Chapter 19

117 6 0
                                    

Zyrexal POV

Pagkahatid Nina mama sakin kanina dito sa bahay ay dumeretso nako sa kwarto namin at humiga sa kama saka ako pumikit para matulog, di nako nag-abala pang magbihis dahil papasok naman ako sa skwelahan mamaya. 7 am na ng makauwi ako kaya expected ko ng wala na si Jake dito sa bahay, pakiramdam ko iniiwasan niya ako o pakiramdam ko lang yun. Ilang minuto lang akong nakipagtitigan sa kisame hanggang sa niyakap nako ng kadiliman....

'Hoy pangit anong ginagawa mo?'

'You are maybe not my last, but always remember that, you are my 1st love'

'Matulog ka na kakantahan kita'

'Poprotektahan kita dahil isa akong tunay na lalaki'

'Wag mo muna akong iiwan ah, di ko pa kaya'

'Maraming magbabago sa oras na magkahiwalay tayo'

'Magiging bakla ako pag na wala ka sa tabi ko kasi wala nakong poprotektahan'

'Ang ganda ng tanawin dito sa dagat noh? Lalo na't sunrise o sunset'

'I love you baby girl'

(Other scene)

'Bumalik ka kaagad, OK?' Bilin ng isang batang lalaki sa kasama niyang batang babae, I don't know kung ano ang nangyayari basta ang Alam ko lang ay pinapanood ko silang dalawa, kaso diko makita ang mga muka nila, puro boses lang, katulad ng boses na naririnig ko sa panaginip ko

'Opo, saglit lang ako' tugon naman nung batang babae saka siya umalis at lumapit sa nagtitinda ng ice cream, nasa park kasi sila–– o kami–– para mamasyal. Dala dala nung batang babae ang isang bola na pang soccer kaya nung nakuha na niya ang ice cream na may chocolate flavor ay bigla niyang nabitawan ang bola, gumulong yun hanggang sa kalsada, sinundan niya ito at ng akmang kukuhanin niya iyun ay–––

Pe peep! Pee peeeeeep!

Ssccreetccch!

Boooghs! JdjxmlLakslv..... Tit! Tit! Tit! Tit!

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan habang hinahangos, napalingon naman ako sa alarm clock na nag-iingay. Bwesit! Oras na pala! Anong klaseng panaginip yun? Bakit ang lakas ng impact sakin? Pinagpawisan pako... Pinatay ko na ang alarm clock saka ako nag-ayos para makapaghanda na papuntang skwelahan. Hindi naman talaga ako pinayagan nila mama na pumasok ngayon dahil, bukod sa walang maghahatid sakin eh kagagaling ko lang din sa hospital, kaso kung mananatili naman ako dito sa bahay, marami akong ma mi missed sa class namin plus pa kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko, baka mabaliw pako pag nagkataon. Kaya papasok ako ng half day sa ayaw at sa gusto nila...

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon