TMYL #34

115 4 0
                                    

"Hmmm..this scene seems familiar," bulong ni Isaiah matapos niyang umupo sa couch.

Tinungga ko muli ang baso ng margarita at tsaka tumulala. The loud music isn't even bothering me and the people dancing on the dance floor. Kahit pa nasa VIP Room kami ay tanaw ko dito ang mga taong nagtatawanan, naghaharutan o kung ano pa man habang sumasayaw.

"Hindi daw pwede si Sky ngayon," saad ni Alaina habang nakabaling sa cellphone.

Tumango na lang ako at uminom ang kung anumang alak ang nasa table namin. They all looked shocked on what am I doing.

"Teka, brokenhearted ka ba uli?" Pag-uusisa ni Ed at hindi ko na lang ito pinansin tsaka inirapan siya.

I am in deep thoughts that's why I don't have time to talk with them. Saktong nag-aya naman si Isaiah na magpunta dito. I grab this opportunity expecting that I can forget everything that just happened.

"Ah. Anyway, let's just try to have fun!" Masiglang sabi ni Alaina na mukhang walang problema at sumayaw sayaw sa harap namin.

Isaiah just started laughing at her crazy dance moves but I didn't even looked at her.

"Ay, ayaw ako samahan. Tara, tayong dalawa na lang Ed." At hinila niya ito papuntang dance floor.

Ngayon, ako at si Isaiah na lang ang natira dito sa table namin. Para kaming tanga dito na nagsasalitan bumuntong hininga.

"Anong problema?" Sabay naming sabi at nagkatinginan.

Napangisi ako dahil doon. Sabay pa talaga kaming nagsalita. Umiling na lang siya at kumuha ng baso ng isang margarita.

"Last time na naglasing ka ng ganito dahil kay Theo pa ha? Same reason pa din ba?"

Mahina akong tumawa at napailing na lang. It was not about Theo. It was never about Theo.

"Oh, so may ibang reason? So, who's the guy? Is it the one who owned a restaurant?"

"Masyado ba akong obvious?" Nakangusong sabi ko. Bakit parang ang bilis naman malaman at makahalata ng mga kaibigan ko? Am I really that obvious?

"Well, medyo. Pero, kinuwento din kasi ni Jaz sa akin. You know, Jaz naman eh, lahat kinukuwento sa akin." Sabi nito at biglang bumungisngis.

Oh, so yung kay Jaz na kwento pa lang ang alam niya? Mabuti na lang at hindi yung Kay Irene. Pero kabado din ako na baka malaman kaagad ni Jaz. Knowing Jaz, she somehow knows everything instantly. Para bang ito mismo ang lumalapit sa kaniya.

"Well, let's just say that I got rejected?"

Napaayos sa kinauupuan si Isaiah at nanlaki ang mga mata.

"Hindi nga? Uso pa ba rejection ngayon? Akala ko noong teenagers lang tayo e,"

"Maybe I don't really deserve to be happy,"

Isaiah heavily sighed and made her way to sit beside me. She tapped my shoulders and smiled. "We all deserve to be happy. At tsaka, kaibigan ko kayo. I will give you happiness if you can't look for it."

My heart melted on what she just said. Niyakap ko ito kaagad at napaluha ng kaunti. This might be what I really need right now.

"Oh, nagdadrama kayo ng wala ako." Humiwalay ako sa yakap matapos makarinig ng pamilyar na boses.

"Oh, bakit late ka kasi?" Natatawang sabi ni Jaz at umarteng nandidiri sa ginawa naming dalawa.

"Sorry naman. May nakasalubong kasi ako sa labas ng bar at hindi kayo ?maniniwala kung sino!" Histerikal na sabi nito na yung tipong excited na excited pa ikuwento sa amin. Talagang umupo pa ito sa harap namin at lumapit pa.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon