TMYL #11

112 3 0
                                    

It took me all night to think what Von said to me. Kung tutuusin ay tama nga ito. It is a win-win situation for the both of us. Kapag natulungan ko siyang mapabalik ang girlfriend nya ay hindi ko na poproblemahin ang singsing.

Pero, ayoko na uli makita o maamoy man lang si Theo eh.

Pero, wala naman akong pambayad na ganoong klaseng halaga.

My salary isn't enough to pay that ring. Marami akong pinag-iipunan. Marami rin akong bayarin. If he will give me time, I can pay him. Pero dahil sa inooffer nya ay mas madali iyon.

"Right. Bakit ko pa nga ba papahirapan ang sarili ko?" I said as I started gathering my things to talk to him.

Mabilis akong nakarating sa Von J's. This is not my first time here but the place never fails to amaze me. Para bang kahit ilang beses kang pumasok ay mamamangha ka pa rin. Lumunok ako at nilakasan ang loob pumasok sa loob.

The staffs greeted me. As usual, the hallway looks classy and there are people there chatting while waiting for another vacant table. Madalas kasing puno ang restaurant na ito base sa kwento nila Cassie sa akin nung nakaraan. Hindi nga daw ito nauubusan ng mga taong kumakain kaya mahirap daw talagang makakuha ng reservation dito.

"Clio? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jaz na mukhang kakapasok lang. Nakita ko namang kasama nito ang manager nya kaya alam ko na kaagad ang sadya niya.

Pero bakit kailangan niya pa akong mahuli?

"May ka-date ka dito?" Usisa ni Jaz sa akin na mukhang walang balak tigilan ako.

Sumimangot lang ako sa kanya. I don't have a choice. Wala naman akong reservation dito eh kaya malabong makapasok ako kaagad at makausap si Von. But seeing Jaz here with her manager, I'm sure she has some business to discuss with that man. Nabanggit rin kasi ni Jaz na kukunin sya para sa commercial at endorser nito.

Mabilis kong hinatak ang braso nito at kumapit sa kanya. "May kakausapin lang ako. Saglit lang, promise."

Ngumisi lang ito at hindi na nagsalita pa.

We both successfully went inside. Kitang-kita ko ang mga tao na naroon at nagkukuwentuhan habang masayang kumakain.

"Oh, paano ba 'yan nasa loob ka na. Pwede mo na kausapin yung dapat mong kausapin. Ciao!" She said as she smiled and waved at me. Those smile is really suspicious. Alam ko yung mga ngiting iyon ni Jaz e. I can sense that she knows something.

Napabuntong hininga naman ako at hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Von. Nung nakaraang kumain kami dito sabi ni Jaz ay madalas nasa kitchen daw ito. Minsan kasi isa pa rin ito sa mga nagluluto sa loob.

"Uhm...excuse me?" Gulong tanong ng isang staff sa akin nang mapansin ang kanina ko pa pagsilip sa kitchen nila.

"Nandyan yung boss niyo?" Sabi ko at nagpatuloy pa rin sa pagtingkayad. But the woman infront of me blocked my view.

Para bang awtomatikong nabuksan ang pagiging maldita ko dahil sa ginawa niya. Tinaasan ko ito ng isang kilay at sininghalan. Huwag niya nga akong inisin at importante ang sadya ko sa boss niya.

"May appointment po ba kayo sa kanya? At tsaka...." she looked at me from head to toe like she's scanning something. "Kilala po ba kayo ng boss namin?" Mataray din na sagot nito.

Hindi ako makapaniwalang napabuntong hininga sa harap niya.

Wow. She's something. Really something.

"Don't test my patience. Pakisabi sa boss mo nandito yung sasagip sa lovelife niyang palubog na."

Pero mukhang hindi ako nito pinansin. She called someone and two guys started whispering to me. Sinabi nilang umalis na raw ako at sumama sa kanila ng maayos.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon