Metanoia 03

3 0 0
                                    

Sa wakas, lunch na.

Kakalabas ko lang ng building nang may tumawag sa akin.

"Hariel, pre!"

Lumingon ako sa sumigaw. Nasa malayo ang lalaki at tumakbo pa ito papunta sa akin. Gulo-gulo ang kulot nitong buhok at nakatabingi ang kanyang salamin. Nakangiti pa siya na parang walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya.

"Energetic," naiiling kong sabi nang makalapit siya sa akin. "What's up?" tanong ko habang tinulak ko nang kaunti ang temple ng kanyang salamin.

"Wala lang, nagugutom lang ako. Hehe," wika ni Iñigo at hinatak ako papuntang cafeteria.

Dala-dala ang mga inorder, hinanap namin sina Andres at Edward. Nang makita sila ay nagulat ako dahil kasama nila ang babaeng nasa clubhouse.

"Oh, right. 'Di ko nasabi sa'yo. Inaya sila ni Andres na sumabay sa atin. May gusto ata siya dun sa Hidalgo ata pangalan nun?" bulong ni Iñigo sa akin.

Lumapit kami sa kanila. Pumwesto ako sa upuan sa dulo na malapit sa bintana, habang nasa tabi ko si Edward.

"What the hell happened to your face?" tanong nito sa akin, na sa tingin ko'y napalakas dahil napatingin din sa akin ang iba at tumahimik.

"The usual," sagot ko at nagfocus sa pagkain.

Tumikhim si Andres at bumaling sa mga babae. "Ayan, kumpleto na tayo. As you already know, I'm Andres Dacumos, BS Criminology."

"Iñigo Herrera, Materials Science and Engineering." Tinuro niya ang lalaking nakasabay ko sa pagpunta dito. Inayos nito ang kanyang salamin, ngumiti, at kumaway sa kanila.

"Edward Gomez, Political Science," pagpapatuloy niya at tinuro ang aking katabi. Inalis nito ang tingin sa binabasa nitong libro. He adjusted a lock of hair that fell on his forehead. There was a small smile on his face as he greeted them.

"Aaaaand finally, Hariel Buenavista, Business Administration."

Tumango lamang ako sa kanila.

"Guys, this is Esmeralda Hidalgo, BS Nursing," pagpapakilala niya sa katabi niya, na tumango sa amin at bumulong, "Call me Em."

"Manuela Bonarrigo, Architecture."

Ngumiti ang babae at kumaway. "Hi! Ella na lang. Ang haba ng Manuela."

"Carmen Alejandro, Accountancy."

Uminom muna ang babae ng kanyang milktea at sumaludo sa amin. "Sup."

"And Joana Marie Sarmiento, JM for short."

Saglit na dumako ang aking tingin sa kanya.

Dark brown eyes greeted me with familiarity. She tucked a lock of her straight, mid-back length hair behind her ear, and offered me a bright smile.

Binalik ko ang aking atensyon sa pagkain, habang sila ay nagkwekwentuhan tungkol sa kung ano-anong mga bagay.

"'Wag kayong matakot diyan kay Hariel. Mabait talaga 'yan!" dinig kong sabi ni Andres.

"Yeah, well, sinuntok kami niyan dati dahil akala niya scammers kami l-o-l, pero misunderstanding lang naman yun. Hahaha!" dagdag ni Iñigo, na ikinatahimik ng grupo.

Tumahimik ang paligid. Saktong tapos na ako kumain, kaya uminom ako mula sa bote ng lemon juice at tumayo. "Right... una na ako. Chat niyo na lang ako 'pag may kailangan kayo," sabi ko at lumabas.

Now... where the hell will I go?

Matagal-tagal pa bago ang susunod kong klase. Alangan naman bumalik ako dun, e halatang 'di sila komportable na nandoon ako.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapadpad ako sa hardin ng university.

Hindi ako masyadong napunta dito for the past years dahil kadalasan ay may klase ang mga agriculture o forestry students dito; at kung minsan, may mga nagawa ng kababalaghan.

Let's hope na walang tao ngayon.

Different trees and plants could be seen here. On the left side of the garden stood a greenhouse, where the aforementioned students often take their classes. A wide fishpond with a bridge is located at the back of the place. A fountain stood at the center of the area where the Latin phrase ad meliora, or "towards better things" in English, could be seen. And on the center of the garden's right side, where most of the trees are, stood a wooden L-shaped garden bench with a roof.

Good. Walang tao.

Umupo ako roon at tumitig sa mga puno.

Now what?

I sighed as I threw my head back.

Avoiding someone is easy. The hard part is thinking of what to do after.

Habang nakatulala ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Lumingon ako at nakita ko na naman siya sa 'di kalayuan.

Seriously, this girl...

She's humming a familiar tune. Nang maalala ang kanta ay napaayos ako ng upo.

It's the one I sang while walking to the clubhouse the other day.

Her song.

Mother's song.

Ang pinagkaiba lang nito sa kinanta ko ay malungkot ang tono ng akin, habang ang sa kanya ay puno ng kasiyahan—tulad ng orihinal na bersiyon nito.

Pinanood ko lang siyang gumalaw dahil tila naestatwa ako sa kanyang boses. Hindi nagtagal ay sumayaw na siya.

She moved gracefully in between trees, across the area, and around some bushes. She smiled as she twirled, her hair swirling in sync. A stray dandelion flew around her, following the wind she created as she turned. Rays of sunshine added to the already-majestic scene.

Wait, what did I just say?

Sa pag-o-obserba ko sa kanya ay hindi ko namalayang lumapat ang aking kamay sa isang sangang nalaglag mula sa kalapit na puno. Lumikha ito ng maingay na tunog, na naging dahilan ng paglingon niya sa akin.

"Found you," she said as she beamed at me. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad sa daan palabas ng hardin kung saan hindi ko siya makakasalubong.

"Hoy! Sandali! Gusto lang naman naming makipagkaibigan sa'yo!" wika nito habang sinusundan ako, pero mas binilisan ko ang paglalakad. "Inikot ko ang buong campus para hanapin ka! Hoy!" She stopped to catch her breath. Binagalan ko rin ang pag-alis ko.

"Sorry na sa reaksyon namin! Nagulat lang kami! But we want to be friends with you!"

"Stop shouting," sabi ko na hindi gumagalaw sa pwesto ko.

"Sorry na kasi..." bulong niya, na narinig ko pa rin. Saktong nag-alarm ang relo ko.

"Break time's over," I said as I walked out of the garden, leaving her behind.

Nang makalayo, kinuha ko ang aking cellphone at nagchat kay Edward.


12:45 PM

Can they really be trusted?

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ito.

Edward
Yeah. Don't worry.


Binalik ko ang cellphone sa aking bulsa at muling naglakad papunta sa building ng klase ko ngayong oras, habang iniisip ang maaaring mangyari mamaya, kinabukasan, o sa susunod.

MetanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon