Metanoia 08

4 0 0
                                    

"Hariel? Harieeel? Hoy!"

Sa paulit-ulit na pagtawag at pagkaway sa harap ko ni Joel, ang aming vice president, ay bumalik ako sa katinuan.

"Ha?" usal ko at tumingin sa kanya.

"Kanina pa ako tanong nang tanong sa'yo pero nakatitig ka lang sa kawalan," nakanguso nitong sabi.

Hindi ko narinig ang tanong niya.

"Ha??? Uh...seven?"

"Ha?" sabi niya.

"Ha?" sabi ko rin.

Pagkatapos ay walang nagsalita sa aming dalawa. Nabasag lang ang katahimikan nang tumawa ang president naming si Janelle.

Umiling si Joel. "Juice mother—lahat tayo sa room na ito mukhang panda dahil umuulan ng mga gawain pero ikaw lang ang bukod tanging kakaiba ang sagot sa lahat ng tinanong ko."

"Lutang ka ghorl?" wika ni Janelle habang pinupunasan ang luha sa kanyang mata dahil sa sobrang pagtawa. Nahawa na rin sa kanya ang aming mga blockmates.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Ano ba ang tanong mo?"

"Kung ayos ka lang ba," sagot ng vice president. "Pero parang hindi, e," pahabol niya. Walang rason niyang binato ang president ng papel at bumalik sa kanyang upuan sa tabi ko.

Babatuhin pa sana ni Janelle ang papel pabalik habang nagtatawanan pa rin ang iba, pero umayos at natahimik sila nang pumasok na ang aming prof.

Nagsasalita siya sa harapan pero lumulusot lang sa aking tenga ang kanyang mga sinasabi.

Patay na. 'Di talaga ako makapagconcentrate. Ang sama talaga ng pakiramdam ko dahil sa sunod-sunod kong all-nighter.

Hindi rin ako makakapasok mamaya sa trabaho dahil tatapusin namin ng mga kagrupo ko ang report namin para sa isang major subject.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis.

Gusto ko lang namang matulog nang maayos.

Pagkatapak ko sa labas ng library ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin.

Madilim na ang paligid. Kakaunti na lang ang mga bukas na ilaw at ang mga kotseng nakaparada sa university.

Nagpaalam na sa akin ang aking mga kagrupo. Aalis na rin sana ako ngunit bigla akong nahilo.

Napahawak ako sa aking ulo at napasandal sa isang malapit na poste.

Kaya mo yan, Hariel. Biyernes naman ngayon. Makakapagpahinga ka pagkauwi mo ng bahay.

Abot-kamay ko na ang aking kotse nang may humampas sa aking ulo. Sa sobrang lakas ng impact ay napahiga ako sa semento.

"Ugh." Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Hindi ako makakalaban nito.

Gusto kong tingnan kung sino sila. Gusto kong tumakbo at umuwi.

Pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

Pinilit kong tingnan kung sino sila, pero ang nakita ko lang ay ang ngisi ng isa sa kanila.

Yun ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay.



Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

All white ang paligid ko...

All white?

Napabalikwas ako nang maalala ko ang nangyari kanina, ngunit agad akong napadaing dahil ang sakit ng katawan ko.

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon