Chapter 25

190 5 0
                                    

Third person's POV

August 23, 2027 ngayon ang kaarawan ni Zyrexal. Para sa pag ce-celebrate ng 19th birthday niya ay naisipan nilang isang simpleng handaan nalang ang gawin kasama ang pamilya nilang dalawa (Jake) pati na sina bryle at Zaniel. Sa bahay nina Zyrexal sila naghanda. Isang dinner.

"Jake" tawag pansin niya sa kasama habang naghahanda sila papunta sa bahay ng birthday girl

"hmmm" tugon nito. Alasais na ng hapon kaya nag-ayos na sila, ang usapan kasi ay alas syete ng gabi gaganapin ang birthday dinner

"Ngayon din natin sasabihin sakanila ang napag-usapan natin diba?" Tanong ni Zyrexal na ang tinutukoy ay tungkol sa pagputol ng kasunduan

"Ahh, oo. Bakit? Gusto mo ba sa sususnod nalang? Ayos lang sakin" saad ni Jake at tinignan si Zyrexal na nakaharap sa sarili sa salamin. Wala naman talaga sa plano ni Jake na ngayon nila sasabihin sa mga magulang nila kaso nag insist si Zyrexal na sa araw na ito nila puputulin ang kasunduan. Tinanong ni Jake kung bakit sa August 23 kung pwede namang sa ibang araw, ayaw din kasi ni Jake sa araw na ito dahil ngayon din ang kaarawan ni Shakira. Ng sinabi ni Zyrexal na kaarawan niya ngayon ay di na nakapagsalita pa si Jake, wala kasi siyang Alam kung kelan ang kaarawan nito kaya ganun nalang ang gulat niya na Kasabay pala ito ni shakira

"Hindi na, mas gusto ko rin ang magkaalaman na" makahulugang sagot ni Zyrexal.

Natapos ang pag-aayos nila sa sarili ay pumunta na sila sa bahay Nina Zyrexal. Tahimik lamang si Zyrexal sa buong byahe at parang may malalim na iniisip. Ilang araw na ding iba ang kinikilos ni Zyrexal at sobrang tahimik Pero di nalang tinanong ni Jake ang dahilan. Pagkarating nila sa bahay ay nandun na ang lahat at nakaayos na din ang mga pagkain sa hapag kainan.

"Happy birthday zay!" Masiglang bati ni bryle sakanya Sabay abot ng regalo saka ito niyakap

"Happy birthday dre" bati din ni Zaniel

Binati ng lahat na naroon si Zyrexal at binigyan siya ng regalo, pilit na ngiti naman ang isinusukli niya sa mga ito. Si Jake naman ay binati na siya kaninang umaga at suot narin niya ang regalo nitong kwentas

"Oh, hali na kayo, kumain na tayo" yaya ng mama ni Zyrexal. Nag-silapitan naman ang lahat sa mesa saka sila naupo, bago pa man sila makapagdasal ay nagsalita na si Zyrexal

"Ma, may favor po ako ngayon sa birthday ko" sabi niya sakanyang ina. Nagkatinginan naman silang lahat saka tumango ang ina ni Zyrexal sakanya

"Sige anak, ano ba yun?" Nagtataka man ay pumayag parin ito, ngayon lang kasi humingi ng pabor si Zyrexal sa birthday nito

"Gusto ko sanang, magkaliwanagan tayo ngayon" deretsang sagot ni Zyrexal habang nakatingin sa mata ng ina niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagkatinginan na naman sila saka tumango ulit ang kanyang ina.

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon