Zyrexal POV
Habang kumakain kami, as usual sobrang tahimik parin ng atmosphere. Seryoso talaga siya dun sa sinabi niyang, ayaw niyang maisturbo habang kumakain... Maganda naman ang napili niyang lugar sunset na din kaya nagsisimula ng mag on ang mga lights.
"Ang weird mo" I try to break our silence
"Talaga?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay... Taray mo girl
"Oo, bakit ayaw mong magsalita habang kumakain tayo? I mean you act like you're just eating alone. Usually, people do chitchat while eating" I explained to him. Malay niyo di pala siya aware dun... Grabe saang bundok ba galing ang baklang to
"Ganun ba? Siguro, dahil baka di ka tao kaya ayaw kong makipag-usap sayo" he said while not Even giving me a glimpse... Pakyu ka ng senkwenta! Bwesit ka
"Wait, don't tell me sakin kalang ganyan?" Inis na Tanong ko sakanya, nagkibit balikat naman siya bilang sagot at bumalik na naman sa pagkatahimik ang mundong aming ginagalawan
***
It's been a month since we are leaving together. At sa loob ng isang buwan nayun ay walang pinagbago. Hatid sundo niya ko, kinaumagahan din nung nag dinner kami ay hinatid niya ko sa room namin nagulat pako nun at kikiligin na sana kaso
Flashback
"Oh! Kala ko ba Hindi mo ako ihahatid sa room namin"
"Tss Tara na kasi"
"Teka! Bakit moko ihahatid sa room namin?"
"Trying my fate kung makakasubong ko si fafa zaniel"
End of flashback
Like wtf? OK na sana eh pero bakit ganun? Naiinis na talaga ako sa baklang yun. Di din naman niya nakasalubong si zaniel dahil parehas naman silang 3rd year college, tourism nga lang si zaniel
Sunday ngayon kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mahiga sa kama. Si Jake naman may pupuntahan lang daw, Ewan kung saan d naman niya sinabi ayaw din niya akong isama dahil d daw kami close... To ease my boredom, naisipan kong maghalungkat ng gamit namin ni Jake baka sakaling may mapaglibangan ako. Ng buksan ko ang walk in closet ni jake ay may nakita akong isang kahon, magkaiba kasi kami ni jake ng lagayan ng mga damit, kaartehan niya to the highest level. Kinuha ko naman yung box na nakatago sa likod ng mga jacket niya at inilagay iyun sa harapan ko. Dito nalang sa loob ng closet niya bubuksan ko itong kahon. Since naka tape yung kahon ay naghanap muna ako ng cutter saka iyun binuksan, bumungad sakin ang mga gamit sa loob ng kahon. May tatlong notebook, tatlong pen, flash drive, camera, album, kwentas at bracelet na pambata, at marami pang iba. Diko Alam Pero habang pinagmamasdan ko ang mga gamit sa loob ng kahon na ito ay may kakaiba akong naramdaman, base sa Amoy at itsura ng mga gamit, mukang matagal ng nakatambak sa loob ng kahon ang mga gamit. Naagaw naman ang atensyon ko sa isang picture frame, kinuha ko iyun at tinignan, isang batang babae at isang batang lalaki na magkaakbay at naka peace sign habang naka ngiti ng matamis sa camera ang nasa picture frame. Habang pinagmamasdan ko ang litratong iyun ay biglang may mga boses ng bata na masayang nagtatawanan akong narinig, then everything went black...
BINABASA MO ANG
Playing as a wife of gay | Completed
Teen FictionAkala ko nung una ay isang normal lang na arrange marriage ang magaganap, yung tipong napagkasunduan lang ng mga magulang niyo na ipakasal kayo sa isa't isa--- walang business rekated--- plain na kasal lang. Pero Mali ako dahil ang magiging asawa ko...