi madikit yung labi nya sa labi ko. Nadampi tuloy ng labi nya itong kanan pisngi ko. As in humalik pa sya with sounds at natatawang tumayo ng diretso. Tinignan ko ulit sya't tiningala. Ang ganda ng ngiti ni Tyler pero hindi ako natutuwa.
"Sira ulo ka." Sabi ko.
"Oh damn. First time kong mapahiya ah. As in first time nangyari to saken na inayawan akong halikan ng babae. Just damn Julia..."
Tinulak ko sya kaya napa-atras sya. Natatawa lang si Tyler na nakatingin saken. Dali-dali akong kumilos at lumabas dito sa classroom. Mabilis akong naglakad para makalayo sa kanya.
"Sakin ka lang Julia!" Sigaw nya.
Nilingon ko pa sya't pinakyu. Tawang-tawa ang loko. Tinalikuran ko na sya saka na ko naglakad papunta sa pupuntahan ko.
*
Hindi tuloy ako makapagfocus sa sinasabi ng professor. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Bakit ba parang kinikilig ako sa pagiging possessive ni Tyler.
BINABASA MO ANG
High School Love Birds (COMPLETED)
RomanceR🔞 Isang sabong nga kaya ang mangyayari kung magtatama ang landas nila Julia at Tyler? O baka naman isang kuryente sa puso nila ang magpaparamdam sa nararamdaman nilang dalawa. Magkakasundo ang dalawa dahil sa pag-ibig ngunit sa pagkikita ng magula...