Prologue
Nakailang sulyap na ko sa cellphone ko pero wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa'yo. Alas syete na ng umaga at ang plano natin ay susunduin kita sa apartment mo.
Ngayon ang first day mo sa Llano High bilang AP Teacher. At gusto kong maging parte non. Kinuha ko ang backpack pagkatapos kong mag-suot ng black leather shoes. Isang beses ko pang sinuklay ang buhok ko sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto.
Gamit ang motor ay binagtas ko ang kalsada patungo sa'yo. Hindi ko maipaliwanag pero may umusbong na kaba sa sistema ko.
Shit. Tulog ka pa ba? Nasaan na ang 'Good Morning' ko? Nag-almusal ka na ba? Dahil kung hindi pa, dadaan muna ako sa Mcdo para mag-take out.
Alas-nueve pa naman ang advisory class ko sa St. Andrew kaya may oras pa ko para pagsilbihan ka.
Humigpit ang kapit ko sa motor dahil hindi pa rin ako mapalagay. Umigting ang panga nong na-traffic ako malapit sa intersection.
"Shit!" singhap ko.
I don't like what I'm feeling right now. Mabigat ang loob ko dahil sa masamang kutob. Bukod sa nerbyos ay nanghihina rin ako.
Siguro, praning lang ang boyfriend mo. But you can't blame me. Ayokong mawala ka sa'kin, mahal. Nagsisimula pa lang tayo.
Agad kong pinaharurot ang motor nang makita ko ang go signal ng traffic enforcer sa gitna. Ilang beses din akong nag-take over.
Nang makarating ako ay mabilis kong pinarada ang motor na halos matumba dahil sa pagmamadali. Hinubad ko ang suot na helmet, at nanlumo nang madatnan kong nasusunog ang building ng apartment mo.
Maingay at magulo ang paligid. Nakapwesto na ang mga bumbero sa gilid ng fire truck para patayin ang malaking apoy. Bukod sa sigawan ay dinig ko din ang hagulhol ng mga biktima. Napansin ko rin ang landlady na si Manang Letty. Tulala siya habang yakap ang maliit na bag.
"'Yong Mama ko nasa kwarto pa! Tulungan niyo siya, please!"
"Padaanin niyo ko sabi! May kukunin lang ako!"
"Kumalma po tayo. May rescuers na sa loob."
"Hindi ko alam kung anong nangyari pero may sumabog daw na transformer."
"Sa fourth floor daw nagsimula."
Shit! Nahugot ko ang hininga nang makita kong may kargang babae ang isang bumbero. Wala 'yong malay, at duguan ang damit. Nanginginig akong lumapit sa kanila. Lumapit din ang medic para bigyan ng paunang lunas ang babae.
That woman is not you.
Kaya naman hinanap kita sa gitna ng gulo, sa gitna ng nagpa-panic na tao, pero wala ka. Shit!
Tiningala ko ang mismong apartment mo, sa fourth floor na kung saan ay unti-unting natutupok ng apoy.
Mahal, nandiyan ka pa ba? Bakit nandiyan ka pa?
"Sir, delikado kung papasok pa kayo. Hindi pa humuhupa ang apoy." Humarang ang isang bumbero sa daan ko.
Umiling ako, nanginginig pa rin ang katawan dahil sa matinding pangamba. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa'yo.
"You can't expect me to stay here. Nandoon pa si Phoebe!" Dulot ng desperasyon ay bayolente ko siyang natulak.
Bumagsak siya sa sementadong kalsada kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para lumusot. Nagmadali akong umakyat patungo sa'yo.
Ilang beses akong nabangga ng kung sino. Bawat hakbang ko ay para akong pinaparusahan. Hindi rin ako makakita at makahinga nang maayos dahil sa usok. Napapaso din ang balat ko pero wala akong pakialam.
All I want is to secure your life, even if it means sacrificing mine.
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...