Chapter 10

169 8 0
                                    

Jake POV

Ng makababa nako ay bumungad sakin ang muka ni Zyrexal na ngayon ay inis na inis na, Alam kong gusto na niyang sumabog kaso, Hindi siya bomba...

"Anyare sa muka mo girl? Bat muka kang nagpipigil na matae?" Pang-aasar ko sakanya ng makalapit nako sa harapan niya. Hindi niya ko sinagot, bagkus ay tumayo lang siya sa kanyang kinauupuan at nagpapadyak na umakyat. Teasing her makes me bring all those memories back, sa loob lang ng ilang buwan na pagsasama naming dalawa ay unti unting bumabalik ang nasa kahapon. Ngunit diko parin maiwasan ang malungkot sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring sobrang nakaapekto sakin. I even tried to kill myself before, buti nalang at napigilan ako ng mga magulang ko noon, if ever na nangyari yun, for sure wala ng dyosa sa mundong ibabaw ngayon...

Habang naghihintay akong bumaba si Zyrexal ay naghanda muna ako ng pang lunch namin, diretso lunch nako dahil nakalimutan Kong mag breakfast kanina. Saktong natapos nako sa paghahanda ay ang pagdating ni Zyrexal sa dining kaya nagsimula na kaming kumain

"Siguro naman wala kang ginawa Kay zaniel noh?" Pagbabasag niya sa katahimakan, palaging ganito ang senaryo naming dalawa sa hapag kainan, siya ang nagbibigay ng topic para naman di magmistulang nasa sementeryo kami kumakain

"I did nothing"

"Mabuti naman" at diyan nagtatapos ang aming pag-uusap

Zyrexal POV

"Dre, kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Pangangamusta sakin ni zaniel. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Jake habang kausap ko si zaniel sa cellphone. Yung bruhang bakla naman ay lumabas may aasikasuhin daw siya

"I'm fine zaniel"

"Buti naman. Ano ba kasi ang nangyari?"

"Ewan, di na din namin pinag-usapan eh"

"Bakit?"

"Wala naman kasing magbabago kahit pag-usapan pa namin saka sabi mg doctor wala namang daw dapat na ikabahala"

"OK, I trust you, I know you'll take care of yourself. For sure inaalagaan ka din ni Jake. Where is he by the way?" Wow zaniel ahh, bat mo tinanong? Miss mo na ba siya

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon