Chapter 20

132 7 0
                                    

Jake POV

Ng makarating nako sa parking lot ay inis Kong pinaandar ang kotse ko, ng makaliko nako sa isang kanto ng parking lot ay nagulat nalang ako dahil may isang babae biglang lumitaw sa dinadaanan ko, buti nalang at naapakan ko kaagad ang break kaya bago pa yun bumangga sakanya ay huminto na ang kotse ko. Pagkatapos huminto ng kotse ko ay agad kong tinanggal sa pagkakabit ang seatbelt saka ako nagmadaling lumabas

"Zyrexal!" Tawag ko kaagad sa pangalan niya ng makita Kong nakasalampak siya sa sahig. The hedge?! Siya yung biglang lumitaw kanina? Pumasok pala ang babaeng ito?

"Jake?" Patanong niyang tawag sakin habang nakasalampak parin sa sahig

"Anak ng! Magpapakamatay ka ba?" Galit na Tanong ko sakanya Pero may bahid ng pag-aalala habang papalapit ako sakanya, syempre pag nagkataon na nabangga ko siya another gulo na naman! Tsaka kagagaling palang sa hospital ng babaeng to, babalik na naman siya dun? Ginawa niya atang pangalawang bahay ang hospital

"So-sorr––– aaarrrghh" pagpapaumanhin niya sana kaso bigla iyun naputol at napalitan ng daing niya habang nakahawak siya sa ulo niya. Base sa di maipintang reaction niya ay paniguradong sobrang sakit nung nararamdaman niya ngayon at dahil diyan, mas lalong nadagdagan ang pag-aalala ko sakanya na may halong kaba... Di ko naman siya nabangga kanina, diba?

"Zyrexal?! Shit! You OK?" Natatarantang Tanong ko sakanya kaso di niya ko sinagot

"Zyrexal!" Sigaw ko ulit kaso Kasabay nun ay ang pagkawalan niya ulit ng malay... Anak ng Doctor naman oh! Babalik na naman kami sa hospital dahil nawalan na naman siya ng Malay! Palagi nalang yun ang dahilan ng pagkakaospital niya... Yun ba talaga ang role niya sa kwentong ito? The collapse girl!

Agad Kong binuhat si Zyrexal saka ko isinakay sa loob ng kotse ko. Habang nag da drive ako ay tinawagan ko si Shane para ipaalam ang muling pagkakahimatay ni Zyrexal

"Oh! Bat napatawag ka?" Shane

"Si Zyrexal nahimatay na naman siya" balita ko kaagad sakanya

"Ano?! Anong nangyari?"

"Mamaya na tayo mag kwentuhan! Kasama ko ngayon si zyrexal, nandito kami sa kotse ko dadalhin ko siya sa hospital"

"Wag! Dumeretso nalang kayo sa bahay niyo, ako na ang bahala sa parents natin"

"Seryoso ka ba?"

"Sundin mo nalang ang utos ko!" Sigaw niya saka pinatay ang tawag, wala akong nagawa kundi ang dumeretso sa bahay... Pagkarating namin ay dumeretso ako sa kwarto namin habang buhat buhat ko siya, saktong pagkahiga ko Kay Zyrexal sa kama ay ang pagdating ni Shane

"Ikaw lang?" Tanong ko sakanya

"Muka ba akong may kasama?"

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon