Metanoia 13

3 0 0
                                    

"Wha—"

Naikot na namin ang buong open parking pero wala pa ring bakanteng parking space.

"Huh, punuan ang mall ngayon, a," nagtatakang wika ng katabi ko.

Labag man sa aking kalooban, pumarada na lang ako sa tagong extended parking lot na wala pang cctv.

"Sana walang magnanakaw dito," nanlulumo kong sabi at pinatay ang makina.

Tumungo kami sa foodcourt, na aming tagpuan sa araw na ito.

"Uy, ayan na sila. Tara na sa bookstore; madami pa tayong bibilhin," pag-aaya ni Ella.

Kumuha ako ng isang kahong g-tec at umikot sa lugar. Doon ay nakita kong nakatingin si JM sa mga art materials.

"Bibili ka?" tanong ko. Gulat siyang napalingon sa akin.

"Ay, hindi; madami pa naman ako sa apartment," aniya at pinagtuunan ng pansin ang mga yellow pad at fillers.

Sumulyap ako sa art mats at sumunod sa kanya.

Nang mabili ang mga kailangan ay umikot kami sa department store. Nagsukat pa sila ng ilang mga damit, at napailing na lang ako dahil nakita kong nag-e-enjoy sila, kahit yung mga lalaki.

Nasa unisex section kami ngayon at nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay si JM lang pala.

"Uy, tingnan mo 'to, o."

Pinagmasdan ko ang rack ng mga hoodie na may sign na "limited edition". Walo sa kanila ay pareho ang kulay at design, habang ang dalawa ay parehas din ng design pero magkaiba ng kulay.

Napansin ata kaming dalawa ng saleslady kaya lumapit siya sa amin. "Hi, sir! Baka interested po kayo, 'yang sampu na 'yan lang ang ganyan ang tela at design sa buong bansa, sir! Kakadeliver lang po niyan, at wala pa pong ibang nakakabili."

Buong bansa? Parang imposible naman yun. Ano 'yon, natripan lang nilang gumawa ng sampung ganito na walang ibang katulad sa Pilipinas?

"Kung iisipin po, parang napaka-far-fetched naman po nun, pero totoo po yun. Naisipan po kasi ng anak ng may-ari ng mall na ito na magrelease ng hoodies na dinesign at ginawa niya. 10 hoodies, same design per branch, random colors, at medium and large sizes po ang nadistribute sa branches ng mall na ito nationwide."

Sounds like something from a fictional story, but okay.

"Guys. Tingnan niyo 'to," pagtawag ko sa iba at tinuro ang mga hoodie. Inulit ni JM ang sinabi sa amin ng saleslady. Napatango sila at pinagpasyahang bilhin ang walo para daw may "tropa hoodie" kami.

Umalis sila upang bayaran ang mga kinuha nilang damit, ngunit natira ako at tiningnan ang dalawang naiwan sa rack. Kulay maroon sila.

Nagtalo ang mga boses sa utak ko, pero sa huli, kinuha ko ang dalawa at binayaran sa ibang cashier. Sayang din at minsan ka lang naman makakita ng hoodie na walang ibang katulad.

Tunog nang tunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay hinahanap nila ako. Agad akong dumiretso sa kung nasaan sila.

"Saan ka galing?" tanong ni Iñigo.

"May tiningnan lang."

Buti na lang at tinago ko ang hiwalay na paper bag ng isang maroon na hoodie sa loob ng paper bag ng mga hoodie ko.

Naglakad naman kami papunta sa arcade, at napangiwi ako sa ingay ng mga tao sa loob. Sinagot nina Edward at Andres ang mga token namin.

We tried all the games inside the place. Nagphotobooth kami at napailing ngunit napangiti rin ako dahil pinilit naming magsiksikan doon. Nagbasketball din kami by pair at ngiting-ngiti naman ang kasama ko dahil kami ang may highest points. Si Ella naman ay nakajackpot sa isang game, habang si Iñigo ay nakajackpot din sa wheel of fortune. Sina Edward at Carmen ay pinagkaguluhan sa Just Dance. Pinagkakaguluhan naman ngayon sina Andres at Em sa isang Tekken arcade game.

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon