Metanoia 05

2 0 0
                                    

Ah, Saturdays.

Tulak-tulak ang cart, tumingin ako sa pinasukan kong entrance ng supermarket.

It was a bright and sunny morning. Fluffy clouds lazily drifted across the sky.

Sinimulan kong ikutin ang lugar upang kuhanin ang mga gamit na bibilihin ko.

Nasa aisle ako ng mga candy at chocolates nang may bumangga sa akin. Tumingin ako sa kanya.

The suspect is a young girl. Around 10, maybe? She stiffened; her lollipop fell from her hands. Her bright eyes had a mix of fright and curiosity.

"Uh... sorry?" wika ko sa kanya. Napatalon siya nang kaunti at mabilis na tumango. Kinuha niya ang lollipop at tumakbo palayo.

"Huh," bulong ko at nagpatuloy sa pamimili.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumila na ako sa counter. Lumingon ako sa paligid at napansing may kakilala ako rito.

Two counters from me stood that girl, with five kids around her. The oldest child seems to be around 12 years old, while the youngest, wrapped around her arms, looks like a two-year-old. Isa sa mga bata ay ang nakabangga ko kanina.

"Seryoso, ate! Ang pogi niya, pero nakakatakot siya! Yung tipong masungit na 'pag lumapit sa'yo e ang lamig ng aura!" rinig kong kwento nito sa kanya.

"Nasobrahan ka na ata sa panonood ng telenovela," wika ng isang bata sa nagsalita.

"Eh—"

Nakinig lang ako sa bangayan ng dalawa hanggang sa mabayaran ko ang aking mga pinamili. Naglakad ako papunta sa exit, kung saan madadaanan ang counter na kanilang pinipilahan.

"So, lakad o commute?" dinig kong sabi niya sa mga bata.

"Lakad na lang, ate, para matingnan namin ang paligid," wika ng isa, na sinang-ayunan ng lahat.

"Okay, pero alam niyo na, ha?"

"Laging sa gilid lang ng kalsada, at bantayan ang isa't isa," sabay-sabay nilang sabi.

'Yon ang huli kong narinig mula sa kanila bago ako makalayo sa kanila at makalabas ng supermarket.

I put the goods in the trunk of my car and proceeded to the driver's seat.

Isabay ko na kaya sila? Kasi baka mabigat ang mga dala nila o kung ano man...

Wait. What the hell am I even thinking?

I banged my head against the steering wheel, sighed, and went back to the store. Mabilis kong nakita ang grupo na kakalabas lang ng supermarket.

Equally distributed sa kanila ang mga plastic bag ng kanilang mga pinamili. Pares-pares silang naglalakad, at magkakahawak sila ng kamay.

What—

Ang babait nila. Normal ba 'to? O magaling lang siyang babysitter?

I mentally slapped myself and approached them.

"Joana Marie," tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at ngumiwi. "JM, Hariel. JM ang itawag mo sa akin."

"Ate, siya yun," bulong sa kanya ng nakabangga sa akin kanina.

Binaba niya yung batang karga niya at muling tumingin sa akin. "So, anong meron?"

"Saan kayo?"

"Pauwi na. Ikaw?"

Sasagot na sana ako, pero nagulat ako nang biglang yumapos sa binti ko ang pinakabata sa kanila.

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon