Zyrexal POV
'Hoy pangit anong ginagawa mo?'
'You are maybe not my last, but always remember that, you are my 1st love'
'Matulog ka na kakantahan kita'
'Poprotektahan kita dahil isa akong tunay na lalaki'
'Wag mo muna akong iiwan ah, di ko pa kaya'
'Maraming magbabago sa oras na magkahiwalay tayo'
'Magiging bakla ako pag na wala ka sa tabi ko kasi wala nakong poprotektahan'
'Ang ganda ng tanawin dito sa dagat noh? Lalo na't sunrise o sunset'
'I love you baby girl'
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan ng magbalik ang diwa ko sa realidad——
"Aray ko Zyrexal ah" napatingin ako sa lapag ng may nagsalita galing dun
"Jake? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sakanya ng makita ko siyang nakasalampak sa sahig at masama ang tingin sakin. Diyan ba siya natulog?
"Bruha! Nahulog lang naman ako dahil sa biglaang pagbalikwas mo" nang gigil na sagot niya saka siya tumayo at bumalik sa pwesto niya "ano bang nangyari sayo?" Tanong niya ng makaupo na siya sa kama
"May napaginipan lang ako kaso masyadong Malabo" saad ko habang inaalala ang panaginip ko. Two weeks na din akong nanaginip na boses lang ang klaro sakin mag mula nung nawalan ako ng Malay. Di ko muna iyun pinagsabi kahit kanino, maliban Kay Jake ngayon dahil gusto Kong maging malinaw muna sakin ang lahat.
"Matulog ka na ulit" rinig Kong utos sakin ni Jake. Tumango naman ako saka nahiga na ulit
Kinaumagahan ay tahimik lang ako sa buong biyahe namin ni Jake papuntang school, Hindi din naman niya ako pinapakialaman kaya malayang nakakapaglayag ang isip ko papuntang Paris.... Joke lang. Iniisip ko lang ang mga napaginipan Kong boses kung ano ang connection nun sakin. Baka naman reincarnated na ako tapos yung mga boses na narinig ko ay bahagi ng alaala ko. Pwede ding sa future pa yun, o baka naman–––
BINABASA MO ANG
Playing as a wife of gay | Completed
Teen FictionAkala ko nung una ay isang normal lang na arrange marriage ang magaganap, yung tipong napagkasunduan lang ng mga magulang niyo na ipakasal kayo sa isa't isa--- walang business rekated--- plain na kasal lang. Pero Mali ako dahil ang magiging asawa ko...