Metanoia 06

2 0 0
                                    

Ang hirap maging college student.

Lutang akong naglalakad sa campus. Kakagaling ko lang sa library, pero puno ito kahit lunch na.

Papunta ako sa garden ngayon na hindi sigurado kung walang tao roon, kaya todo na ang pagdarasal ko habang naglalakad.

Ni wala akong oras para kumain. Ba naman, ang dami talagang pinapagawa at pinapaaral ngayong linggo. Pagkatapos naman ng klase, diretso ako sa trabaho. Ang dami ring pinapaluto roon nitong mga nakaraang araw na kung minsan ay nag-oovertime pa ako. Para tuloy akong naglalakad na zombie dito dahil kulang ako sa tulog.

Pagkatapak ko pa lang sa hardin ay sumalubong na sa akin ang preskong hangin, na mas nagpaantok sa akin.

Patay.

Papikit-pikit kong linapag ang bag at mga libro ko sa bench. Bumuklat ako ng isa sa mga ito at sinubukang magbasa, pero wala talaga akong maintindihan.

"Five minutes. Five minutes lang. Five minutes lang talaga," bulong ko habang nagse-set ng alarm, na hindi ko rin naman sinunod at sa halip ay sinet ito ng 15 minutes.

Sinuot ko ang aking hoodie, sumandal sa gilid ng pinagdugtong na bench, at linagyan ng panyo ang aking mukha.

Then I dozed off.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. My 15 minutes were up.

Dahan-dahan kong itinunghay ang aking ulo at nag-unat. Kukuhanin ko na sana ang isa sa aking mga libro, ngunit napansin kong may nakapatong na sandwich at tubig dito.

Kinuha ko ang pagkain at binasa ang note na nakakabit.

"Good luck sa subjects mo! :) – JM"

Inikot ko ang aking paningin sa paligid pero walang tao. Kanina pa siguro niya ito linagay rito.

I narrowed my eyes as I looked at the piece of paper again.

I appreciate the thought, pero hindi ko pa rin maalis ang pagdududa ko sa kanya.

Muling pumasok sa isip ko ang chat ni Edward tungkol sa pinagawa ko sa kanya kahapon.

"Joana Marie Sarmiento. Middle class family. Full scholarship with monthly stipend. Works at a coffee shop for apartment rent etc. No guidance records ever. Trustworthy, hardworking, creative, sporty according to long-term friends."

I want to trust her, but I can't.

Naguguluhan ako.



Nakatulala ako sa tv nang umilaw ang phone ko. Nag-iingay na naman siguro sila sa groupchat.

Tiningnan ko ito at tama nga ang hinala ko.


Carmen
study night na lang! >:(

Iñigo
movie night nga!!!

Em
parehas na lang

Andres
i second the motion!

Ella
SUS. 🙄

Andres
may problema ka? 🙄🙄

Ella
wala. 🙄🙄🙄

Edward
When and where?

Carmen
basta weekend
di ba naman natutuloy mga gala pag planado, kaya isurprise na lang natin HAHAHA

Iñigo
😭

JM
saaaaaaan?

Iñigo
syempre kina @Hariel na yan HAHWGHGQ


Nang makita 'yon ay hindi ko maiwasang magchat.


Why?

Iñigo
duh!
laki laki ng bahay mo tas ikaw lang naman nandyan

Ella
ay, pero 'pag 'di pwede sa inyo ayos lang din naman...

Iñigo
lul
papayag yan, si @Hariel pa?
pa-y y lang yan pero oks lang naman sa kanya
diba @Hariel?
diba?
diba???

Edward
Teka. Ayos lang ba sa inyo na sa bahay ni Hariel venue?

Em
yep.

Andres
yes na yes!

Ella
yaaas!

Carmen
yeaa

JM
sureee

Edward
Ok.

Iñigo
anuena, @Hariel?
yes na yan!


Saglit kong tinitigan ang screen. May parte ng utak ko na gustong humindi.

Pero wala naman sigurong mangyayaring masama, 'di ba?

...'Di ba?

Huminga ako ng malalim at nagsimulang mag-type.


K

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon