"Seryoso, ang dami mong kakilala, Iñigo," sabi ni Andres habang naglalakad kami sa field.
Napatigil siya sa pagkaway sa aming mga nadadaanan. He adjusted his glasses and looked at us weirdly. "Luh, kayo rin naman, a?" he said as he tilted his head.
"Yeah, but you—you seem to know everyone on this campus," Edward uttered. I nodded in agreement.
"Mister Congeniality," I whispered. Iñigo only pouted at my remark.
"Panget niyo," mahina niyang sabi at iniwas ang tingin sa amin. "Hmp."
Tumawa kami at saglit na natahimik.
Natatakpan ng mga ulap ang araw. Karamihan sa mga estudyante ay nakatambay sa mga bleachers. Ilan ay naglalaro ng football, habang ang iba ay nagba-basketball o nagvo-volleyball sa malapit na outside court.
Nakatingin ako sa mga nag-a-arnis sa hindi kalayuan nang tawagin kami ni Iñigo.
"Guys, hindi ba sina JM yun?"
Sinundan namin ang kanyang tingin at nakita ang grupo nila.
"May kaaway sila?" bulong ni Andres.
Tumingin ako kay JM na nakikipagsagutan sa isang lalaki. Middle-aged?
Nasa kanila ang atensyon namin nang biglang lumingon sa amin si Carmen. May sinabi siya pero hindi ko ito naintindihan.
Lumingon sa amin si Edward. "She said, 'We can't stop them.'"
Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya si Inigo. "The hell? Marunong kang magbasa ng ganun?!"
"Hala, kailangan ko 'yang skill na 'yan. Paturo naman," dinig kong usal ni Andres.
While they were commenting about Edward's skill, I observed the situation.
Tila ayaw magpatalo ng babae kahit na hinihigit na siya ng kanyang mga kaibigan. Ayaw ring tumigil ng lalaki sa pagsagot.
Tinitigan ko ang mukha ng lalaki.
Teka.
Sa kompanya ng mga Buenavista 'to nagtatrabaho, a?
Bakit siya nandito? For business?
Lumapit ako nang kaunti sa lugar kung saan sila nakatayo, pero walang nakapansin sa akin.
Patuloy pa rin sa pagsasalita ang dalawa. Mukhang napipikon na ang lalaki, ngunit hindi tumigil sa pangangatwiran ang babae. Hindi rin tumigil sa pag-aawat ang grupo kahit na hindi nakikinig ang dalawa sa kanila.
This is bad.
Tumingin ako sa babae.
Why the hell is she so upset?
And why the hell is that man arguing with her?
Muli akong humakbang papunta sa kanila. Sa pagkakataong ito, napansin na ako ng mga babae.
"Help us," walang tunog nilang sabi.
Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa.
The hell. Ramdam ko ang init ng usapan nila mula sa aking kinatatayuan.
Papalapit na rin sa kanila sina Iñigo, na kanina pa kinukulit si Edward tungkol sa kanyang skill.
Walang imik akong nanonood nang mapansin kong napuno na ang lalaki at tinataas na ang kanyang kamay.
Agad akong tumakbo sa pagitan nila.
What the hell am I doing?
Tumigil ako sa harap ng babae, at saktong tumama ang kanyang sampal sa aking pisngi. Sa sobrang lakas nito ay napapikit ako.
BINABASA MO ANG
Metanoia
Teen Fiction"Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?" ***** Nawalan na ng tiwala si Hariel Buenavista sa mundo. Dahil sa paulit-ulit na paggamit ng tao sa kanilang kapwa para sa sariling kapakanan, hindi na siya nag-abalang makihalubilo sa mga ito. Ng...