Zyrexal POV
Matapos ang weird moment ni Jake sa loob ng sasakyan kanina ay, walang imik niyang pinaandar ang sasakyan ulit pauwi sa bahay. Ng makarating kami sa aming tahanan, as usual diretso siya sa kusina para uminom ng tubig, ako naman ay magpapalit ng damit sa kwarto. Habang nagbibihis ako ay kung saan saan lumipad ang pag-iisip ko, ngayon ko lang napansin, ang tagal na naming magkasama ni Jake pero di man lang ako na fall sakanya, kahit crush wala akong naramdaman, sabagay parehas kami ng gusto eh.... Lalaki din ang hanap niya. Pagkatapos Kong ayusin ang sarili ko sa loob ng kwarto ay bumaba nako para maghanda ng hapunan namin, nadatnan Kong nakaupo sa sofa si Jake habang nakapikit ang mata nito kaya nilapitan ko siya para gisingin at ng makapag-ayos na sa sarili. Ng magising ko siya ay tinignan niya muna ako saglit saka umakyat sa taas, ako naman ay nagpatuloy na sa kusina para magluto. Ang cool namin noh, walang palitan ng salita
Matapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nauna ng umakyat sa kwarto si Jake ako naman ay nanatili muna sa sala para mag-aral, gusto ko na sanang matulog at magpahinga dahil tinatawag na talaga ako ng kama, unan at kumot ko, kaso, lecheng panot na professor yun may pa test pang nalalaman, eh wala naman akong ka close sa loob ng room para may makopyahan ako, ang dami pa namang aaralin...... Alas onse na ng gabi Pero heto ako ngayon at pilit nilalabanan ang antok, ayoko namang makakuha ng itlog sa test noh, OK lang sana kung may ibang kaklase din akong makakakuha ng itlog para naman di masyadong makaagaw pansin.... Habang nag-aaral ako ay Hindi na talaga pumapasok sa utak ko ang mga inaaral ko ngayon, hanggang sa tuluyan ng dumilim ang buong mundo ko
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock kaya kahit inaantok pako ay pinilit ko paring tumayo para makapag handa. Teka! Pano ako nakarating dito sa kama? Eh nasa sala ako kagabi. Nilingon ko naman si Jake sa tabi ko na ngayon ay nag-uunat na.
"Pano ako napunta dito?" Tanong ko sakanya
"Aba! Malay ko, baka nag teleport ka" sagot niya at umalis na sa kama
Langya! Tinatanong ng maayos, bibigyan ka ng pang gagong sagot. Ganda ka teh?! Kahit inaantok pako ay ginawa ko parin ang morning routine saka ako bumaba, buti nalang at nakapaghanda na ng makakain si Jake.
"Ang sweet naman ng hubby ko, ikaw pa talaga ang nagluto dahil Alam mong inaantok pako. Nag-aalala ka talaga sakin eh" kunwaring kinikilig na saad ko sakanya. Ang bruha inirapan ako
"Ha? Hassuming ka? Nag-aalala lang naman ako na baka masunog pa tong bahay sa katangahan mo" nakangising pang-aasar niya. Alam niyo kung di lang krimen ang pagpatay ng hayop, matagal ng pinaglalamayan ang baklang toh....
"Ang harsh mo sakin hubby" kunwaring pagtatampo ko kuno
"Hubby your face"
Pinaglihi ba sa Sama ng loob ang baklang toh? Since nung araw na nagkakilala kami sa Starbucks ay diko pa siyang nakikitang ngumiti. Palaging nakasimangot, pag kinakausap mo tinatarayan ka minsan aasarin kapa. Wala naman akong planong pakasalan ang bruhang to eh. Pag naging lalaki na ang baklang to ay aatras nako sa kasunduan, kaya, habang Hindi pa siya nagbabago ay ipagpapatuloy ko muna ang pagiging 'Playing as a wife of gay'. Syempre play lang since Hindi naman totoo na mag-asawa kami saka umaasta lang naman ako, minsan palpak pa dahil nakakalimutan ko kung magkaano-ano kami. Kailangan ko din ibalik ang pagiging sweet sakanya para Maging aware ako na mag fiance parin kami....
BINABASA MO ANG
Playing as a wife of gay | Completed
Teen FictionAkala ko nung una ay isang normal lang na arrange marriage ang magaganap, yung tipong napagkasunduan lang ng mga magulang niyo na ipakasal kayo sa isa't isa--- walang business rekated--- plain na kasal lang. Pero Mali ako dahil ang magiging asawa ko...