Ang ingay ng paligid.
"Tang—"
"Bakit kasi—"
"—hut up!"
Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko mabuksan ang aking mga mata.
Ano ba ang nangyari sa akin?
... Oh. Right.
Sa warehouse.
"Kuya..."
"What happened?"
"—ust let him rest."
"—matose—"
"Wha—"
"—not certain when he'll wake up—"
"No!"
Anong nangyayari? Bakit may mga naririnig akong umiiyak?
Sumasakit ang ulo ko. Naghahalo ang kanilang mga sinasabi.
"HARIEL!"
After that scream, I heard a ringing noise.
Then everything became silent.
"Hariel..."
May mga umupo sa tabi ko.
"They arrived there safely."
"Hariel naman..."
"Please wake up."
"Kahit ilang beses mo pa kaming sungitan at suntukin. Just wake up. Please."
"Don't leave us."
Someone sniffed. Nasundan ito ng sunod-sunod na hikbi. "Hariel naman, parang awa mo na. Gumising ka na. Magpagaling ka na. Hindi kita mayayakap at makukulit 'pag ganyan ka."
"Iñigo, your..."
"Hariel, wala nang nag-aayos sa salamin ko. Wala na akong kasabay paputang cafeteria 'pag break. Hariel, gising na. Suntukin kita diyan, e."
Saglit na natahimik ang paligid, at nagsalita ang isa pa sa kanila.
"Hariel, pre, bumangon ka na. Magagalit si JM sa'yo, sige ka. Akala mo hindi namin alam yung promise promise niyo? Leche kayo, ang dadaya niyo, hindi niyo man lang kami sinama sa trip niyo."
Bumuntong-hininga naman ang isa bago nagwika.
"Hariel, wake up. Please? Hindi ako sanay mag-aral sa library 'pag wala ka."
Hindi na sila nagsalita, at ang tanging narinig ko lang ay ang kanilang mga iyak.
Hindi nagtagal ay may tumunog na alarm.
"Takipsilim na, Hariel. Isa na namang takipsilim ang hindi mo nasaksihan."
Ang mga katagang iyon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
"Hariel? Ha! Akala mo kaibigan ko yun?"
Kukuhanin ko sana ang naiwan kong libro sa locker, pero napatigil ako sa pagpasok ng classroom nang marinig ko yun.
"Heck no! Kadiri! Sumasama lang naman kami dun para malibre kami ng pagkain at pera!"
"Oo nga! Nakakakopya pa nga ako dun, e!"
Parang nabasag ang puso ko nun.
Na naman?
Pang ilan na 'yan?
Wala ba talaga akong... tunay na kaibigan?
Tahimik akong lumabas ng building at pumunta sa parking lot. Doon ay nakita ko siya na nag-aabang sa akin.
BINABASA MO ANG
Metanoia
Teen Fiction"Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?" ***** Nawalan na ng tiwala si Hariel Buenavista sa mundo. Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng tao sa kanilang kapwa para sa sariling kapakanan, hindi na siya nag-abalang makihalubilo sa mga ito. Ng...