At Sa Wakas

315 8 1
                                    

Part16
F I N A L E

Julia*
POV

Kinabigla kong mabasa yung text message ni Tyler. Sinabi ko kaagad kay Mama na...

"Ma! Si Lyra daw tumakas!"

"A-Ano?! Nahuli na sila kanina ng mga pulis! Pano sila nakatakas. Tsk!"

Ayon sa text ni Tyler. Sabi ng pulis na nakausap ni Papa ay bago pa makarating sila Lyra at Neon sa presinto ay agad nilang binuksan ang pintuan sabay talon at tumakbo daw. Nanghila pa raw si Neon ng motor sa isang lalaki at dun sila sumakay ni Lyra saka nagpunta sa mansion ni Papa. Tinangay daw ni Lyra ang mga gamit nya't pati pera ni Papa na nagkakahalaga ng 100k. Sa ngayon ay gumagawa na daw sila ng aksyon para mahuli ang dalawa.

"Sira ulo talaga si Lyra kahit kelan! Hays, nakakainis. Sana mahuli kagad sila. Mga bwisit." Naiinis na sabi ni Mama.

Pinakalma ko na muna si Mama. Mamaya ko nalang rereplyan si Tyler lalo't mahirap na kung maha high blood ang Mama ko.

*

Naghintay kame ng ilang oras.

Salamat naman at naabutan raw ng awtoridad sila Lyra at Neon na papasakay na sana sa eroplano papuntang cebu. Ngayon daw ay tuluyan ng naghimas rehas ang dalawa. Nagmamakaawa pa umano sila sa anak nilang si Tyler.

"Hindi ko sila mapapatawad. Niloko nila si Daddy kaya pati ako niloko na din nila..." Sabi ni Tyler.

Nandito kame sa presinto ngayon. Yakap yakap ko sya ngayon dito sa lobby lang. Nandun naman sila Mama at Papa sa lugar kung saan nakakulong sila Lyra at Neon. Naririnig ko pang umiiyak si Lyra at nagmamakaawa. Kesyo mahal raw nya si Papa kesa kay Neon.

"Grabe yung Nanay mo. Buti hindi ka nagmana ng ugali sa kanila." Sabi ko.

"Nako, buti nanga lang talaga..." Sabi pa nito.

Niyakap ako ni Tyler saka hinalikan sa noo at ilong. Grabe, namiss ko yung lambing nyang ganito. Salamat naman at hindi mapuputol ang pagmamahalan na sinimulan naming dalawa.

"Ang kapal ng mukha mo Julie! Sobrang kapal ng pagmumukha mo para sumama sa asawa ko! Tandaan mong kasal kame ni Ron!" Sigaw yun ni Lyra.

Naalarma tuloy ang mga tao dito maging kame ni Tyler. Naririnig namin ngayon sila ni Mama na nagbabatuhan ng salita.

"Mas makapal yang mukha mo Lyra! Hindi kana nahiya! Kaya pala ang bilis bilis mong bumukaka kay Tyrone kase buntis kana pala! So ano?! Hindi ka pinanagutan netong lalaking walang bayag na to kaya si Tyrone yung nilandi mo!" Sigaw ni Mama.

"Wala kang pakelam kung kanino ko bibigay!" Hiyaw ni Lyra.

"May pake ako kase inagaw mo saken si Tyrone!" Sagot ni Mama.

Matapos sabihin yun ni Mama ay bigla silang natahimik. Dali-dali kameng lumapit ni Tyler sa kinalulugaran nila Mama. Pagdating dito, nakatulala sila Mama at Papa habang nakatingin sa isa't-isa. Maging si Lyra na nasa loob ng kulungan ay gulat ang reaksyon habang nakatingin sa Mama ko.

"K-Kaya dikit ka ng dikit kay Ron. Kase may gusto ka sa kanya? Ganyan ka pala kadesperada Julie." Sarkastikang sabi ni Lyra.

Matalim sya ngayong tinignan ni Mama.

"Oo, kaya ako dikit ng dikit sa kanya kase mahal ko sya. E ikaw?! Dumidikit ka kay Tyrone kase hindi ka kayang panagutan ng lalaking pinagsawaan ka lang." Sagot naman ni Mama.

Tila namula ang magkabilang pisngi ni Lyra. Kitang-kita sa reaksyon nyang nanggigigil sya sa Mama ko. Mayamaya pa'y nagsisisigaw na sya at sinasabing hinding-hindi umano magkakagusto si Papa sa Mama ko tapos...

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon