Chapter 24

141 5 0
                                    

Zyrexal POV

Dumaan ang tatlong araw Simula nung maubusan kami ng pagkain ni Jake, napag-usapan narin namin ni Jake ang tungkol sa kasunduan, sinabi niya sakin lahat, lalo na ang tungkol Kay myzi, di naman impossible na makabuntis si Jake dahil lalaki naman talaga siya, wala lang naman sakin yun at least maaga palang ay sinabi na niya kesa pinagmuka niya Kong tanga. Kung tatanungin niyo ang nararamdaman ko, well, natuon kasi ako sa strange na nasa utak ko at sa kakaibang pakiramdam kaya siguro parang wala lang din sakin ang katotohanang na may nakatalik siya habang nakataray ako sa hospital. Di na din namin pinag-usapan ulit ni Jake ang nararamdaman ko sakanya dahil matapos ko siyang sagutin tungkol dun ay napakurap kurap lang ang mata niya saka siya tumango tango.

"Zyrexal!" Napalingon naman ako Kay bryle na kumakaway habang tumatakbo palapit sakin... Nandito kasi ako sa garden ng school namin para magbasa basa since break time naman

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad ng makalapit siya

"Bawal ba?"

"Di naman, nagtatanong lang"

"OK" naupo naman siya sa tabi ko at inilabas ang pagkain niya. Napatingin naman ako dun sa hawak niya saka ako tumitig sa muka ni bryle, napansin niya siguro ang mga titig ko kaya lumingon siya sakin habang ningunguya ang pagkain niya

"Oh! Bakit moko tinititigan? May dumi bako sa muka?" Nagtatakang tanong niya sakin. Hindi ko Alam kung sakanya ko ba dapat itanong dahil Hindi ako sigurado kung may Alam siya, pinsan ko si bryle sa mother side ko at halos lahat ng angkan ni mama ay nasa US nakatira, doon ko rin nakilala si bryle...

"Did I–––" diko na natapos ang e tatanong ko sana sakanya dahil bigla siyang sumingit

"Malapit na pala ang birthday mo noh? sa darating na sabado na" singit ni bryle. Napakurap kurap naman ang mata ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya. Geeez, muntik ko ng makalimutan ang birthday ko August 21 pala ngayon, sa 23 kasi ang birthday ko

"Ahh yeah, hehehe. Nakalimutan ko" parang tanga na tugon ko sakanya

Ngumiwi naman siya na para bang ako na ang pinakatangang tao sa mundo dahil sariling kaarawan ko, nakalimutan ko pa "Malala kana zyrex, oh! Ano nga pala ang sasabihin mo kanina?" Tanong niya sakin

"Ahh, bout that, naaksidente ba ako noon?" Tanong ko sakanya habag diretsong nakatitig sa mga mata niya, ganun din siya habang nakikinig sa Tanong ko

"Hmmm, wala akong Alam zyrex, sa beach lang tayo ipinakilala Nina mama at papa noon, nung unang kita ko nga sayo di ko Alam na magpinsan pala tayo, nalaman ko lang nung nandito na kami sa pinas. Diba, matapos tayong ipakilala, nauna kami dito sa pinas nun, mga 10 months after natin makilala ang isa't isa at maging close ay saka kami bumyahe dito tas sumunod kayo, dun ko lang nalaman na pinsan pala kita. Wala na akong Alam tungkol sayo" mahabang paliwanag niya sakin. Napatango tango nalang ako matapos marinig yun.

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon