Chapter 17

119 8 0
                                    

Zyrexal POV

"Wag po please"

"Shhh maglalaro lang tayo"

"Tulong! Pakiusap tulungan niyo ko"

"Wag ka ng maingay mag e enjoy ka din dito"

"Wag po maawa kayo"

"Layuan mo si Zyrexal, tarantado ka!"

BOOGHS!!!

Thud!

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan habang hinihingal na para bang nakipagkarera ako ng ilang kilometro... Anong klaseng panaginip yun? Epekto ba yun ng muntik ko ng pagkakagahasa? O may iba pang ibig sabihin yun?

"Anak? Ayos kalang? Kamusta pakiramdqm mo? May masakit ba sayo? Tatawagin ko ang doctor" sunod sunod na Tanong sakin ni mama. Tinignan ko muna siya saglit saka ko iginala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako. Nandito ang parents namin ni jake sa loob ng room ko Pero wala sina ate Shane at Jake. Ibinaling ko naman ulit ang paningin ko Kay mama para sagutin ang mga katanungan niya

"I'm fine ma"

"Sigurado ka?" Paninigurado niya. Tango lang ang isinagot ko dahil Hindi din ako sigurado. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok dun si ate Shane

"You're awake" sambit niya

"Where have you been? Asan si Jake?"

"Kasama ko kanina si Jake sa coffee shop Pero nauna nakong bumalik dito"

"Oh! OK"

"Iha? Bakit hindi mo nalang isinama sayo si Jake dito?" Tanong ng daddy ni Jake Kay ate Shane

"Tito Alam niyo naman siguro ang dahilan" sagot naman ni ate Shane "May napag-usapan kami ni Jake kanina sa coffee shop at mas mabuti siguro kung pag-usapan natin ito ng kompleto kapag ayos na ang lahat"dagdag pa ni ate Shane. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni ate Shane. Hindi detalyado ang mga sinasabi niya Pero nagkakaintindihan silang lahat dito, out of place tuloy ako

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon