TMYL #14

101 4 0
                                    

It's been two days and Von isn't contacting me yet. I'm not dumb or what but I think it's probably because of what I did.

Alam ko naman ang mali ko eh pero sana malaman niya rin at maintindihan kung anong ipinararating ko. I've been there. I experienced those kind of things but it is not worth it. Those kind of people aren't worth it.

Alas nuebe na ng gabi at naisipan kong ichat ang mga kaibigan. I was so bored and I guess Von will not contact me tonight.

Gianna Clio
Tara inom?

Nakita kong mabilis na nagtitipa agad ang mga kaibigan ko. Tingnan mo nga naman itong mga tao na 'to. Ang bibilis talaga pagdating sa mga ganitong bagay.

Alaina Mae
Pass muna. Wala kang pasok bukas?

Edwin
Lasenggera ka teh?

Napairap ako sa reply ni Edwin. Kahit kailan talaga 'to. Napaisip naman ako sa sinabi ni Alaina. Paano nga ang trabaho ko ngayon? Mukhang nagalit nga si Von sa akin. Tuloy pa kaya ang deal?

Argh. I shouldn't be thinking about right now. Tama lang naman ang ginawa ko. He'll soon thank me if he realize what I am trying to do.

Naghintay pa ako sa reply ng mga kaibigan at si Andy ay nagreply lang ng emoji ng sasakyan. Mukhang may car racing sila bukas. Manood kaya kami?

Gianna Clio
Pwede kami manood bukas Andy?

Andy started typing immediately but he only sent me a liked zone.

Napafacepalm naman ako dahil sa reply ng kaibigan. Mukhang wala akong kasama uminom ngayon kaya pinm ko sila Isaiah at Jaz. Itong dalawang 'to ang palaging magkasama so I guess they are probably with each other right now. Hindi ko pa nga pala naitatanong yung nangyari kay Isaiah. Mukhang hindi rin alam ng iba naming mga kaibigan o sadyang ako lang ang huli sa balita?

I started scrolling our groupchat to see any messages that I missed but there isn't. Our groupchat was unusually quiet today. Well, busy lang siguro ang lahat dahil hindi naman weekends. We all had our own things to do during other days.

Ashtrea Jazlyn
Sige kaso dito na lang sa bahay ko. I'm with Isaiah right now.

Mabilis akong kumilos at nagbihis. I really need to do something that will not make me think about that man. Bahala siya dyan if ayaw nya ako tawagan.

"Ang hirap naman pumasok dito," bulong ko habang napangiwi. Jaz's house is located in Forbes Park at mahigpit ang security doon. They need to verify your identity at tatawagan pa minsan ang may-ari kaya matagal. Matagal pa naman sumagot ng tawag itong si Jaz.

When I finally got out from the taxi kitang-kita ko na kakababa lang din nila Alaina at Ed. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ng mga ito dito? Akala ko ba pass sila?

"Nainggit kami eh," ngising sabi ni Alaina kaya napasapo naman ako sa noo ko. I also heard a motorcycle and saw Andy. Mahina kong hinampas ang balikat nito.

"Sungit mo magreply ha? Anong trip mo?" Sabi ko dito at umiling na lamang.

Masaya akong pumasok sa loob ng bahay ni Jaz. Natanaw kaagad namin sila ni Isaiah sa veranda ng third floor nito na nag-aayos ng mga gamit.

"Himala, good mood ka yata ngayon?" Pag-uusisa ni Ed sa akin habang paakyat na kami.

"Oo kaya huwag mong sirain."

"Grabe ang taray naman agad. Kalma lang tayo."

Nang makarating na kami ay nag-aayos na ng mga pagkain sila Isaiah at Jaz. Mukhang prepared ang dalawa.

"Ano 'to? Mukbang?" Kunot noong sabi ni Andy kaya napabulalas kaming lahat ng tawa.

Binatukan naman siya ni Jaz dahil doon. Paano ba naman kasi mas marami pa yung pagkain kaysa sa alak. Smirnoff lang ang nandito pero mas marami pa rin ang pagkain.

"Actually may dala pa nga kaming cake eh." Natatawang sabi ni Alaina na mukhang galing pa ang cake sa cafe nila.

"Nakakaloka. Iinom tapos cake?" Hindi makapaniwalang sabi ko at napailing.

"Nagrereklamo ka pa, huwag ka kakain nito ha!" Saad ni Ed kaya inirapan ko na lang siya.

It was a peaceful night. Sobrang ganda ng tanawin dito mula sa ikatlong palapag ng bahay ni Jaz. It was a nice time to talk with them because it looks like we are all exhausted from something. Para bang lahat ay gusto magliwaliw dahil may kung anong bigat na nararamdaman pero hindi masabi.

"May bagong lipat?" Sabi ni Andy at tinuro ang pangatlong bahay sa harap ng  bahay ni Jaz. Tumango naman ito kaya nagtanguan din kaming lahat.

"Guys..." panimula ni Isaiah habang tahimik na nagkukuwentuhan ang iba.

"Ano yon?" Mabilis kong sagot.

Naging alerto naman ang iba kong mga kaibigan. I glanced at Jaz who looks serious and I guess she already know something.

Isaiah sipped from her smirnoff and started talking.

"Umalis ako sa pageant." Tila pinal na sabi nito at wala nang makakapagbago ng isip niya.

"Ano? Eh diba two months na lang yon?" Hindi rin makapaniwalang saad ni Alaina.

"Huy teh, sayang naman yung nasimulan mo kung titigil mo na." Pagkumbinsi naman ni Ed.

Tahimik lang na nakatitig si Andy at si Jaz ay nakatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaibigan na mukhang nakatingin sa kawalan.

"Just some other things..." malumanay na sabi nito habang ginagalaw ang pagkain sa harap.

Nabalot kami ng sandaling katahimikan. Naalala ko bigla yung sinabi ni Sky sa akin nung nakaraan. To brighten up the mood a bit.

"Sky said that she found Irene."

Halos lahat ay nagulat at napasinghap. I know. I was shocked too. It was years when we last saw her.

"Talaga? Nasaan daw?"

"Bakit hindi sinabi ni Sky sa atin agad?" Tunog nagtatampo na sabi ni Alaina.

"Uuwi naman na siya three days from now." Chill lang na sabi ni Andy na tila alam din.

Siniko ito ni Isaiah kaya nanlaki ang mga mata nito at tumawa kami. "Alam mo rin noh?" Pero tanging kibit balikat lang sagot nito.

"Minsan hindi mo malaman kung pipi o hindi ba itong si Andy," naiiling na sabi ko.

"Wag mo nililihis usapan. Paano nakita si Irene?" Sagot ni Jaz at pinanliitan ako ng mata.

Inirapan ko ito. Mapilit ka ha? Sigurado akong magugulat ka kapag sinabi ko.

"Paano kapag involved ex mo?" Ngising sabi ko.

Natigilan naman ito at pabirong ibinaba ang iniinom. Nagtawanan naman kaming lahat dahil doon.

"Sino dun?" pabirong sabi ni Ed kaya nagtawanan kami.

Habang nasa kalagitnaan nang pag-aasaran ang dalawa ay nagvibrate ang phone ko. I checked it and saw Von's message.

"Do you have plans tomorrow?"
Nanlaki ang mga mata ko nang basahin ni Ed ng malakas ang text ni Von. Mabilis ko itong tinago at hinampas sya.

"Usisero ka!" sigaw ko rito.

"Taray may pag ganon na ha? Sino yun ha?" Ngising sabi ni Alaina.

"Wala na kayo dun." Sabi ko at tinungga ang bote ng smirnoff sa harap ko.

"It was probably someone we know.." out of the blue na sabi ni Jaz at nag-iwas ng tingin.

Sinamaan ko ito ng tingin at ininom muli ang alak sa harap ko. I swear, if one of my friends found out my deal with Von itataga ko sa batong maging single si Jaz.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon