This chapter contains depictions of abuse. Discretion is advised.
"Putang—hoy! Nababaliw ka na ba?!"
Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi nito o ang suntok na binigay nito sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa kanyang kanan.
Nakita niya ang isang babaeng sumasayaw at kumakanta sa garden ng kanilang university. Ang kanyang itim na buhok ay kumikintab sa ilalim ng gintong araw, at ito'y sumasabay sa kanyang bawat galaw. Marikit ang kanyang kilos, habang ang kanyang boses ay tila mahika na nakapagpapakalma at nakapagpapasaya sa kung sino man ang makakarinig nito. Ang kanyang ngiti ay nakakahawa, ngunit para sa lalaking tila hindi na marunong ngumiti, ito ay nakapagbighani sa kanya.
At sa sandaling iyon, nangako ang lalaki sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang ngiting iyon.
Gagawin niya ang lahat lahat, kahit ano ang mangyari.
"SUMAGOT KA!"
Wala siyang maramdaman. Ilang suntok, sipa, o paso ng sigarilyo man ang pakawalan ng grupong ito sa kanya, tila naging manhid na siya sa mga ito. Ni hindi niya pinansin ang namamaga na niyang mukha, o ang likod ng kanyang ulong nagdurugo na pala dahil sa ilang beses na paghampas sa kanya sa poste kung saan siya tinali.
Hindi siya natatakot sa kanila. Hindi siya natatakot sa kung anong mangyayari sa kanya.
Was he stupid? During normal days, maybe he was not.
But today, he is.
Was this a suicidal plan? Hell, yes. Acting all heroic when what he is now is a goddamn idiot.
But even when he racked his brain of all the possible steps to take, this was the most peaceful one—one that wouldn't involve the others, one that would ensure him that they would stay safe and away from harm. Or maybe this was just his attempt to rationalize his plan.
Ngayon, mas natatakot siyang hindi siya magtagumpay sa plano niya.
'Wag siya.
He carefully organized all this, but the sense of doubt still lingers.
Muli siyang sinikmuraan ng kung sino mang nasa harapan niya. Napapikit na lang siya.
Ayos lang 'to...
Naramdaman niyang sinuntok ulit siya, kasabay ng pagtawa ng mga nasa paligid.
Basta, 'wag siya.
"'Di ba malakas ka? 'Di ba matapang ka?! Nasaan na yung katapangan mo, ha? LUMABAN KA!"
Assholes.
He sighed.
Ayos lang 'to. Matatapos din 'to.
Ang mahalaga, maging ligtas siya.
Hindi namalayan ng lalaki kung ilang minuto—o oras—na ang lumipas. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay tila nagbago ang paligid.
Wala na ang mga lalaki.
Pero ang kinaroroonan niya ay uminit at napuno ng halong kulay ng pula, kahel, at dilaw.
Biglang may sumabog sa 'di kalayuan, ngunit sa halip na kabahan para sa sarili, mas kinabahan siya para sa babae.
All of this sucks. You better do your job right, old man!
Unti-unti siyang napapikit. Nawalan man ng tiwala sa Kanya noon, bumulong siya at nakiusap na sana kahit anong mangyari, manatili siyang ligtas at masaya.
Mas linamon ng apoy ang paligid. Kung kanina'y saglit na natahimik ang lugar, ngayon ay maririnig ang galit na boses ng elemento habang sinisira nito ang lahat ng nahahawakan nito.
Before he completely lost consciousness, her image flashed before his eyes.
Mahal kita...
BINABASA MO ANG
Metanoia
Teen Fiction"Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?" ***** Nawalan na ng tiwala si Hariel Buenavista sa mundo. Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng tao sa kanilang kapwa para sa sariling kapakanan, hindi na siya nag-abalang makihalubilo sa mga ito. Ng...