Chapter Eight
WE became closer since then. Inalagaan mo pa ko sa bahay nong minsang nilagnat ako. Tanda ko pang sinermonan mo ko buong magdamag dahil sa pagiging 'pasaway' ko. Pero imbes na sumeryoso ay napapangisi na lang ako habang pinagmamasdan kang mabuti.
"Dapat nagsabi ka, Markus. Masama na pala pakiramdam mo non pero hinintay mo pa rin ako. Hindi mo naman obligasyon na ihatid ako palagi sa bahay," sinabi mo 'yon habang sinusubuan mo ko ng lugaw.
Sarap mong yakapin nong oras na 'yon. Kung hindi ko lang napigilan ay baka nagawa ko nga. Each passing day, mas lalo akong nahuhulog. Na hindi ko alam kung makakaahon pa ba ko... kung makakaya ko pa bang magmahal ng iba na hindi ikaw.
"Kailangan pang lagyan ng lock dito sa loob. Paano kung may magnanakaw? Or worst, may magtangka sa'yo? Mahirap na, ikaw lang mag-isa rito." Inusisa ko pa 'yong kondisyon ng pinto. Baka kasi isang sipa lang ay masira na agad.
"Okay po, sir. Pero mamaya na 'yan," sabay hatak mo sa'kin patungo sa kusina. Pinaupo mo ko at doon ko lang napansin na natapos ka na sa pagluluto ng biko.
Napangiti ako. Isang buwan mula nong nawala si Lola ay naghanap ka ng malilipatang apartment. You wanted to be independent. Na kahit ayaw pumayag ng Auntie mo ay hindi ka pa rin napigilan. Ayos lang naman 'yon pero hindi lang namin maiwasan ang mag-alala.
Pagkalapag mo ng plato ay agad kong kinuha ang kutsara para matikman 'yong biko. My smile grew wider. Nakaabang ka naman sa aking harap.
"Ano? Masarap ba?"
Tumango ako saka nag thumbs-up. "Pwede ka na ring magbenta," sambit ko pa.
Mahina kang natawa. "Pwede rin."
Marami akong nakain non. Kung hindi mo lang ako sinita na may bisita ka pang darating ay mauubos ko siguro ang niluto mo. Ngayon ang unang araw mo sa apartment kaya may hinanda kang munting salo-salo. Pupunta rin sila Insan mamaya. Sadyang nauna lang ako dahil nag-volunteer ako na tumulong sa pagluluto ng pagkain. 'Yon din kasi ang request mo. Na pumunta ako nang maaga.
"Namiss ko bigla si Lola," bumuntong hininga ka. "Pati na rin si Papa. Minsan nga naisip ko na bakit hindi ako ang nauna? Ang hirap kasi maiwanan, eh."
Naalarma ako sa kaswal mong tono kaya napahinto ako sa pagbabanlaw ng mga baso. I glanced your way and found you staring at nowhere.
"Pasalamat ka pa rin dahil nakasama mo sila nang matagal. I lost my parents at age of 8. Nasunog 'yong pabrikang pinapasukan nila. Dead on arrival. Halos hindi ko na matandaan ang itsura nila ngayon pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong mga masasayang ala-ala." Tipid akong ngumiti.
Bumaling ka sa akin kaya agad kong binalik ang atensyon sa paghuhugas.
"I'm sorry..."
"Ayos lang. Ako rin naman. Naisip ko na rin 'yan. Pero anong magagawa natin, 'di ba? 'Yon ang nasa plano, eh." Imbes na gumaan ang pakiramdam mo ay mukhang mas nalungkot ka pa sa naikwento ko. Shit.
"Sorry talaga, Markus. Hindi ko alam..."
I smiled. "Ayos nga lang," sabay kurot ko sa kanang pisngi mo. Bahagya kang nagulat pero kalaunan ay napasimangot dahil sa bula. I only chuckled. Sinubukan kong punasan pero nadagdagan lang 'yong nasa pisngi mo.
"Sama mo," you muttered. Nakasimangot pero nangingiti.
Cute mo. Gusto ko sanang sabihin pero next time na lang. I don't want you to get uncomfortable. I want you to be at ease just like when you are with Sir Romero. Gaya ngayong umaga. Naabutan ko kayo sa harap ng isang coffee shop. Nagtatawanan at magkadikit na naman. Shit.
Igting ang panga ay naglakad ako palapit sa inyo. I loudly cleared my throat to get your attention. Nakaharang din kayong dalawa sa entrance.
"Good morning, Markus! Bibili ka rin?" masiglang bati mo.
"Samahan mo ko." Then I quickly held your wrist. Bumaba ang iyong mga mata roon habang hindi ko nilulubayan ng tingin si Sir Romero.
"Mauna ka na," malamig kong sambit sa kaniya.
He smirked, na para bang nang-aasar. "Hintayin ko na kayo."
Gago talaga. "Hindi na. Magtatagal kami."
"Okay lang--"
"Sige na, Ariel. Baka ma-late ka pa sa klase mo. Mukhang uulan na rin, eh."
Doon ako napangisi. Para akong batang nakahanap ng kakampi dahil sa sinabi mo. Pansin ko ang simangot ni Sir Romero pero bago pa kayo magyakapang dalawa ay hinigit na kita papasok sa loob ng coffee shop. Mahaba ang pila sa counter at puro naka-uniporme ang mga customer.
"Anong order mo? Ako na bibili pero syempre pera mo."
I smiled. "Ako na." Hinatid muna kita sa bakanteng upuan bago ako pumila.
Mabuti na lang at mabilis ang kanilang service kaya kahit mahaba ang pila ay naka-order agad ako. Napawi bigla ang ngiti ko nang masulyapan ko kung sino ang ka-chat mo. Iritadong naupo ako sa harap mo. Sir Romero na naman.
"Kayo ba?" I couldn't helped but asked you that question.
Pansin ko ang gulat sa iyong mata. Mabagal mong binaba ang cellphone sa mesa. Napasandal naman ako sa likod ng upuan habang nakamasid pa rin sa'yo.
"Bakit mo natanong?" Kabadong inangat mo ang kape para sumimsim.
I shrugged. "Halata, eh." Wala akong karapatan pero nagseselos ako, nasasaktan. Matagal ko nang gustong itanong 'yon pero naduwag akong malaman ang katotohanang talo na naman ako pagdating sa iyo.
I exhaled sharply. "Kailan pa?"
I froze for a while when you suddenly laughed. Maingat mong binaba ang iyong kape habang patuloy na tumatawa.
"I can't believe you. Saan mo napulot ang idea na 'yon? Me and Ariel? Never."
Shit. Shit. Shit. Napahilamos ako ng palad sa mukha dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti nang malapad. Para akong batang dinala sa amusement park dahil sa sinabi mo.
"Sadyang close lang kami. Isa pa, may ibang crush 'yon sa school. Actually--"
I sighed in relief. "Pwede na pala akong manligaw..."
"M--Manligaw? Kanino naman?" Unti-unti ay huminahon ka. Hindi mo na rin magawang salubungin ang aking mga mata. I know you know what I meant by that. Imposibleng hindi mo alam dahil hindi tulad noon ay nagpaparamdam na ko sa iyo ngayon.
Huminga ako nang malalim. "Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula, kung paano, kung bakit..." I stopped and became more serious. "But I really love you."
Shit. Nasabi ko rin. Umawang ang labi mo dahil sa gulat pero nagpatuloy pa rin ako. Now that I'm finally confessing, I couldn't stop myself from expressing how much I feel for you. How much you actually mean to me.
"Siguro, mabilis, pero kasi hindi, eh. Matagal na, Phoebe. Naghintay din ako. Naunahan pa ko. Sinubukan ko ring maghanap pero, shit." I chuckled nervously, a bit embarrassed. "Hindi ko magawa."
Bumubuhos lahat-lahat na hindi ko na alam kung paano pa ipapaliwanag.
"Ikaw lang talaga, Phoebe. I love you so much that I can even marry you right now." Kahit saang simbahan pa 'yan, basta ikaw ang maglalakad sa gitna, papunta sa altar, para sa akin.
Dinig ko ang singhap mo. "Wait. Wait. Wait lang naman, Markus! Anong kasal? Paanong--" Napakurap ka. "Mahal mo ko? Are you even real?"
Mahina akong natawa nong pindutin mo ang kaliwang pisngi ko. Agad kong hinuli ang kamay mo at binaba sa mesa. Namimilog ang mga matang napatingin ka sa magkahawak nating kamay.
"I love you," marahan kong saad. "Hayaan mo kong patunayan 'yon. Please, give me a chance."
"Sigurado ka ba? Hindi mo ba ko pinapaasa? Kasi umaasa na ko, Markus."
Nagtama ang paningin nating dalawa. And at that moment, alam kong unti-unti nang natutupad ang pangarap ko.
Ikaw.
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...