Inlove

207 5 0
                                    

Part6

Julia*
POV

Pagka-uwi ko sa bahay. Nadatnan ko nanaman si Mama na nakikipag tsismisan sa nanay ni Ariel. Tinanong ako ni Mama kung nasan si Ariel.

Sabi ko... "Hindi sya sumabay kase may gagawin pa raw sya. Palagi namang may ginagawa si bakla e."

"Oh sige. Magbihis kana't magpahinga. Mamaya magluluto na ko ng hapunan naten." Sabi ni Mama.

Um "Okay." lang ako tapos naglakad na ko papunta sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok nangiti ako kase hindi napansin ni Mama na may dala-dala akong bulaklak at naka bouquet pa.

"Hihihi."

"Juliaaa! Bakit nga pala may bulaklak kang dala! Kanino galing yan!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ayan at bigla na ngang pumasok si Mama dito sa kwarto ko.

"Sumagot ka. Nagpapaligaw ka no?" Sabi nya.

"M-Mama, h-hindi ah? Binigay lang sakin to nung kaibigan ko. Nagsosorry sya kase uhm, n-nadapa ako dahil sa trip nya." Pagsisinungaling ko.

Tinarayan ako ni Mama saka sya lumapit at kinuha tong bouquet. Inamoy ni Mama tapos sabi nya ang bango bango daw. Ano raw bang balak ko.

"Ibibigay ko sayo kaso nakikipag tsismisan ka kay Aling Marites kaya dumiretso ako dito. Oh ayan tutal natanong mo sayo na yang bulaklak na yan. Wala naman akong hilig sa rosas." Sabi ko.

Kita kong masaya si Mama. Nakaka-taba yun ng puso na makita ko syang ganyan kasaya at nakangiti pa dahil saken. Yan lang okay na okay na ko.

"Osha Anak. Sige magpahinga ka lang dian. Mayamaya magluluto na ko okay?" Sabi nya.

"Okay Ma."

"I love you Anak."

"Hay nako si Mama. Hehe. Mahal din kita Ma."

Nilapitan nya ko't niyakap saka hinalikan sa noo. Naalala kong mahilig nga pala si Mama sa rosas. Etong bulaklak na to ang nagpapasaya sa kanya pero alam kong may lungkot parin sya at mangyayari palang yun mamaya kapag kami nalang dalawa dito sa bahay.

*

Naririnig kong umiiyak na nga si Mama. Wala na siguro si Aling Marites kaya mag-isa nalang sya dun sa kusina.

"Hays."

Gusto ko syang lapitan at tanungin kung ano bang meron sa mga rosas at naiiyak sya kaso, iisa lang naman ang sagot nya kapag nagtanong ako.

(Wala to Anak. Okay lang si Mama. May naalala lang ako sa bulaklak na to pero okay lang ako...)

*

6:30pm...

"Juliaaa! Halika na! Kakain na tayo!"

Saktong kakatapos ko lang maghalfbath. Lumabas agad ako dito sa kwarto saka tumulong kay Mama. Pagkatapos maghain kumain na kaming dalawa.

"Hmm."

Patingin tingin ako sa Mama ko. Halatang kakagaling lang nya sa pag-iyak kase namumugto yung mga mata nya tapos namumula yung ilong at pisngi nya. Gusto ko talaga syang tanungin kaya lang nag-aalangan ako lalo't iisa lang naman yung sagot nya kapag nagtatanong ako kung anong meron sa Rosas.

"Wag mokong tignan Julia. Kumain kana."

Napalunok ako. Hindi ko inaasahang mahuhuli nya kong tumitingin tingin sa kanya.

"Ma, curious lang po ako. Ano ba kasing meron sa Rosas. Talagang hindi ako mapakali gaya ngayon na umiyak ka nanaman. Pakiramdam ko, kasalanan ko kaya ka umiyak ngayon." Mahinahon kong sabi.

High School Love Birds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon