Chapter 18

116 5 0
                                    

Jake POV

Matapos Kong ubusin ang inorder ko ay umalis nako sa coffeeshop, balak ko pa sanang maglibot libot kaso baka maulit lang ang nangyari noon kaya napagdesisyonan ko nalang ang umuwi sa bahay, di na din ako nag-abala pang magpaalam at e check ang kalagayan ni Zyrexal. Ng makauwi nako samin ay dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig saka ako umupo sa sofa para magpahinga, inihilig ko ang aking batok saka pumikit, malapit na sana akong lamunin ng dilim kaso biglang tumunog ang cellphone ko, nakalagay sa screen ko ay ang pangalan ni Shane na tumatawag

"Jake?" Nasorpresa ako ng marinig ko ang boses ni Zyrexal sa kabilang linya. Nagising na pala siya.

"Hello thank you for calling, how I can help you?" Pabirong sagot ko sakanya, masaya ako dahil maayos ma siya kahit di ko pa natatanong

"Hi good morning, just wanna ask if you can come over to my room? May ipapalinis lang akong kalat" yeah maayos na talaga ang lagay niya, sinakyan niya ang Biro ko eh yun nga lang ginawa niya Kong taga ligpit

"Anong akala mo sakin? Janitress?" I asked in a sarcastic way

"Nope! You're a JANITOR, right?" At binigyang diin niya pa talaga ang janitor

"Bruha! mag-usap nalang tayo pagnakabalik kana sa bahay"

"Dika Pupunta dito sa room ko? Nasa coffee shop ka diba? Dumaan ka nalang muna dito" natigilan ako dahil sa Tanong niya iyun Pero nakabawi naman ako kaagad

"Nasa bahay nako Zyrexal, magpapahinga nako, bye" pinatay ko kaagad ang tawag at nagpakawala ng buntong hininga. Sa ikalawang pagkakataon ay di na naman ako nagparamdam sakanya sa hospital. Kung iniisip niyo na, Kaya ako Hindi nagparamdam Kay Zyrexal sa hospital ay dahil dun sa pagpuputol ng kasunduan, well Hindi yan ang dahilan, Hindi naman kasi ako multo para magparamdam sakanya, Charot, baka kasi gawin pa niya akong janitor kapag pumunta ako sa room niya kaya wag nalang... De joke... Ayaw ko lang talagang makita siyang nakataray sa hospital bed, nag-aalala ako sakanya, sobra, Pero di ko kasi kayang pumasok sa room niya para pagmasdan siyang nakapikit habang nakahiga na para bang isa na siyang patay, ayokong makita siya sa ganoong position dahil parang ibinabalik lang ang lahat ng nangyari noon, lalo na ang sakit na naramdaman ko. Sa totoo lang, pinapapuputol ko ang kasunduan nina mama tungkol samin ni Zyrexal Pero parang ayoko siyang mawala sakin, ayoko siyang mawala ulit? Her face is so familiar to me na kaya ko siya sinusungitan o nilalayuan dahil nakikita ko siya sakanya, Pero natatakot akong mawalay sakanya...

Kalahating oras din naglayag kung saan saan ang isip ko hanggang sa maisipan Kong umakyat sa kwarto namin para mag-ayos at matulog, madaling araw na din at maya maya lang ay klase na, sana lang di masyadong lumaki ang dark circles sa mata ko, baka magmuka pakong panda, ma turn off sakin ang mga fafa

Kinabukasan ay maaga parin akong nagising kahit late nakong natulog, habang papasok ako ng banyo ay humikab at nag-uunat parin ako ng katawan, ayaw ko sanang pumasok ngayon kaso ayoko din namang bumagsak. Ng matapos akong mag-ayos ay pinaandar ko na ang sasakyan papuntang skwelahan, to be honest, nakakapanibago sa pakiramdam na Hindi ko kasama si Zyrexal, sa ilang buwan ba naman naming pag-sasama nasanay nako sa presensya niya... Ng makarating nako sa school ay inayos ko kaagad ang pagka park ng kotse ko saka ako bumaba at naglakad patungo sa classroom namin, syempre todo iwas ako sa mga higad na nakapaligid sa campus, mahirap na ang ma chambahan...

"Jake!" Napalingon naman ako dun sa Tumawag sakin.

"Jerson?"

"Wazzup pre" bati niya sakin saka ako inakbayan, wag kayo di ako kinikilig at kung iniisip niyong tropa ko yan, maling mali kayo

"Anong kailangan mo?" Kunot noong Tanong ko sakanya. Isa si jerson sa mga basketball player ng school namin, magkasama sila ni Zaniel, si zaniel naman ang varsity. May hitsura si jerson yun nga lang mas ma hitsura ako, bet ko ang mga fafa pero kahit minsan di ako nahumaling sa mga lalaki namin dito sa campus, mga echoserong palaka kasi. Kilala ako ng halos lahat ng studyante dito sa campus lalo na sa mga lalaki dahil sa pagiging bakla ko na habulin ng mga babae...

"Luh, may kailangan agad? Diba pwedeng may Tanong lang"

"Ano namang ang itatanong mo?"

"Hmmm tungkol dun sa babaeng hatid sundo mo" napatigil ako sa paglalakad ko ng sabihin niya yun. Napag-usapan na namin ni Zyrexal na wala munang makakaalam na mag fiance kami, at 1st ay binalewala ko muna yun dahil akala ko di na pagtutuunan ng pansin ng mga studyante dito sa campus, Pero MALI ako, bwesit...

"Ba-bakit? Anong meron sakanya?" Kinakabahang Tanong ko. My ghad sana naman matapos na kaagad ang pag-uusap na ito

"Usap usapan kasi ang paghahatid at sundo mo sakanya, syempre maraming nagkakagusto sayo kaya paki confirm naman sakin kung ka anu-ano mo siya"

"Bakit, pag ba kinonfirm ko sayo, matitigil na ang usap-usapan?" Sarkisto kong Tanong sakanya. Napakamot naman siya sa batok niya saka ngumiwi

"Hindi Pero at least uunti nalang ang fake news tungkol sainyo, diba?" May point ka diyan

"Tss, she... She is my ha-half... Half sister" leche! Bakit ba nahirapan akong iraos ang salitang yun, eh simpleng 'she is my half sister' lang naman yun

"Eh bakit may usap-usapan na fiance mo siya?" Chismoso lang pre?

"Sinabi kasi noon ni Zyrexal sa mga babaeng umaligid sakin sa cafeteria na mag fiance kami, kaso di namin nilinaw sakanila na prank lang namin ng si-sister ko yun" pag-eexplain ko sakanya base sa napag-usapan namin ni Zyrexal

"Ganun pala... So Zyrexal ang pangalan niya... Single ba siya?" Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa Tanong niya na iyun... Try niya lang pormahan ipapakain ko sakanya ang kamao ko

"Don't you dare Jerson"

"Woah! woah! Easy bro, napaka protective brother mo naman" saad niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko... May pagkababaero si Jerson kaya hindi ko hahayaan na idagdag niya si zyrexal sa listahan ng mga pinaglaruan.. Binigyan ko lang siya ng nagbabantang tingin saka ako naunang maglakad sakanya. Pagkarating ko sa room namin ay ganun parin ang routine, kanya kanyang kumpulan sa gilid habang wala pa ang prof. Dahil wala akong kaibigan––– may mga feeling close lang––– nakikinig muna ako ng music gamit ang earphone saka ko pinikit ang mga mata habang nakahilig ang batok ko, matutulog Muna ako, maaga pa naman saka wala naman akong gagawin, babawiin ko muna ang kulang Kong tulog....

Matapos ang klase ngayong araw ay iniligpit ko na ang mga gamit, ready na sana ako paalis kung di lang sana ako pinagkaguluhan ng mga ugok Kong kaklase, talagang dinumog nila ako

"Gf mo ba si Zyrexal?"

"Fiance mo daw siya"

"Oo nga yun daw ang sabi niya noon fiance mo siya"

"Kaano-ano mo ba si Zyrexal?"

"Fiance lang naman diba? May pag-asa pang di kayo magkatuluyan"

"Diba bakla ka? Amin nalang ang fiance mo"

"Oo nga, balita ko maganda siya"

"Kung mag fiance kayo, bakit sumasama parin siya sa ibang lalaki?"

"Yeah, yung varsity ng basketball"

"Palagi ko silang nakikita na magkasama"

"Baka naman bf niya yun tas ikaw ang fiance"

"Ang landi ah"

"Dalawa ang lalaki"

"Tatlo kaya"

"SHUT UP!" Sigaw ko sakanila, bigla naman natahimik ang lahat saka ko lang kinuha ang mga gamit ko at walang salita na umalis ako sa room namin... Leche! Bakit ba pinapakealaman nila ang buhay ko... Grabe silang lahat talaga nakikipeste? Pano nalang pag kumalat din na may possibleng nakabuntis ako tas fiance ko si Zyrexal... Malaking gulo!

Playing as a wife of gay | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon