Chapter Ten
BAGO natapos ang araw na 'yon ay inamin mong ako ang naging first kiss mo. I was glad to know that but knowing that I would be the only one who is allowed to kiss you, thrilled me more.
Umabot ng closing party ang usapan tungkol sa relasyon natin. 'Yon na agad ang naisip nilang dahilan kung bakit ka nag-resign. Our co-teachers, heads, and even students asked me about us. Kaya para huminto na sila ay nag-post ako sa facebook ng picture mo, confirming our relationship. I'm a proud boyfriend kaya kahit na gusto mong ipa-delete dahil sa hiya ay hindi ako sumunod. Sumabog ang notification natin dahil sa comments nila Insan. They congratulated us na para bang kinasal na tayong dalawa.
"Tumawag si Auntie," panimula mo. Then, I smiled when you hugged me from behind. Abala ako sa pagluluto ng lunch natin ngayon.
Simula nong nag-resign ka ay halos araw-araw kang bumibisita sa bahay. I gave you a key kaya minsan nagugulat na lang ako sa umaga dahil meron na kong masarap na almusal sa mesa. Syempre, may kasabay din kaya ganado ako buong araw. I never expect that side of you. 'Yong pagiging malambing at maalaga mo.
"Anong sabi?"
"Bumisita ka raw sa bahay bukas ng gabi. Ipagluluto ka raw niya ng Caldereta," sambit mo habang nakayakap pa rin sa akin.
Doon ko lang naalala 'yong sinabi ng Auntie mo noong burol ni Lola Ester. Na kapag napasagot kita ay ipagluluto niya ko ng kaniyang specialty. Halos isang taon na pero hindi pa rin niya nakalimutan ang usapang 'yon.
"Sure. Wala naman akong klase. Ikaw ba? Busy ka ba?" I asked.
Pumapasok ako ngayon sa PUP bilang instructor habang ikaw ay nag-decide na kumuha ng master's degree ngayong summer.
"Hindi naman," I heard you sighed. "I love you, mahal."
Lumapad ang ngiti ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Na kada sasabihin mo 'yan ay napapahinto ako saglit sa ginagawa. Thank you for granting my long-time wish.
Natuloy ang pagpunta natin sa bahay niyo. Talagang pinagluto ako ng Auntie mo at nakausap ko na rin ang iyong Mama nong gabing 'yon mismo via video call. Naging emosyonal siya habang kausap ako kaya sinubukan kong i-assure siya.
"Hindi ko man po maipapangako na hindi ko siya masasaktan pero asahan niyo pong hindi siya iiyak mag-isa. Sasamahan ko po ang anak niyo kahit anong mangyari," sinserong saad ko.
Nagpunas siya ng luha at ngumiti. "Salamat, Markus, anak. Ingat kayo palagi diyan. Baka sa pasko makadalaw kami ni Martin."
Sa dalawang buwan na relasyon natin ay marami akong nalaman tungkol sa iyo. Which made me love you more each day. Na hindi ko alam kung may sukdulan ba o kung saan pa aabot.
Hinayaan din kitang bumili ng mga gamit para sa bahay. Nagkaroon ng bagong set ng kurtina, picture frame, couple mug, at flower vase sa maliit na mesa. Tumutulong ka rin sa paglilinis kahit na ayaw ko.
"Nagpa-practice lang ako maging asawa mo kaya hayaan mo na ko please," 'yon ang palagi mong dahilan.
"Kahit na asawa na kita, ayaw kong napapagod ka," 'yon naman ang palagi kong sagot habang inaagaw ko sa iyo ang hawak na walis, mop, o dust pan.
Pero sa huli, ikaw pa rin ang nasusunod. Gusto ko sanang mag-propose sayo sa anniversary natin pero mukhang mapapa-aga. I'm excited to have you every day, to cherish you every night.
Nanonood tayo ng horror movie sa sala nong hawakan mo ang sugat sa aking labi. "Masakit ba?"
I shook my head and smiled playfully. "Bakit? Gusto mo pa?"
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...