TMYL #13

101 2 0
                                    

"Nakakademonyo talaga ang araw na 'to..." gigil na bulong ko sa tabi ni Von.

"Huwag ka mag-eskandalo dito, please." Balik bulong naman nitong katabi ko sa akin.

Narito kami sa bahay ng girlfriend niyang mahinhin kuno. Pero ang tigas din talaga ng feelings nitong lalaki na ito dahil kahit kitang-kita namin sa akto na nakikipaghalikan ang girlfriend niya kay Theo.

Parang gusto kong masuka.

Napapangiwi na nga lang ako dahil mukhang hindi nila napapansin ang presensya namin.

"Wow, ang wild ha." Bulong ko at sumimangot.

Tangina, noong kami ni Theo hindi naman ganyan yang hayop na 'yan.

Animal talaga 'tong lalaking ito.

"Melanie..."

Natigilan silang dalawa sa pakikipaghalikan matapos magsalita nitong lalaki sa tabi ko. Akala ko wala na siyang balak magsalita eh. Akala ko manonood na kami ng live porn dito kung hindi pa siya magsasalita.

"Von?" Gulat na sabi nito at mabilis na tumayo sa kinauupuan. Iniwan nito si Theo na nakatalikod pa rin sa amin at mukhang inaayos ang damit.

"What are you doing here...with her?"

"May problema ka sa akin?" Mataray na sagot ko dito dahil sa paraan nang pagtatanong niya.

"Of course, I do have a problem with you. You're the girl who caused a scene on Von's restaurant." Mahinhing sabi nito at kitang-kita ko ang paghawak nito sa braso ni Von.

Mahina akong napatawa sa kanya at nakuha pang ituro ang labi niya.

"Pwede ba, kung makikipaghalikan ka ng ganyan piliin mong lipstick yung smudge free huh?"

Mukhang nakuhan naman nito ang pinaparating ko at pinunasan ang gilid ng labi.

Serves her right. How can she still act innocent infront of him?

Nilingon ko naman si Von at kitang kita ko na ang sama ng tingin nito kay Theo. Kulang na lang ay matunaw na ang batok ng tarantadong ex ko. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Von at ang ugat na naglalabasan sa braso nito. Matutuwa talaga ako kung bubugbugin niya si Theo. Magpapasalamat talaga ako sa kaniya kung gagawin niya iyon.

"Hindi kita pipigilan,"

Mabilis naman ako nitong nilingon. Tumango ako at tinuro si Theo na nakatalikod pa rin at mukhang walang balak makipag-usap.

"Oh my gosh! Stop it, Von!"

"Anong stop it stop it? No, go on! Go for the balls!" Malakas na sigaw ko habang pinapanood na binubugbog ni Von si Theo.

Von's structure is bulkier than Theo. Tama lang ang pangangatawan ni Theo but looking on the veins of Von's hands, he really looks like he's been working out a lot.

This is going to be exciting.

"How dare you! Hindi mo man lang ba sila pipigilan?!" Singhal nitong babae na ito sa akin.

This two faced bitch is really something. She can really get you because of her innocence but she really isn't.

Anong mahinhin mahinhin? Malandi itong babaeng ito. Biruin mo, sinong makikipaghalikan sa ibang lalaki at kapag dumating ang ex mo ay parang wala lang? Tapos normal mo pa siya kausapin.

"Shut up! That's what he deserves." Ngising sabi ko habang pinapanood na nasa sahig na si Theo at nakahiga. Nasa ibabaw nito si Von at sinusuntok niya ito.

Nice, Von. I'll do my job willingly if you will break atleast three bones from his body.

"Argh!" Singhal nitong babae sa tabi ko at sinubukan niyang pigilan ang dalawa. Hinatak niya si Von paalis sa ibabaw ni Theo kung kaya't nakaganti ng suntok si Theo. Aba, hindi yata pwede yun. Mukhang nabago ang kapalaran at si Von naman ngayon ang nakakatikim ng mga suntok dahil sa paghawak ni Melanie.

"Pakialamera!" Malakas na sigaw ko at hinila ito paalis sa dalawa.

"Oh my gosh! No!"

Nagngitngit ako lalo sa galit dahil sa ginawa nito. Tinulak lang naman ako nito sa pool. Malakas ang pagkakatulak niya dahil nasa labas kami ng bahay niya.

Magdasal na siya ngayon dahil bilang flight attendant ay nagtraining kami lumangoy. Kaya ko siyang bugbugin habang nandito ako sa pool.

Sa sobrang lakas nang pagbagsak ko ay nabasa silang lahat. Kitang-kita ko kung paano sila tumigil pati na rin si Theo at Von na parehong hawak na ang damit ay napatigil at napatingin sa akin. Samantalang itong babae sa harap ko ay busy sa pagpunas ng sarili niyang nabasa.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I'm such a hot headed person. Mabilis akong mainis at magalit. Pero kapag nagalit ako ng sobra, mapapadasal ka na lang sa lahat ng mga santo. Lalo na kung isa kang bitchesang nagbabalat kayo sa pagiging isang anghel. Sinasabi ko talagang magtago ka na.

Tahimik akong umahon sa pool habang mabilis ang paghinga. Lahat sila ay tahimik at nakamasid sa akin. Busy pa rin si Melanie sa pagpunas sa sarili niya. Dahil doon ay kinuha ko na ang pagkakataon.

"Pigilan niyo yan!" Rinig kong sigaw ni Theo pero huli na ang lahat.

Marahas kong hinila ang buhok ni Melanie. Gulat na gulat ito at narinig ko ang pagdaing. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang lalaki sa harap ko.

"Ito ba? Ito ba yung pinag-aagawan niyong mga depungal kayo?" Galit na galit na sabi ko.

"Clio, you have to calm down. Remember our deal." Von said trying to talk to me gently.

"Deal? Do you think this girl is worth it? Kailan ka gigising ha? Hindi ka na niya mahal! Hindi na niya gusto!" Malakas na sigaw ko habang hawak hawak pa rin ang buhok ng babaeng ito. "And that bastard is what she likes. Don't you get it? Hindi ka na niya gusto Von!" Pasigaw na sabi ko.

Von became serious and his eyes went black. He looks dangerous again. He walks towards me and removed my hand from Melanie's hair. I did not hear a single word from him as he is dragging me out of that place.

Tahimik pa rin ito pagpasok namin sa kotse niya at kitang-kita ko kung paano magtiim ang bagang nito. He held tightly the steering wheel that I started to see his veins again from his hands.

"I know you're mad but please listen to me--"

"Shut up. I don't want to hear anything from someone right now." He said using a cold tone.

Naitikom ko naman ang bibig ko at napaiwas na ng tingin. I know that this will be hard but I will not be sticking to our deal. I am not helping him to get back to her girlfriend. I don't want to see another person suffering and went through the same pain I got. Lalo na at involved si Theo dito. Nothing good will happen if that man is there. Nothing.

This isn't a deal how to get back his girlfriend. I am not going to be a matchmaker. I'm going to help him to realize some things that I failed to realize early before.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon