TMYL #26

109 4 0
                                    

Halos nakatunganga na lang ako ngayon at pinapanood ang dalawa sa harap ko. It seems like I'm watching an international cooking show. Hindi talaga marunong sumunod itong dalawa lalo na si Von.

"You should put and roll the rolling pin like this," Sabi nito sa isang matikas na ingles.

Sumunod naman si Cyrus at ginulong ang rolling pin sa dough ng pizza.

They both looked so serious right now. Kitang-kita mo rin na hindi purong Pilipino ang dalawang ito. Their foreign looks catches attention so much and they took all my attention right now.

"So, you're not listening?"

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Von at pinitik ang tenga ko.

"Ano ba? Epal ka?" Iritado kong sabi sa kanya. And as usual, I heard Cyrus giggling. Medyo may namana pala itong si Cyrus sa Tito niya eh.

"Ang sabi ko..." dahan-dahang sabi nito at lumapit pa sa akin. Humakbang pa ito ng isa hanggang walang natirang espasyo sa aming dalawa.

What the hell? Anong pakana na naman ito ni Von?

At what the hell uli? Bakit ang bilis ng tibok nitong puso ko?

Huwag ka ngang marupok diyan Clio! Please lang. Maaga pa kaya pwede mo pang pigilan.

"Kunin mo ito."

Mabilis itong umalis at ngumisi sa akin matapos kunin ang mga pinagkaabalahan ko kanina. Tumikhim naman ako at umayos na. Kitang-kita ko si Cyrus na inosenteng nakatingin sa amin na akala mo nanonood lang ng cartoons dahil nakaawang pa ang bibig nito.

"Narinig ko. Tinamad lang ako kunin." Palusot ko.

"Yeah right,"

Nagsimulang i-demo ni Von ang mga gagawin. Bago pa man ilagay ni Von ang sauce ay tuwang-tuwa na hinampas hampas ni Cyrus dough.

"I love you!" Tuwang sabi ng bata at salitan kaming nilingon.

"Aww, I love you too!" Pagsagot ko at pinisil ang pisngi nito. Mukhang dinedma ako nito at si Von na ang tinitigan.

"Anyare? Parang ako yung ayaw dito ah?"

"He said he love doing these,"

"Sabi niya lang kasi, I love you."

"Everyone can say I love you,"

Inirapan ko ito dahil ayoko nang sagutin ito. Kaasar. Makikipagtalo pa. Pasalamat talaga siya at wala ako sa mood na pakipagtalastasan ng ingles sa kanila. Sa ilang taon ko ba naman kasing pagtatrabaho nilang Flight Attendant, nakakapagod minsan mag-ingles no? Akala niyo ganoon ganoon na lang?

"Clio, teach him to put the toppings. Kukunin ko lang yung niluto ko."

"K." Supladang sabi ko.

Pumunta naman ako sa likod ni Cyrus para alalayan ito sa paglalagay ng toppings sa pizza niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na mukhang natigilan pa si Von sa pagmamaldita ko saglit pero umalis na para yata kunin niluto niya daw.

Tama yan, Clio. Magsuplada ka na lang. Masyadong delikado lalo yung kanina. Hangga't maaga pigilan at huwag pairalin ang pagiging marupok. Hindi mo type si Von, okay? Pero, aaminin ko gwapo siya. Ibang-iba yung dating niya sa akin sa ibang mga lalaki. Hindi ko alam pero siya yung tipo ng tao na kahit hindi magpapansin palaging mapapansin. Kahit nga siguro sa isang lugar at ilagay mo ito sa dulo agaw-pansin pa rin ito. Ganoon, ganoon ang epekto ng isang Von Jorge.

"Pineapple!"

"You want it?"

Tumango naman si Cyrus matapos niyang makita ang pineapple na ilalagay naming toppings. Inilapit ko naman sa kaniya mangkok.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon