Umihip ang hangin, at sa paningin ng mga nasa labas sa oras na ito, tila umuulan ng mga bulaklak.
The only fire tree on the fourteen-year-olds' school campus was in full bloom, along with the wild dandelions on the field. Their petals were being blown by the wind, as thirty-seven people remained silent inside a greenhouse.
A girl started playing her keyboard. It was a mellow melody that soothed those who heard it. She was followed by a boy who played the violin.
Wala silang sinabing kahit isang salita. It felt like they had their own world, where it was just the two of them creating music together.
Yes, it was the song that was sung by the two that they admire—Joana Marie and Hariel.
Another wind passed them, and another wave of petals danced around them. Saglit silang nagkatinginan at nagkangitian, ngunit bumalik din agad sila sa pagtugtog.
Reminiscing. An act that gives us hope and makes us not give up. Dito natin naaalala ang mga kaganapan sa ating buhay na masasaya at puno ng pagmamahal. Dito natin mas nararamdaman kung gaano kadalisay ang pag-ibig, at kung paano nito tayo nayayakap at napapaalalang hindi tayo nag-iisa. Mayroon itong kapangyarihan kung saan kaya nitong patagalin ang isang pangyayari nang walang hanggan.
Sa pamamagitan ng pag-alaala sa pag-ibig, kaya nitong hagkan ang kung sino man, kahit nasaan man sila. Kaya nitong magpangiti at magpalakas ng loob.
Sa simpleng hakbang lang na iyon, ang dami na agad na positibong epekto sa isang tao.
Totoo ngang makapangyarihan ang pag-ibig.
As the last notes were hit, the place was again enveloped by silence. Nobody moved. Nobody dared to speak.
Hanggang sa may narinig silang palakpak. Nagsunod-sunod ito hanggang sa wakas ay may nagsalita na. "Alicia and Zion. The beginning and the end. The duo we never knew we needed," pailing-iling na wika ng kanilang guro.
"Oo nga! Mas maganda pala kayong tingnan kung hindi kayo nag-aaway o nagdedebate! Ma'am, i-pair niyo nga ulit 'tong mga 'to sa susunod na performance task!" sabi naman ng isa nilang kaklase, na sinundan ng pagtango ng iba pa.
"Uy, pero tanong lang," pagsingit ng isa. "Totoo ba yung kwinento niyo? Parang true-to-life, e!"
The two's gazes met each other, and, as if they understood one another even without the use of words, they smiled at the audience and nodded.
"Iyon ang istorya ng isang lalaking nawalan ng tiwala sa mundo..." sambit ng babae.
Huminga ng malalim ang lalaki bago magpatuloy. "...at ng babaeng nakapagpabago sa kanyang buhay. Iyon ay isang kwentong nangyari dahil sa kanta ng hangin..."
"...at indak ng tadhana," sabay nilang sabi.
Nagpalakpakang muli ang mga nasa paligid nila noong oras na 'yon, at ngumiti ulit sila sa isa't isa bago nagpatuloy sa pagbabangayan.
Muling umihip ang hangin. Sa lakas nito, lumipad sa ere ang nagkalat na talutot ng rosas at lilac.
Sa pagsapit ng takipsilim, binuksan ng lalaki ang fairy lights sa clubhouse at inayos ang mga kumot na nakalatag sa sahig.
Years passed, and yet, the place gave the same feeling just like the first time he saw the lights there.
It was welcoming. It felt like all secrets were safe inside it.
He gently reached out and touched the lights. It gave him a warm feeling. Then he looked at the plain in front of him.
Ang tanging maririnig sa kanyang kinaroroonan ay ang mga kuliglig at kaluskos ng mga dahon.
It felt strangely familiar to him.
He put his hands back in the pocket of his hoodie and waited for her.
Things are different now that you're here.
The intoxicating scent of the rosebushes and lilacs nearby lingered through the air.
Nakarinig siya ng kaluskos, kaya agad siyang lumingon sa kanyang likuran.
"Hariel!"
"Kanina pa ba siya nandiyan?" tanong ng lalaki sa kanyang isipan.
"Joana Marie."
Tumingin siya sa kaliwang kamay na ginamit ng babae para kumaway sa kanya. The gold band twinkled under the lights.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang asawa niyang nakatingin na ngayon sa mga lilac sa isang gilid ng clubhouse.
Nothing changed. The flower is still her favorite.
"How's work?" tanong niya rito.
"Hala! Ayos lang. Ang saya nga kanina, e. Si ano kasi—" bigla siyang napatigil na tila may naalala. "Teka..."
Mabilis siyang lumingon sa lalaki. "Ano na naman yung narinig kong natakot mo na naman ang mga bago niyong employees dahil sa seryoso mong mukha?"
He shrugged. "Ewan."
Napabuntong-hininga siya. "Seriously, they think of you as a monster."
"But you love this monster."
Tinaas ng babae ang kanyang tingin para salubungin ang mga mata ng lalaki. Unti-unti siyang napangiti. "Yeah. I fell in love with a "monster". But what others don't know is that my "monster" is also an angel."
Napatawa at napailing na lang ang lalaki sa sinabi ng kanyang asawa. Nanatili namang nakatitig at nakangiti kay Hariel ang babae.
"Yes," he thought. "I have committed a lot of wrongdoings in the past, but I am glad that there is someone who accepts all of me. They cannot be erased, but she still accepts me for who I am."
They both sat down, hand in hand, her head on his shoulders, his head rested comfortably on hers, as they stared at the sparkling night sky.
Malamig ang paligid, at walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari kinabukasan; pero sa sandaling 'yon, muling naramdaman ng lalaki na nakauwi na siya sa kanyang tunay na tahanan—sa piling ng kanyang minamahal.
Naroon ulit sila... sa loob ng clubhouse, kung saan nagsimula ang lahat: kung saan madami silang nalaman tungkol sa isa't isa, kung saan naglabas sila ng kanilang mga nararamdaman, kung saan maaari nilang ipakita ang kanilang tunay na mga sarili.
Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?
Naghahatid ito ng kilig, aral, at inspirasyon. Minsan, inuudyok nito ang nagmamahal na gawin ang lahat para sa kanyang minamahal—na maaaring mayroong positibo o negatibong epekto. Nagbibigay din ito ng sakit, at nagpapangiti rin.
Ngunit ang makapangyarihang pag-ibig ay tunay na marikit. Kaya nitong mabago ang puso't isipan ng isang tao at ang paraan ng kanyang pamumuhay para sa mas ikabubuti nito. Love can transcend and reach out to even the darkest places.
Love, in all of its forms, brings conversion, reformation, and healing—it brings metanoia.
THE END.
BINABASA MO ANG
Metanoia
Teen Fiction"Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?" ***** Nawalan na ng tiwala si Hariel Buenavista sa mundo. Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng tao sa kanilang kapwa para sa sariling kapakanan, hindi na siya nag-abalang makihalubilo sa mga ito. Ng...