Chapter 21

124 8 0
                                    

Shane POV

Matapos ang pag-uusap namin Nina Zyrexal at Jake kanina sa kwarto nila ay pinagpahinga na namin ulit si Zyrexal, ng makatulog na siya ay saka kami lumabas ni jake sa kwarto. Lutang ang isip ko habang pababa kami ng hagdan at umupo sa sofa. I know na malapit na nilang malaman ang lahat at dapat lang nilang malaman Pero, di ko parin maiwasan ang matakot pag dumating na ang araw na iyun. Ayokong magalit silang dalawa sakin, ayokong kamuhian nila ako sa oras na malaman nila ang totoo.

"Tell me Shane, may alam ka ba?" Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang boses ni jake, magkaharap kaming dalawa ngayon habang nakaupo sa sofa... Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala ako sa bahay Nila

"A-anong Alam ko?" Kinakabahang Tanong ko sakanya

"Ewan, ano nga bang Alam mo? May tinatago kabang sikreto?" Fudge! Halata na ba masyado?

"Pano kung meron? Magagalit ka ba?"

"Depende sa sitwasyon" malamig na tugon niya at iniwan ako dito sa sala ng mag-isa

After one minute napagkakaupo ko dun ay napagdesisyonan ko ng umuwi samin... Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong Nina mama at papa ng may pag-aalala. Sinabi ko na kasi sakanila ang nangyari Kay Zyrexal Pero di ko muna sila pinasama sa bahay Nina Jake

"What happened? Is she OK?" Tanong sakin ni mommy

"Yeah, she's OK now"

"Bakit siya nahimatay ulit?" This time si daddy na ang nagtanong. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang Tanong niya

"I think, paunti unti ng bumabalik ang alaala ni Zyrexal" nagulat silang pareho sa sinabi ko Pero makikita mo parin sa muka nila na naguguluhan sila

"Ano ang ibig mong sabihin?" Si mommy

"According to Zyrexal, muntik na siyang mabundol ng kotse ni Jake, it seems familiar daw dahil napanaginipan niya pala, yun nga lang daw ay yung sa panaginip niya ay nabundol talaga yung batang babae. Tapos bigla nalang sumakit ang ulo niya" pag e explain ko sa kanila

"Then, we have no choice kundi ang sabihin na sa kanila ang totoo" malungkot na saad ni mommy. I know kung gaano kahirap para sakanila ang itago ang katotohanan Maging ligtas lang si Zyrexal, at mas pinahirap pa nun pag dumating na ang nakatakdang panahon para ipaalam sakanya ang nakaraan dahil baka ikagalit niya o nila ang pagtago namin ng sikreto. Umaasa nalang kami na sana maintindihan nila ang rason namin

"As soon as possible, dapat na nating sabihin sakanila dahil baka mahuli tayo" seryosong tugon ko

Masyadong mahirap ang sitwasyon namin ngayon. Kung nung una ay parang kalokohan lang namin ang pagtatago ng katotohanan, Pero sa likod ng pinagsasabi namin noon ay may nakakubling mabigat na dahilan iyun... Kung ang akala ng marami na kaya namin ginawa yun para magkaroon ng munting drama ang pangyayari, well, it's wrong

Siguro Alam niyo ng may koneksyon talaga sa isa't isa sina Jake at Zyrexal noon. Obvious naman kahit Hindi diretsang nakasaad, Pero para ma kompirma ang hinala niyo, ako na mismo ang mag ko confirm, yes! May past sina Jake at Zyrexal noon... After the accident na nangyari noon Kay Zyrexal ay maraming nagbago, we even thought na Patay na siya but after 5 minutes of being in a flat line, bumalik ang tibok ng puso niya, Pero na comatose si Zyrexal noon. Alam din ni Jake na nag flat line na noon si Zyrexal dahil nasa loob siya mismo ng room habang sinusubukang iligtas ng mga doctor si Zyrexal, di na maawat ng mga panahon na iyun si Jake kaya hinayaan nalang siya na makapasok Pero nasa gilid lang siya para d makaistorbo. Kitang kita ni Jake noon ang paghihirap ni Zyrexal na sinusubukang tulungan ng mga doctor, ang nakapikit na mga mata ni Zyrexal habang nakaratay sa hospital bed ang isa sa mga tumatak sa utak ni Jake, kaya kahit papaano ay nauunawan ko si Jake kung bakit ayaw niyang pumasok sa room ni Zyrexal sa hospital nitong mga nakaraan, dahil iyun sa trauma niya. Ng mag flat line na si Zyrexal ay bigla nalang siyang tumigil sa pag-iyak at tulalang lumabas ng room at tuloy tuloy iyun hanggang sa labas ng hospital, kaya nung muling tumibok ang puso ni Zyrexal ay wala siyang Alam dahil itinago din iyun ng mga magulang namin. Walang kaalam Alam si Jake na buhay si Zyrexal dahil kinaumagahan niyun ay inilipat na sa US si Zyrexal di din nakilala nun ni Jake ang mga magulang namin Zyrexal dahil nakatutok lang siya sa sitwasyon ni zay bukod dun ay yun din ang unang pagkakataon na makita nila ang isa't isa Pero d nangyari...

Busy sa business sila mommy at daddy kaya walang chance na mameet ni Jake ang parents namin noon, even me dahil nasa ibang bansa ako. Isa din iyun sa dahilan kung bakit d niya nakilala sina mommy ngayon. Dahil sa pangyayaring iyun ay d lang na trauma si Jake, na depress din siya kung kaya't may tine take siyang gamot... Hanggang ngayon... Ang pagpunta niya sa kusina para uminom ng tubig ay ang oras na umiinom din siya ng gamot niya. Unting unti namang nakabangon daw ulit si Jake Pero maraming nagbago sakanya. Isa na dun ang paniniwala niya tungkol sa kasariaan niya

Wala man ako dito sa lugar ng pinangyarihan ng accident noon Pero lahat ng detalye sa panahon na iyun ay nalaman ko, nung araw bago ipakilala sina Zyrexal at Jake noon sa Starbucks. Sinabi sakin ni mommy from the start hanggang sa katapusan ng nakaraan, pati na ang mga dahilan. May communication ang parents namin ni Zyrexal at parents ni Jake kaya detalyadong nailahad namin iyun sa sarili namin.

Noong una ay hindi ako pumayag sa plano nila Pero, knowing that their life will in danger, pinili ko nalang ang sumunod sakanila kesa ipahamak ang kapatid ko

"I'm sorry for the burden Shane" dinig Kong paghingi ng tawad sakin ni mommy

"Hindi ka dapat namin idinamay anak" dagdag pa ni daddy

"It's fine mom and dad, everything will be fine... I hope so"

Please forgive me for what I have done Zyrexal, I just wanna keep you safe and Jake...

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon