TMYL #27

102 4 0
                                    

The pizza was finally cooked and it looks really delicious. Sobrang bango din nito at parang hinahatak ako nito palapit para kainin na kaagad.

Von held my face and looked at me straight. And the next thing he did shocked me.

Sinarado niya lang naman ang bunganga ko at ngumisi.

"I don't want your saliva getting into our food." Bulong nito at tinap pa ang ulo ko na parang aso.

Kainis.

Kasalanan ko bang gutom na ako at gusto ko na talagang kumain?

Hindi ko rin kasi inexpect na may niluto pang fried chicken si Von. Ewan ko kung kailan niya niluto at nakita ko ding naglabas din ito ng pasta.

Seriously, how did he managed his time doing all of these without us noticing it?

May sarili ba kaming mundo ni Cyrus?

"Yehey. Pizza. Cake. Chicken!" Masayang sabi nito at pumalakpak. He really looks genuinely happy. Something tugged my heart just by the sight of Cyrus clapping and humming now.

Kaya lang sa sobrang excited nito ay pinilit niyang abutin ang isang pinggan. Nakita kong malaki ito at nahihirapan siyang iangat. Dumulas ito sa kamay niya kaya mabilis ko itong pinuntahan.

"Holy-" Natigilan si Von sa pagmumura dahil napagtanto niya sigurong naririto si Cyrus at maririnig niya ito.

Matapos kong makita na dumulas ang pinggan sa kamay nito ay mabilis akong lumapit sa kaniya. Dapat sasaluhin ko yung pinggan pero masyadong mabilis kaya binuhat ko na lang si Cyrus na nasa sahig. He might get hurt.

"What the..What happened?" Litong sabi mo Von dahil hindi niya naabutan at nakatalikod siya kanina para ayusin ang pasta na niluto niya.

"It's okay. Just take Cyrus away from here." Sabi ko at ibinigay sa kanya si Cyrus na mukhang gulat at natakot sa nangyari.

"Ako na maglilinis." Sabi ko dito at hinintay muna silang umalis.

After they left, I felt a stinging pain to my left foot. Ramdam ko ang sakit nito kahit na nakasuot kami ng tsinelas dito. I breathe out slowly because it is really painful. Hindi ko naman namalayan na may naapakan akong bubog. Pero ang malala ay mukhang tumagos pa ito sa suot kong tsinelas. I don't want to check it but I have no choice.

Pumikit ako at dahan-dahang yumuko. I tried my best not to move my left foot a little bit because I know it will cause more pain if I move.

"What happened?" Nagmamadaling sabi ni Von matapos niya akong puntahan.

Hindi ko ito pinansin at nagkatitigan lang kami. Para akong naputulan ng dila pero sobrang sakit talaga. Nalilito nga ako kung anong mas masakit, yung pag-iwan ba ni Theo sa akin o itong bubog sa paa ko. Medyo nakakalito pala. Pero si Theo kasi hindi basta basta mawawala sa paningin ko, itong bubog kasi mabilis lang mawala.

"Why are you so quiet?"

"Huwag."

"Anong huwag?"

"Huwag nga kasi!" Pagpipilit ko ditong huwag na maglakad papalapit sa akin. Kitang-kita pa rin talaga ang mga bubog sa sahig at hindi pa nalilinis. Tapos itong si Von kahit kailan ang katigasan ng ulo maangas pang naglakad papalapit sa akin.

"You look so pale.." he said after examining my face.

I looked away.

Putangina. Ang sakit na talaga at hindi ko alam kung paano makakaalis dito.

"Let me check—"

Hahawakan na dapat nito ang paa ko pero pinigilan ko.

"Huwag!" Tunog nagmamakaawang sabi ko. Wala na akong pake kung mukha akong nagmamakaawa ngayon pero bahala na.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon