Chapter 16

132 5 0
                                    

Jake POV

"Finally, I found you"

"I-ikaw?" Nauutal na Tanong niya sakin

"Ako nga" sagot ko sakanya, tatakas na sana siya pero agad ko siyang hinawakan sa sa braso para pigilan. Walang masyadong dumadaang tao sa bahagi ng hospital na ito kaya Malaya kaming magtalo dito ng walang naiistorbo at nakakapansin samin

"A-ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya, Pero di ko siya hinayaang makawala at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sakanya

"Bakit mo ba ako tinatakbuhan?" Tanong ko sakanya

"Dahil ayoko na makita ang pagmumuka mo!" Bulyaw niya sakin na ikinatigil ko ng saglit

"Please lang mag-usap tayo ng maayos"pakiusap ko sakanya ng makabawi nako sa pagkakatigil ko kanina.

"Wala na tayong pag-uusapan pa"

"Anak ko din ang dinadala mo babae, kaya kailangan nating mag-usap"

"Ha! Anak mo? Seryoso ka? Hahahaha. Oo buntis ako, Pero Hindi ikaw ang ama! Isang gabi nga lang may nangyari satin, nabuntis mo na ako? Anong akala mo sa sarili mo? Sharp shooter?"  I don't know kung bakit Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Hindi ko Alam kung bakit nararamdaman Kong akin ang batang ipinagbubuntis niya. At higit pa dun, sobrang saya ng nararamdaman ko ng malamang buntis siya kahit sinabi niyang Hindi ako ang ama

"Myzi!" Sabay kaming napalingon ng babaeng kasama ko sa tumawag sakanya... Isang lalaki na hinihingal ang patakbong lumapit sa gawi namin

"Myzi, sino siya?" Tanong nung lalakiKay myzi o sa babaeng kasama ko ng makalapit siya sa pwesto namin. Kung ganun, myzi ang pangalan niya, pwede ding yun lang ang tawag sakanya

"Don't mind him zik, he's nothing. Tara na" wala nakong nagawa nung binawi niya ang kanyang braso sa pagkakahawak ko. Akala ko ay aalis na sila Pero nagulat nalang ako ng harapin niya ko na may panggigigil

"Wag mo na akong pestehin pa, JAKE! Wala kang responsibilidad sakin dahil si zik ang ama ng dinadala ko" huling salita niya bago ako tinalikuran at naglakad papalayo kasama ang lalaki na kakarating lang kanina, habang ako naman ay naiwang nakatulala sa kinatatayuan ko

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon