Chapter 23

132 7 0
                                    

Jake POV

I know na ako ang nagbanta sakanya, well sa isip ko lang lang naman siya binantaan, at tsaka kasalanan naman niya yun! Kanina niya pa ako inaasar kaya na pikon ako... Wala naman talaga akong plano kung sakaling nahabol ko siya nun, Pero sana tinapos ko nalang pala ang pagkain kesa patulan ang kakolokohan niya

"Oui, ayos kalang?" Kanina pa niya ako kinakausap Pero diko siya pinapansin, heh! Manigas siya diyan

"Sorry na" paghihingi niya ng tawad habang nagpapa cute at sinusundot sundot ako sa gilid. Matapos niya akong sinikmuraan–– oo sinikmuraan talaga –– ay namilipit ako sa sakit, tinulungan naman niya akong makaupo sa sofa at nung maayos na ang pakiramdam ko ay iniwan niya muna ako sa sala para iligpit ang pinagkainan namin, di na namin tinapos ang pagkain dahil nawalan na kami ng gana, kaya heto kami ngayon sa sala at pilit parin niya akong sinusuyo

"Ang Arte mo naman eh! Sorry na talaga, nagulat kasi ako kanina"

"Kaya moko sinikmuraan, dahil nagulat kita?"

"Ahh... Oo?" Kingina! Kasalanan ko ba kung bakit siya nagtago sa loob ng walk in closet ko! Nakatalikod kasi siya sakin habang bahagyang nakatabon sakanya ang mga damit ko–– para siguro di ko siya mapansin agad–– kaso nung kinalabit ko na siya ay bigla nalang siyang sumigaw saka sinikmuraan ako! Ang sakit nun grabe

"Lumayo ka sakin babae ka!" Sigaw ko sakanya kaso di siya natinag sa halip ay nag puppy eyes pa! Kala niya siguro madadala ako sa ganyan... Ngek ngek mo!

"Sorry na please"

"Ayoko!"

"Sige na"

"No"

"OK" nagulat ako ng bigla siyang umalis sa kinauupuan niya. Akala ko ba di yun titigil pag di kami nagkabati. Nagkibit balikat nalang ako saka ko inihilig ang batok ko at pumikit, aantokin ko muna ang sarili ko bago umakyat sa kwarto.

Habang nakapikit ako ay may narinig akong footstep papalapit sakin, Alam Kong si Zyrexal yun kaya di ko nalang iminulat ang mga mata ko Pero, bigla akong nakarinig ng kumain na chichirya kaya iminulat ko ang mata ko saka tumingin Kay Zyrexal na nasa kabilang sofa habang patay malisyang kumakain ng PIATTOS?! damn! Paborito ko ang piattos... Matagal na Kong tumigil sa pagkain ng piattos at chocolates dahil yun din ang paborito namin ni shakira. Every time na nakakakita ako chocolates o piattos ay binabalewala ko lang ito, Pero ngayon? Tumutunog ang Tiyan ko huhuhuhu diko nga pala natapos ang pagkain ko kanina. tsk! Great. Tinititigan ko lang si Zyrexal habang kinakain niya yung piattos kaya napatingin siya sa direksyon ko, siguro naramdaman niya ang mga matang naka tingin sakanya

"Gusto mo?" Alok niya sakin, kukuha na sana ako kaso, bigla niyang nilayo sakin yung piattos! WTH Zyrexal!

"Bakit mo nilayo?!"

"Patawarin mo muna ako" aba! Ganyan pala humingi ng patawad?

"Tsk, no thanks" tanggi ko sakanya. Ha! Kala niya mapapatawad ko na siya, thank you nalang dahil di na din ako kumakain ng piattos–– well, muntik lang naman yun kanina... Tumayo ako sa pagkakaupo ko tsaka naglakad Papunta sa kusina, kukuha nalang ako ng sakin kesa manghingi. Ng makarating ako sa kusina ay binuksan ko kaagad ang ref, And to my surprise, WALANG LAMAN! Kahit isang pirasong carrots man lang wala talaga! Dali dali kong tinignan ang loob ng mga cabinet Pero wala talaga... Anak ng! Bumalik ako sa sala ng nakasimangot saka ko nilapitan si Zyrexal

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon