(Hello! I recommend listening to My Heart by Paramore while reading this chapter for more feels. ^^)
Months passed, and I found myself engrossed with the cases against Raoul.
The Jacintos suspected me, but I swore I had nothing to do with it. Gustuhin ko mang matigil na talaga siya—sila—natatakot akong baka madamay na ang pamilya ko nang tuluyan.
"Sabi ko na nga ba, kampon ng kadiliman 'yang pamilyang 'yan," dinig kong sabi ng isang employee nang mapadaan ako.
Eventually, after some time, they let me go. Siguro napaimbestigahan na nila ako sa private investigator nila o kung ano man.
Pero nagtataka pa rin ako. Bakit bigla na lang sunod-sunod na nagsampa ng kaso ang mga naging biktima niya?
Who could be the one behind this?
"... Sir? Sir Hariel?"
I raised my chin that rested on my right hand as I continued to lean on my swivel chair. "Ah, I'm sorry. What was that?"
"The panel is asking for your comment about the presentation, sir."
Sa isip ko ay napamura ako. Nakalimutan kong nasa meeting ako.
Umayos ako ng upo at nagsimulang magsalita.
Nang bumalik ako sa aking opisina, agad kong kinuha ang aking cellphone at nagpatuloy sa simbahan. Kailangan ko pang kausapin ang head priest doon para sa feeding program sa susunod na linggo, pero late na ako sa napagkasunduan naming oras.
Napabuntong-hininga ako.
Today's the last day of his trial, and things are not going well for him.
Nakipag-usap ako kay father at sa choir na tinuturuan ko minsan at pagkatapos ay napagdesisyunan kong manatili muna.
Umupo ako at tumitig sa mga santong nasa harapan. Dumako ang aking tingin sa krus.
Hi, Lord.
I'm really thankful that You gave me another chance to live. Thank You, too, for everything else.
Muling pumasok sa aking isipan ang mga nangyari sa amin. All of the moments up until today.
Before, when my life was a monotonous gray...
When a series of events brought colors to my world...
And now... when everything seems to be painted in dull colors.
I admit, I'm still scared of what could happen to us, but I believe.
I believe in You, in us.
Hindi ko namalayang may tumulong luha na sa aking mga mata. Nang bumalik ako sa katinuan ay pinunasan ko ito, pero habang ginagawa ko ito, nahagip ng aking tingin ang pamilyar na bulaklak na nakaalay sa isa sa mga santo.
Lilac.
Napatitig ako rito, saka tumingin sa taas.
Hanggang sa may dandelion namang dumaan sa harapan ko.
Napapikit ako, at hinipan ito palayo.
Nanatili akong nakamasid sa krus hanggang sa napagpasiyahan kong tingnan ang cellphone ko. Nagulat ako nang makitang ang daming unread messages.
Edward sent a video.
Iñigo
WTFAndres
IKR! nakatutok din kami dito sa station sa live broadcastEm
oh.
the devil will finally be behind bars. Forever.
that's nice.
BINABASA MO ANG
Metanoia
Teen Fiction"Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?" ***** Nawalan na ng tiwala si Hariel Buenavista sa mundo. Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng tao sa kanilang kapwa para sa sariling kapakanan, hindi na siya nag-abalang makihalubilo sa mga ito. Ng...