TMYL #1

331 8 1
                                    

I woke up feeling sore. Sobrang sakit ng katawan ko at ng ulo ko. My hair's a mess and so is my dress.

Habang dahan-dahan na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa isang maliit na kubo ay  nagulantang ako.

Who the fuck is this man?

Halos maghisterikal ako sa pangyayari. What the fuck happened last night? Lalo akong kinabahan ng may makitang isang malaking bote ng whiskey sa dulo ng kubo. And as if on cue, my head aches a bit.

I was nervous. You see, I often do reckless and ridiculous things that I will regret later on when I'm drunk. At pagdating ng umaga ay wala na akong maalala. Hindi ko alam ang nangyari the day that I got drunk if no one will tell me the story, kaya nga dapat palaging may kasama ako kapag umiinom. Hindi dapat ako iniiwan mag-isa. Last time that I got wasted and I got out of my friends sight, I almost made out with a man. Mabuti na lang at nakita ako ni Andy noon.

At ngayon, hindi ko gusto ang nakikita.

Ilang beses akong napakurap. I am trying to sink in what just happened.

"Ang gagong Theo iniwan ako sa kasal. Napahiya, umiyak at mukha akong tanga ngayon," bulong ko. Tiningnan  ko naman ang lalaki sa harap ko. He is asleep but his hands are blocking his face.

Napahinga ako ng malalim. Wala naman sigurong nangyaring iba no? Something weird or ridiculous?

Napagdesisyunan ko na lang na umalis na kaagad sa lugar na 'yon. I hailed a taxi towards my condo. Nag-aalanganin pa nga amg driver na pasakayin ako but I assured him na may pambayad ako. Masyado naman itong si Manong. Mukha lang talaga akong miserable ngayon, okay?

"What the fuck? You look like a mess!" Bungad ni Jaz sa akin pagkapasok ko sa condo ko.

Hindi ko sila pinansin at dinausdos na lang ang sarili paupo sa sofa. My body feels so tired from running and crying...I guess.

"Paano kayo nakapasok sa condo ko?" I asked them.

"I learned something about lockpicking. Dati akong magnanakaw." Pabalang na sagot ni Isaiah.

Hindi ko na lang ito pinansin at pinikit na lang ang mga mata. I heard someone sighed but I don't know who it is.

"Can you leave me please?" I pleaded them. Ramdam na ramdam ko kasi ang mga titig nila kahit na nakapikit ako.

Sandali kong dinilat ang mga mata ko at nakitang nagsisitayuan na ang mga kaibigan. Alaina gave me a tissue so I can remove my makeup. Andy said that my Tita is finally okay. While Ed, Jaz and Isaiah only looked at me sadly.

When they left, I decided to treat myself a hot bath. Inayos ko ang bathtub at dahan-dahan na bumaba doon. Kitang kita ko naman na nag-umapaw ang tubig but I don't care about it. Maulan ngayon at sakto na lang at mainit na tubig ang gamit ko. It is really helping that my body is sore and my head is aching a bit a while ago.

"You fcking liar!" Inis na sabi ko habang hawak hawak ang picture namin ni Theo.

Theo is my long time boyfriend. He was my first love. We were highschool sweethearts. Parang dati lang, crush ko lang ito hanggang sa unti-unti nito akong napansin. Pero hindi ko alam na hihilingin ko rin pala ngayon na sana ay hindi na lang niya ako napansin noon. I wished that I didn't do stupid things before just to make him notice me!

He was smart and an achiever. Competitive si Theo when it comes to academic. He don't want anyone else to be top except him. That's why he is a good lawyer. He never ever lose one of his cases. It was okay that I was just admiring him before. Simpleng paghanga kumbaga. Pero totoo nga na minsan hihigit pa roon ang nararamdaman mo.

"I tried! I tried everything just for you..." inis na sabi ko at tinanggal ang picture naming dalawa mula sa frame na hawak ko kahit nanginginig ang kamay.

"Binigay ko ang lahat sa'yo! Fuck you!"

I lit that picture using the lighter I was holding. Tinitigan ko lang na masunog ang parte ng litrato kung nasaan si Theo at hanggang sa mawala na ito ay binitawan ko na ang litrato dahilan para mahulog sa tubig.

I spent a few minutes on the bathtub. I was enjoying the peace while I was there when I felt something on my fingers.

"Huh?" Tanong ko sa sarili.

Bakit may suot akong singsing?

Where the hell did this came from?

Tandang tanda ko na itinapon ko ang singsing na bigay ni Theo kahapon habang tumatakbo sa kalsada. Hindi naman pwedeng naglakad yung singsing at sumuot uli sa daliri ko. At mas lalong hindi naman pwedeng bumalik ako sa kalsada para hanapin uli yung singsing dahil iba ang itsura nito!

The ring looks way more different from the ring that Theo gave me. Nasa tamang pag-iisip pa ako at alam na alam ko ang pagkakaiba nila. Mas mukhang mamahalin ito kaysa sa binigay ni Theo na mukhang cheap.

"Hello?" I said as I answered the phone. Patuloy ko pa rin tinitingnan ang singsing habang nasa bathtub.

"You're not doing ridiculous things right now, right?" Tanong ni Jaz sa kabilang linya.

I frowned.

Ano bang akala niya? Magbabasag uli ako kagaya ng nangyari sa kasal ko?

"I'm not!" Pag-apila ko.

Pero napatingin ako sa gilid ko na puno ng picture namin ni Theo na punit punit at mukha ko na lang ang natira.

"I'm really fine. I'm not doing anything, don't worry."

"Okay...well, that makes me want to worry more."

"Parang tanga naman kasi Jaz! Okay na lang ako? Bakit ba hindi niyo maintindihan? Okay na okay lang ako kahit iniwan ako ng lalaking papakasalan ko sa araw ng kasal namin okay? Kahit na yung lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan natin ang pinili ko pa rin ay iniwan ako sa huli! Kahit na yung lalaking palagi akong sinasaktan at pinapaiyak ay hindi ko pa rin magawang iniwan pero putangina iniwan ako sa araw ng kasal ko. Si Theo na niloko ako ng halos buong sampung taon at pinaniwala ako na mahal niya ako!" Tumigil ako sandali para kumuha ng hangin. Medyo mabilis kasi at malakas ang pagsasalita ko. "Kaya huwag niyo na tanungin kung okay ako dahil sobrang okay ako!" Sabi ko at mabilis na binaba ang tawag.

I started crying again.

Kailan ba ako matatapos umiyak?

Sa aming magkakaibigan, I was the always who cried. Lalo na pagdating sa lalaki. Pero halos buong buhay ko ay si Theo lang naman ang naging boyfriend ko at sya rin madalas ang dahilan ng pag-iyak ko.

Hell, I won't even praise him.

Oras na para kamuhian ko ito!

Magandang paraan na rin siguro ito para mas mabilis ko siyang kalimutan.

"You manipulative jerk!" Malakas na sigaw ko na akala mo ay narito sya sa harap ko.

He always tells me what to do!

Clio, you should do this often.

Clio, you should wear these kind of things.

Clio, you should be a good girlfriend like her.

Clio, you need to be good enough for me. Try harder!

Well, fuck you Theo! Fuck you!

I know that this day would come. Hell will rise and I will be the one torturing you. You'll see.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon