Metanoia 10

2 0 0
                                    

"Sure ka bang magugustuhan niya 'to?" tanong ng katabi ko at muling tinitigan ang kahong hawak niya.

Sumulyap ako sa kanya at muling binalik ang tingin sa daan. Kakalagpas lang namin ng gate at makikita na ang isang malaking mansyon at ang fountain na nasa harap nito. Sa mga gilid naman ay madadaanan ang ilang mga puno.

"Stop pouting," I told her.

"Eeeh. Sure ka talaga?"

Ang kulit naman.

"I told you. She'll like any handmade gift."

"Final answer na 'yan? Parang ang pangit kasi," sabi niya, binuksan ang kahon, at sinara ulit. "Patapon lang 'to, e."

I parked the car and looked at her. "You put effort in doing that. Hindi 'yan patapon. And as I said days ago, she loves adventures. A functioning compass as a charm of a handmade bracelet would be treasure for her."

At least, if her highness' preferences did not change when I was away.

Habang naglalakad ay palinga-linga si JM sa paligid.

"Ang laki ng lugar niyo," mangha niyang sabi. "Wala pang katao-tao."

"We're four hours early. Ang ibang staff ay nasa kusina o sa garden."

Tumigil ako sa harap ng isang kwarto. "Leave your things here."

Humarap siya sa kwartong katapat nito. Unlike other rooms, its door has golden carvings. "Kanino yun?" tanong niya.

"Mine." Kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa at binuksan ang pinto. Sinubukan niyang sumilip pero tinulak ko ang kanyang mukha. "Go to your room."

Ngumuso siya at umalis.

Tumingin ako sa paligid. Walang nagbago.

Linapag ko ang bag ko sa kama, naghugas ng kamay, at lumabas.

Napansin kong nakabukas ang pinto ng kinaroroonan ng kasama ko. Kumatok ako at sumilip.

"Huh?" wika ko nang naabutan ko siyang binabaon ang kanyang mukha sa mga unan.

"Ayoko nang umalis dito," halos hindi ko na maintindihang sabi niya.

"Come on," bulong ko. Sumandal ako at humalukipkip.

"Pwede bang dito na lang tumira?" Tumunghay siya at tumingin sa akin.

"Ask the househead."

"Eeeeeh," maktol niya habang nagulong sa kama.

Pinagmasdan ko lang siyang gumulong hanggang sa tumigil siya nang nakabaon ang ulo sa unan. Tumayo siya at inayos ang sarili. "Okay. Tara na."

Nang makarating kami sa kusina ay wala pang tao. Siguro ay abala sila sa paglilinis ng bahay o sa pagtulong sa pag-aayos ng garden.

Tutulong na lang siguro ako sa pagluluto nila mamaya. Binigay ko na naman sa kanila ang mga recipe noong isang araw.

My main focus is the cake.

The birthday package didn't include the catering service because she told them I would be the one to cook and bake.

"Ready?" tanong ko sa aking katabi pagkatapos kong suotin ang apron.

This cake should be perfect.

"Ready na ready!" sigaw niya.

It's a good thing that someone is here to help me.

Habang nagawa ay sumulyap ako sa kanya.

It's rare to see her this serious.

Tipid akong napangiti at binalik ang aking atensyon sa cake.

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon