TMYL #3

226 7 0
                                    

"Clio, I need to talk to you."

Lahat kami napatigil sa pag-uusap dahil sa sinabing iyon ni Irene. Pati ang pagtawa namin ay natigil.

"Huh? Tungkol saan naman?" Naguguluhang tanong ko.

Narito kami sa isang kainan malapit sa eskwelahan. Malapit na magbakasyon kaya sinusulit na naman ang mga gala naming magbabarkada. Malapit na kaming magkolehiyo at paniguradong iba-ibang eskwelahan ang pupuntahan namin. Might as well to enjoy the remaining days of our senior years.

"Forget about it. Dito na lang kita kakausapin." Sabi nito at umupo sa harap ko. Umurong naman sila Isaiah para makaupo ang kaibigan namin.

"Anong meron?" Nalilito ring tanong ni Alaina.

Maski ako ay nalilito rin sa sinasabi nitong si Irene. Hindi lang pala ako nalilito, kinakabahan din ako sa kinikilos niya. Seryoso kasi ang mukha nito eh.

"Kailan mo ba balak iwan 'yang si Theo?"

Lahat kami ay natahimik at natigilan.

Kumunot ang noo ko dahil doon at nakaramdam ng kaunting inis. "Ano na naman bang pinagsasasabi mo Irene?"

"Parang nung nakaraan lang umiiyak ka dahil sinabi mo may nahuli kang kachat si Theo. Tapos ano? Okay na agad kayo?"

"Teka, nag-aaway ba kayo?" Pagsingit ni Isaiah sa amin. Nasa tabi ko siya habang si Jaz naman ay siyang katabi ni Irene. Si Ed at Alaina naman ay naguguluhan. Si Sky nagpaalam magcr.

"Hindi ko siya inaaway Isaiah. We need to knock some senses to our friend."

"Anong gusto mong iparating?" Seryoso nang sabi ko.

Una pa lang, ramdam kong ayaw na ni Irene kay Theo. Noong crush ko pa lang naman si Theo ay okay lang naman kay Irene. Pero simula nang maging magkasintahan na kaming dalawa ay ramdam ko ang pagtutol ni Irene. Alam kong ayaw niya kay Theo dahil habang tumatagal kami ay marami kaming nalalaman na hindi maganda sa kanya. Magdadalawang taon na rin kami pero hindi pa rin matanggap ni Irene.

"Pwedeng kumalma muna tayong lahat?" Pahayag ni Ed na wala namang pumansin.

"Let's face it, Clio. Gago 'yang si Theo. And I'm telling you, maybe not today but you'll suffer loving him. Kaya nga ngayon pa lang ay pinipigilan na kita."

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Irene?" Tila galit na sagot ko.

"Clio.." mahinang tawag sa akin ni Jaz dahil medyo tumaas na ang boses ko kanina.

Dumating naman na si Sky habang nagtatak sa komosyon na nangyayari sa amin. Masyado kasi kaming tahimik at seryoso.

"Ano? Ikaw rin ba?" Turo ko kay Isaiah. "Ikaw din Jaz? Kayo? Ed at Alaina? Eh ikaw, Sky? Tara, bilis! Sabihin niyo na rin na ayaw niyo kay Theo!" Pasigaw na sabi ko.

"Anong pinagsasasabi mo teh?"

"Clio-"

"Shut up! Ganyan! Ayan! Ganyan kayo eh. Ramdam kong ayaw niyo sa kanya! Bakit ba? Dahil dun sa nalaman ko na may kachat sya tapos okay na kami agad? Dun ba?"

"Ganyan ba kababaw tingin mo sa amin?" Sagot ni Jaz.

Napangisi ako at napabuntong hininga.

"Lumabas din ang totoo. So, ayaw niyo ngang lahat kay Theo noh?" Ngising sabi ko at tiningnan si Sky na tahimik lang at nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo alam pero binabago ka niya, Clio." Bulong ni Alaina na hindi naman madalas nakikisali sa ganitong usapan.

"Binabago?" Sabi ko at biglang natawa. This is really ridiculous. Saan ba patungo itong pag-uusapn namin? "Bakit ba hindi niyo na lang ako hayaang maging masaya?"

"Masaya ka ba talaga?" Seryosong sagot ni Isaiah sa tabi ko.

Sandali akong natigilan at napaawang ang bibig. Mabilis ang tibok ng puso ko at purong dinudurog ito sa maliliit na piraso.

"Hindi naman namin ayaw si Theo, teh. Ayaw lang namin nakikitang hindi na ikaw yung Clio na nakilala namin." Pahayag ni Ed.

"This is the best for you.." bulong ni Irene at malambot akong tiningnan. She reached for my hand that is placed on the top of the table. Nilayo ko ito at hindi makapaniwala silang tiningnan.

"The best? Sino ba kayo para sabihin iyon sa akin?"

"Kaibigan mo kami! Hindi lang kaibigan, we also treated you as a family!" Mariing sabi rin ni Sky sa akin.

I looked at her.

Wala akong emosyon na pinakita sa kanila. I am really trying hard to hide my emotions. Gustong-gusto ko na umiyak sa harap nila pero si Theo ang naiisip ko. Kailangan ko malinis ang pangalan ni Theo sa kanila. Dahil kung ganito ang tingin nila kay Theo, talagang magkakaroon ng problema sa pagitan namin.

"Tingnan mo nga 'yang sarili mo, hindi ka na nakakatulog ng maayos! You would always say na baka mahal pa ni Theo yung ex nya at palagi kayong pinagkukumpara. You think if he really loves you ipaparamdam niya iyon sa iyo?" Tanong ni Irene na parang kutsilyo na tumarak sa dibdib ko.

"Pero kay Theo lang ako sumaya..." mahinang bulong ko.

"Sa amin? Hindi ka sumaya sa amin? Nagkulang ba kami iparamdam iyon sa'yo?" Malungkot na sabi ni Jaz.

Tiningna ko isa-isa ang mga kaibigan. Ed is already comforting Alaina who's crying. Sky looks worried. Isaiah looks tough infront of me and so as Jaz. Samantalang si Irene, siya ang nakapagdurog ng puso ko sa lahat nang nakita ko. She looks like she's about to cry but she's stopping herself from crying.

"Kung masaya ka sa kanya, okay. Pero hindi lahat yan magtatagal and I'm telling you, he's not worth the pain."

"I am ready to face the consequences." Pagsagot ko kay Isaiah. "Kung hindi niyo matanggap si Theo, baka oras na para tapusin na natin lahat kung anong meron sa atin. Kaibigan ko kayo, naiintindihan ko naman kung bakit tutol kayo sa kanya pero si Theo kasi mahal na mahal ko."

Sunod-sunod na umiling si Irene habang kitang-kita ko ang pagsisimula nang pagtulo ng mga luha nito.

"No..no. Hindi mo naiintindihan. I don't want you being like this. Wala ka namang kailangan piliin e." Sabi nito habang patuloy na umiiling. Hinimas naman ni Jaz ang likod nito.

Mahigpit naman na hinawakan ni Isaiah ang braso ko. Narinig ko ang pag-awat ni Sky pero pinigilan siya ni Isaiah.

"Kung tingin mong nagiging kontrabida kami sa pagmamahalan niyo ni Theo, para sa'yo yun! Tingnan mo mga sinasabi mo ngayon. Are you really throwing our friendship away?"

"Huwag natin 'tong pag-awayan. Ano ba?" Pag-aawat ni Sky sa amin.

"Bakit Sky? Ano bang mali? Wala namang pinag-aawayan ah! We are just telling her the tru-"

"Tama na!" Malakas na sigaw ko. Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.

"Yes. Or maybe I'm wrong. Baka ako yung mali." Saad ni Irene. Natigilan kaming lahat. "It's okay, guys.." she said and smiled before walking out.

"Irene!" Habol ni Sky sa kanya. Lahat kami ay natigilan at tila hindi makagalaw sa kinauupuan namin. Kung hindi pa sinabi ni Jaz kay Sky na habuli si Irene dahil sya ang malapit sa labasan ay baka walang humabol.

She walked out that time.

But we never thought that she would also walked out in our life.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon