Jake POV
Apat na buwan na rin ang nakalipas since nung birthday ni Zyrexal at maayos ang lahat, hindi na din kami sa iisang bahay tumira. Ibenenta namin iyun kinabukasan saka bumalik sa bahay ng mga magulang namin. Nagkaroon din kami ng lunch together, tinanong ko siya kung bakit naiba ang name niya, Pero wala daw siyang Alam, so my instinct told me na baka para din iyun sa ikakabuti ni Zyrexal. Sembreak ngayon dahil malapit ng magpasko, kaya naman umuwi sina Zyrexal sa south Korea para doon mag celebrate. Uuwi din sana kami sa probinsya namin Pero ng tumanggi ako ay di na nila itinuloy pa... Lumipas ang pasko at bagong taon, Balik klase na na naman kaya balik na din ako sa nakasanayang routine, palagi ko na ding kasama sina Zaniel kaya di na ako masyadong lonely... Ng sumunod na linggo ay nagkita kami ni zik sa isang restaurant para pag-usapan ang tungkol sa message niya sakin nung birthday ni Zyrexal. Ilang beses ko siyang tinawagan nun Pero ayaw niyang sagutin, di din siya nag re–reply sa mga message ko, Pero di ko siya tinigilan hanggang sa tumawag siya sakin at sinabing gusto niyang makipagkita para makausap ako...
Flashback....
Pareho lang kaming tahimik ni zik habang nakaupo at kumakain, lunch na din kasi kaya sa restaurant namin napagdesisyonan na mag kita... Inilapag niya ang kutsara at tinidor saka uminom ng wine at binasag ang katahimikan
"Sorry kung natagalan bago tayo makapag-usap ng masinsinan, naging busy kasi ako" pangunguna ni zik sa conversation namin
"Nag message ka sakin na ako ama ng ipinagbubuntis myzi. Di na kita tatanungin kung pano mo nalaman, gusto ko lang sabihin mo sakin kung nasaan si myzi" seryosong saad ko sakanya matapos uminom din ng wine sa sariling baso
"As what I have said, naging busy ako kaya di kita na contact kaagad ulit---"
"I don't care kung ano ang pinagkakagawa mo, sabihin mo nalang sakin kung----"
"Naging busy ako kakahanap Kay myzi" putol din niya sa sasabihin ko sana. Natigilan ako sa sinabi niyang yun at nagkaroon ng panandaliang katahimikan saming Dalawa. OK, medyo diko na gets yung sinabi niya pero kalaunan ay nag sink in din naman sakin ang ibig niyang sabihin
"You mean, nawawala si myzi?" Pagkokompirma ko. Baka kasi mali talaga ang pagkakaintindiko
"Yes" maikling sagot niya na sinamahan pa ng bunting hininga
"How? Why? Ano bang nangayri?" Sunod sunod na Tanong ko sakanya. Di na din namin naipagpatuloy ang pagkain dahil pareho na kaming tutok sa pinag-uusapan namin
"Nung araw na na kita tayo sa hospital ay ang araw na inamin niya sakin na ikaw ang ama ng dinadala niya, sinabihan ko siyang karapatan mong malaman ang tungkol sa bata kaso nagmatigas siya kaya di ko na pinilit pa Pero, sinabi ko sakanya na nalang araw malalaman mo din ang tungkol dun. Mahirap lang si myzi at mag-isang binubuhay ang sarili kaya kailangan niyang mag trabaho kaso buntis siya at makakasama iyun sa bata kaya nag offer ako ng tulong Pero ayaw niyang tanggapin. Simula nun ay nagkakasagutan na kami palagi hanggang sa tinakot ko siyang sasabihin ko sayo ang nalalaman ko pag di siya tumigil sa pagpapagod ng sarili ng sarili niya. Binalewa niya ang sinabi ko kaya nag message ako sayo nung August 23, nalaman niyang tinext kita kaya kinaumagahan ay naglaho nalang siya na parang bula" pakukwento niya sakin. Hindi ko alam kung paano mag re–react o kung ano ang dapat kung sabihin. Hindi ko na hinanap pa si myzi ng tinext ako ni zik dahil akala ko ayos lang ang lahat at madali ko lang siyang mahahanap since may idea na ako kung saan o kanino siya hahanapin Pero Mali na naman ako...
"Wala ba siyang mga magulang?" Tanong ko Kay zik
"Meron Pero pinalayas siya sakanila at binawi lahat ng mana niya ng tinanggihan niya ang kasal na inalok sakanya. Yun yung araw na nagpakalasing siya and I guess yun din araw na may nangyari sainyo"
"May Alam ka pala tungkol dun"
"Lahat ng tungkol sakanya ay alam ko Pero Hindi ang lugar na kiaroroonan niya ngayon"
Napailing iling ako sa kawalan ng maisip ng paraan kung paano ko mahahanap si myzi. Ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama. Ayokong kamuhian ako ng anak ko dahil pinabayaan ko sila ng ina niya
"Paano mo nga pala nakuha ang number ko" Parang wala sa sariling Tanong ko sakanya.
"About that, wag mo ng alamin. Don't worry di ko ipamimigay" tumango lang ako sa sagot niya saka inubos ang wine na nasa baso ko
"Anyway, mag-usap nalang tayo ulit sa susunod, kailangan ko ng umalis, pinapatawag na ako sa amin. Mauuna na ako" pagpapaalam niya sakin at tinapik tapik ang balikat ko. Di ko na siya sinagot pa dahil parang na blangko ang isip ko dahil sa sinabi ni zik. Naiwan akong mag-isa dito sa restaurant habang nakatanaw sa mga taong kumakain din dito, unaasang mahagip ng paningin ko si myzi
Ganun ba talaga ka big deal sayo ang mapagkamalang pokpok para ilayo mo sakin ang anak ko. Hahanapin kita myzi... Hahanapin ko kayo
The end.....
A/n: wazzup chingus! So di na ako magpa ligoy ligoy pa! First maraming salamat sa pagbabasa nitong unang na publish ko dito sa wattpad at pangalawa, I just posted another completed story last year so kung gusto niyong malaman kung ano na ang nangyari sa mga karakter natin sa story na ito Just read "Long Lost Love" (Sequel) sana suportahan niyo rin ang story na iyun... Salamat
BINABASA MO ANG
Playing as a wife of gay | Completed
Dla nastolatkówAkala ko nung una ay isang normal lang na arrange marriage ang magaganap, yung tipong napagkasunduan lang ng mga magulang niyo na ipakasal kayo sa isa't isa--- walang business rekated--- plain na kasal lang. Pero Mali ako dahil ang magiging asawa ko...